Magpapaalam na si Karylle kay Billy.
Billy: Karylle, hindi mo naman kailangang gawin yan, hindi na siya parte ng plano natin.
Karylle: Billy, kailangan kong gawin. Ayoko namang manuod lang na pinagpyepyestahan si Vice sa kung anu-anong balita na hindi naman totoo.
Billy: Pero paano ka? Alam mong mapapahamak ka dyan pero gagawin mo pa rin.
Karylle: Billy, okay lang ako. Ang importante si Vice, kahit dito man lang makabawi ako sa kanya.
Billy: Karylle
Karylle: Isipin mo na lang bonus ko ito at sinisingil na kita.
Masayang ngumiti si Karylle kay Billy habang nakikiusap. Hindi naman makatiis si Billy kaya kahit labag sa kalooban niya, pinayagan na niya si Karylle.
Billy: Fine, I'll set a press conference for you tomorrow pero gusto kong sumama, gusto kong maging malinaw sa lahat kung ano nga ba yung mga nangyari.
Masaya naman si Karylle dahil pumayag na si Billy para sa isang conference.
Karylle: Salamat ha.
Banggit ni Karylle bago pa umalis ng office ni Billy. Naaawa naman si Billy sa kalagayan ni Karylle ngayon, napagisip-isip niya na tama nga si Vhong noon, maaring si Karylle nga lang yung masaktan sa huli ng dahil sa mga plano nila.
Billy: Karylle!
Napalingon naman si Karylle at biglang may tinapon si Billy na isang maliit na bagay. Buti na lang nasalo agad yun ni Karylle. Nagtataka naman siya kung bakit binigay yun ni Billy sa kanya, si Billy naman nakangiti lang ang unti-unting lumapit kay Karylle.
Billy: Humingi ka ng isang bagay sa akin before, pero hindi ko binigay.
Pinagisipan naman ni Karylle yung araw na yun, at naalala niya yung unang beses silang humarap sa mga tao kung saan natetense siya kaya humingi siya ng chiclet kay Billy pero di siya nito binigyan.
Karylle: Bakit chiclet?
Billy: That is because I'm now giving you not just the chiclet, but the freedom you want, freedom to choose, freedom to live, freedom to decide and freedom to love.
Natawa naman si Karylle sa sinabi ni Billy ganun din naman si Billy kay Karylle. Hindi man kasi sila masyadong nagkakausap ni Billy pero alam ni Karylle na kahit ganun ang attitude ni Billy, yung masyadong focus pagdating sa trabaho eh meron pa rin itong concern sa mga kaibigan niya.
Billy: Magkikita pa rin naman tayo di ba?
Tumango naman si Karylle at sang-ayon sa sinabi ni Billy sabay niyakap ito at naiyak sa likod ni Billy. Nabigla naman si Billy sa ginawa ni Karylle pero hindi na lang siya nagreact, alam niya kasing masyadong iyakin si Karylle.
Karylle: Salamat sa'yo, salamat sa lahat Billy. Kung hindi dahil sa'yo baka wala na yung kapatid ko, kung di dahil sa'yo baka wala kaming matitirhan, kung di dahil sa'yo baka hindi makakapag-aral yung kapatid ko, kung hindi dahil sa'yo baka hindi ko naexperience kumain ng chiclet...
Tawang-tawa naman si Billy dahil parang bata si Karylle na umiiyak.
Karylle: Kung hindi dahil sa'yo hindi ko makikilala si Vice.
Niyakap na rin naman niya ito dahil for sure, mamimiss din naman niya yung kaingayan ni Karylle.
Billy: Mag-iingat kayo ng kapatid mo at kung may kailangan kayo, tawagan mo lang ako.
Bumitaw na si Karylle sa pagkakayakap dahil medyo nahiya na rin siya kay Billy, hindi naman kasi sila ganito magusap dati sadyang sobrang mamimiss lang talaga niya si Billy kaya ganun.
BINABASA MO ANG
Operation: Marry Me
RomanceViceRylle Operation: Convert Me (Part 1) Operation: Marry Me (Part 2)