ang diyablo na dahilan ng aking agam-agam

8 3 0
                                        

nang-appi't napakasama niya!
nagkukumanog ngunit naapuhap!
nagapi, naipalandang, napulpol!

diyablo! diyablo! diyablo!

ako'y pagal na sa mga iyong rimarim at pamimiyapis. kailan matatapos itong batlya na aking binabathi? nagugunita ko pa ang mga takot na ako'y iyong masaktan dahil sa aking kamalian. aking pita ay kaayusan at katahimikan lamang sa buhay. panginoon ko, iyon lamang at wala nang iba pa. mali, mali! may isa pa akong hangad. simula pa ito ng mapasakamay ako ng isang diyablo. si diyablo. siya ang dahilan ng aking walang katapusan na paghihirap. simula nang dumating si diyablo'y nasaklaw niya ang mundo ko at pinalitan ng karumal-dumal na kasamaan!

tulong.

pinalandang niya na naman
ako sa mundo ng impiyerno.
hukbo ng mga soldado ang
aking naapuhap. ito na ulit
sila. papahirapan na naman
ulit ako.

tama na! tama na!

ako'y nangangatal na sa m
ga latigo na inyong ginamit
upang ako ay maghirap! hi
ndi nila maaaring marinig
ang aking sigaw. subalit a
lam ko bubuso lamang ito.

batas. batas. putang ina mo!

inilaban ko lamang ang aking karapatan ngunit ako'y nagapi at napalandang sa piitan. wala kang kwenta. isa kang mapagmataas, diyablo! nang dahil sa pera ay kaya niyo na umutas ng buhay ng mga inosente! inilaban lamang ang hustisya sapagkat walang awa niyo na ipinatumba dahil sa batas niyo na baluktot! hindi porket kami'y mahirap ay agad niyo na aapakan ang buong pagkatao na para ba na wala sa inyo! diyablo ka, iyo talagang napahinuhod ang opisyales para ako'y tuluyan ng mamahinga't manahimik.

napakasama mo, diyablo. ako'y nagsisi na ikaw ay ang ibinoto ko sa eleksyon. Dahil doon, ang paghihirap na aming nadarama ay panghabang-buhay!

panginoon ko, hiling ko'y mawala siya sa mundo kahit man ay kapalit ito ng aking buhay.

Epistles for my thorned metaphorsWhere stories live. Discover now