“naku, 'nak! 'wag mo hayaang lumapit sa iyo iyang anak ni aling neneng. Isa iyang naglalakad na rosas na akala mo'y walang tinik! pota iyan!”
isa.
“sabi ni angelina na kapatid ko. nakita niya ang anak ni aling neneng na may kahalikang matanda,”
dalawa.
“pota nga iyang anak ni neneng! huwag kayong mahumaling,”
tatlo.
“bayarang babae!”
apat.
“ang landi. hindi ba iyan makukuntento sa isang lalaki?”
lima.
“isang kaladkarin at patapong babae,”
anim.
“salot sa lipunan,”
pito.
“mabait naman ang anak ni aling neneng, mare. tinulungan nga niya ang anak ko sa kaniyang pag-aaral,”
walo.
“hindi 'yan mabait! lalaki anak mo, 'di ba? panigurado akong nilandi niya iyan at kinama!”
siyam.
“tama ang sinabi ni rosa, leila. malandi ang babae na iyan. naku, naku. kung ako sa 'yo 'di ko na papasukin sa pamamahay. kamalasan lamang ang binibigay! kaya nga iniwan siya ng kaniyang ama. pareha silang patapon ng kaniyang ina! parehong dugo lang ang nananalaytay diyan,”
sampu.
at panghuli na.
potang ina.
hindi ako isang disenteng babae na nababagay sa mundo niyong sumisigaw ng perpekto. lahat naman tayo ay talagang hindi perpekto, ano'ng pinuputak niyo riyan? daig niyo pa ang ingay ng isang manok na kinatay. puta, kailangan ko ng pera. si ina hindi nakapagtapos sa kaniyang pag-aaral dahil maaga niya akong pinagbubuntis. puta na ba siya dahil diyan? hindi. biktima lamang ang aking ina sa katigangan ng mga lalaki. nasimulan ko na ang ganitong trabaho, aatras pa ba ako? kailangan ko 'to upang may makakain kami sa araw-araw. upang magamot ko ang ina ko na ngayon ay umiiyak dahil sa sakit na kaniyang nadarama. walang kwenta lamang ang aking ama. ginawa niyo siyang isang anghel habang nakikita ko lamang sa kaniya ay ang kademonyohan niya sa aming tahanan.
sinasaktan niya si ina at ako. muntikan niya na akong galawin dahil isa siyang matandang tigang na tigang, hindi makuntento sa isa. tama, marami na akong natikman na iba't ibang putahe, pero kung ang ama ko ang pag-uusapan? potang ina, itapon niyo na ang matandang iyan sapagkat wala naman siyang dulot sa bahay namin. kami nalang ni ina ang nabubuhay, si ina'y malapit na kuhanin ng diyos at ako pinipilit na ipaskil sa aking isipan na mabubuhay siya, kaya ako nagtitiyaga kumita ng pera.
“ikaw ba iyong anak ni aling neneng? ito pera. tapos na ang trabaho mo. tatawagan ulit kita kapag alam ko na ang susunod,”
“nakatatakot, mare! balita ko'y namatay si rosa kahapon lamang. balita-balita'y nabaril daw,”
isa.
at ako'y nagsisimula pa.
YOU ARE READING
Epistles for my thorned metaphors
PoetryCompilations of my proses and poems. Feel free to read.
