File 2: Convince

29K 376 30
                                    

It was another day for her. Masyadong mabigat mga problemang pinagdadaanan niya kaya marami siyang nainom na alak kagabi. Nagising siya sa sikat ng araw na lumalampas sa kurtina ng bintana. Bumangon siya at nag-unat-unat ng kamay. Nagulat siya sa paligid dahil nasa isang hotel siya.

Karylle: Oh my God.

Napatayo si Karylle, inaayos ang buhaghag niyang buhok at hinahanap ang mga damit niya. Ibang damit na kasi ang suot niya. She’s still searching for her clothes then she saw a note in the mirror.

Your clothes are in the dryer including your… bra. Your bag is at the table, search for it. And I left you something to eat, just bread and meat. Sorry no eggs, you ate a lot of eggs last night so I expect that you’re already full.

I hope it will be fine. Thanks again last night. –V

Karylle: Thanks again last night. Thanks again last night? Thanks again LAST NIGHT?! WAAAAAAAAAH!

Mabilis namang nagbihis si Karylle, kinuha na ang mga gamit niya at umalis na ng hotel. Habang naglalakad, tulala siya at hindi mo mafigure out kung ano ang problemang pinagdadaanan. Nakahawak siya sa dibdib niya at parang baliw pa dahil gulo-gulo ang buhok. In short, mukha siyang nirape.

Karylle: Thanks again last night. Thanks again. Sorry no eggs. Ano yun? Hindi ko siya maalala!!!

Pinipilit namang balikan ni Karylle kung ano nga ba yung nangyari kagabi pero wala siyang maalala. Basta ang alam lang niya, sobrang lasing siya kagabi.

Karylle: Hindi kaya si Doc Dave yun? V--daVe. WAAAAAAHHHH!

~~~

Vice: A happy day indeed. :D

Umupo na si Vice sa upuan niya at biglang naging aligaga naman ang make-up artist nito sa pagaayos sa kanya. Dumating naman si Eurydice, sakto lang ang tangkad, sexy, morena, matalino, anak mayaman at higit sa lahat maganda, kilala din siyang Yuri, ang manager ni Vice.

Yuri: Wow, you’re so early today and you look so happy. Why?

Vice: Oh please Yuri, kelangan bang may dahilan? Masaya lang talaga ako.

Tumaas naman ang kilay ni Yuri.

Yuri: hmmm bagong jowa?

Vice: sa tingin mo ba makakapagjowa ako sa trabaho na ito? Hello? Lahat ng tao inaabangan bawat gagawin ko baka maasikaso ko pa yan.

Yuri: speaking of… presscon mo next week so alam mo na dapat na posible nilang itanong yung about sa gay issue mo. At dapat alam mo na rin ang isasagot diyan.

Vice: Yeah. Wala naman silang evidence sa akin noh, walang bahid. Sa gwapo kong ito? tsss

Yuri: Wow, ang taas ng confidence! Sige, kaya mo yan! Pero sinasabi ko sa’yo ha, medyo nasa matinding crisis ang career mo ngayon. Kelangan mo maglie-low, chill ka muna.

Vice: I know, I know.

~~~

Hindi naman mapakali si Billy dahil binigyan na siya ng ultimatum ni Senior kung ilang linggo na lang ang pwede niyang itagal sa KV Productions Co. Umupo siya sa hagdan ng opisina at problemadong-problemado. 

Billy: Nakakastress. Hindi naman ito kasama sa job description ko! Kung hindi ko lang talaga kaibigan si Vice, hindi ko gagawin 'to. Ano ba ang dapat kong gawin?

Napakamot na lang si Billy sa ulo niya at inis na inis sa sitwasyon niya.

Operation: Convince Vice

Day 1: Romantic | Offer with candlelight

Naglalakad si Vice sa isang garden, napakaganda ng setup. May mga tela, magandang bulaklak, may mga candle pa at higit sa lahat may mga tumutugtog na instrumental music. Nakita naman ni Vice si Billy na siyang nagpabwiset sa pagmomoment niya.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon