Flare
Naglalakad ako papuntang PS Building ngayon at dahil walang pasok ang mga bata ay iilang mga tao lang ang nakikita ko sa paligid. Kahit walang pasok, kailangan parin namin pumunta dahil maraming tatapusing mga paper works at instructional materials.
Naglalakad ako ng mabilis ngayon dahil higit kalahating oras na akong late. Minsan kasi ang hirap makahanap ng tricycle na masasakyan papuntang elementary department. Buti sana kung sa Univ ako pupunta ay pwede lang lakarin galing apartment.
Pagdating ng PS building ay si Mandy kaagad ang nakita kong nasa labas ng classroom at nagugupit ng mga colored papers. Ang hallway kasi dito sa preschool ay may mga mesa at upuan na minsan ay tinatambayan ng mga bata, marami ding mga dekorasyon sa mga pader na maaaliw ang mga bata. Dito din kami kumakain ni Mandy ng lunch at gumagawa ng mga instructional materials kapag hindi kami kailangan sa klase para hindi makaistorbo sa mga bata.
Napatingin si Mandy nang marinig ang mga yabag ko. "Baby!" tawag nya na nagugupit parin. "Late ka yata?"
"Ang hirap humanap ng masasakyan eh." napabuntong hininga ako. "Pasok muna ako."
Napatango sya. "Sige na. Good luck. Mukhang mainit ulo ng crush mo." ngumisi pa sya ng nakakaasar.
Kinabahan ako sa sinabi nya at dali-daling umalis.
Huminga ako ng malalim nang nasa harap na ako ng pinto bago kumatok. Dahil wala naman akong narinig mula sa loob kaya pinihit ko na ito at binuksan.
Sumalubong sa akin ang anyo ni Miss Zabuel na nakaupo sa swivel chair nya at nakapikit. Nakasuot sya ngayon ng midnight blue suit na napapalooban ng white longsleeve polo na nakabukas ang dalawang butones. Habang ang buhok nyang golden blonde ay naka brush up at hinayaang nakalugay.
Damn! She's so fucking hot!
"Why are you late?" napapitlag ako nang bigla syang nagsalita. She opened her eyes and it met mine. Those sultry green eyes.
Binawi ko ang tingin at napayuko dahil wala yata syang balak na putulin ang pagkakatitig sa akin.
"I'm sorry, Miss Zabuel. Nahirapan po akong makahanap ng masasakyan."
Tinaasan nya ako ng kilay at pinasadahan ng tingin. Dahil wala namang pasok ay free uniform ako ngayon. Nakasuot ako ng patch pocket buckle straps denim jumpsuit na may fit white longsleeve sa loob.
"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" pinasadahan ko ang suot ko.
"Hindi naman po, Miss. Kumportable naman po ako dito.""Come here." nilagay ko muna ang bag ko sa upuan bago lumapit sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin habang papalapit ako. Tumigil din ako sa harap ng table nya na nakapagitan sa amin.
"My head hurts. Can you massage it for a while?" ngayon ko lang napansin ang pagod sa mukha nya. Nauna ko kasing pagmasdan kanina ang suot nya kaya hindi ko agad napansin.
Nagdadalawang isip man ay hindi ko naman sya pwedeng hindian. "Ahm okay po."
"Doon tayo sa couch. I wanna lie down." tumayo sya at tumungo sa couch nya sa dulong bahagi ng classroom. Naupo sya rito at tumingin sa akin. She tapped the area beside her telling me to sit there.
Napabuga ako ng hangin at tumabi sa dulong bahagi ng couch. Nagulat naman ako nang bigla bigla syang humiga sa lap ko at pumikit. Napatulala ako sa ginawa nya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Tititigan mo na lang ba ako?" dumilat sya at tumitig sa akin.
"Eto na nga po." ngumuso ako at hinawakan ang kanyang ulo. Nakita kong napatingin sya sa labi ko bago pumikit ulit.
Hindi ako marunong magmasahe kaya pinipisil pisil at hinahaplos ko lang ang kanyang ulo at sintido. Hindi ko maiwasang titigan ang buong mukha nya. Mula sa mahahabang pilik mata, matangos na ilong at mapupulang mga labi. Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ang mga labing yan?
Bahagyang nakaawang ang kanyang mga labi kaya napalunok ako. Dumiin ang pagkakamasahe ko sa kanyang ulo dahil sa mga naiisip ko at napakislot ako nang marinig kong mahina syang umungol. Gumalaw din sya sanhi nang pagbaba ng tingin ko sa dibdib nya. Bahagya kasing umawang ang kanyang suot kung kaya nasisilip ko ang dibdib nya. Fuck!
Napakagat ako sa aking labi. Bakit parang umiinit yata ang paligid?
Dahil hindi ko matiis, inabot ko ang damit nya at aayusin sana ito nang bigla nyang hawakan ang kamay ko.
"What are you doing?" napamulat sya. Our eyes met and I thought I was hallucinating when her eyes landed on my lips.
"A-aayusin ko lang po sana ang damit nyo, Miss." napalunok ako.
"Why?"
"N-nagulo po kasi."
"Why?"
"I can s-see yo-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang pinutol nya ito.
"Does the view affect you, Peyton?" humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Dun ko lang napansin na hindi nya pa pala ako binibitawan. Napaawang ang mga labi ko at lumaki ang mga mata nang nilagay nya sa dibdib nya ang kamay ko.
"M-miss-
"Mas gusto mo ba ang kay Nurse Zoriaga? Mas malambot ba ang sa kanya??" naniningkit ang mga mata nyang nakatingala sa akin.
"O baka mas gusto mong hawakan ang kay Leyla?" nanunuot ang titig nyang may halong galit. Mas lalo pa nyang idinikit ang kamay ko sa dibdib nya.
Pakiramdam ko ngayon ay sasabog ang dibdib ko sa lakas ng tibok nito.
Hinawakan ng dalawang kamay nya ang palad ko at iginalaw ito sa dibdib nya. Mahina man pero narinig ko parin ang nakakaakit nyang ungol na mas nagpainit sa paligid ko.
"M-miss Zabuel." gusto kong ikuyom ang palad ko pero kapag ginawa ko yun ay mas lalo ko lang mararamdaman ang dibdib nya sa palad ko. Sinusubukan ko ding bawiin ito pero mahigpit ang pagkakahawak nya.
"Peyton." she softly mumbled.
Pumikit sya ulit at parang pinipigilan ang sarili sa kung ano man ang gagawin. Idinilat nya ang kanyang mata at huminga ng malalim.
"Leave. Let me take a rest first. I'll call you later." biglang lumuwag ang pagkakahawak nya sa kamay ko at umalis sa pagkakahiga sa mga hita ko.
Hindi na ako nagdalawang isip at tumayo na. Kinuha ko ang aking bag at hindi na lumilingon na lumabas ng classroom.
Nang makalabas ako ay napasandal ako sa pinto. Ngayon lang ako nakahinga ng maayos matapos ang nangyari sa loob.
What does she mean na mas gusto ko ang kay Miss Ven? Nakita nya ba kami kagabi? Pero aksidente lang yung mahawakan ko sya sa dibdib nya. Kunot noong napabuga ulit ako ng hangin.
Mababaliw yata ako sa mga pinagagawa nya sa akin. Napatingin ako sa palad kong nasa dibdib nya kanina. Napakagat ako sa ibabang labi nang maalala ang lambot ng mga iyon. Nagiinit ang pisngi ko dahil aminin ko man o hindi, may kiliting hatid ang pagkakahawak ko sa kanya kanina. Stop it, Flare! Damn it!
BINABASA MO ANG
Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)
Romance"I will do everything in my power to get you. I will make you fall for me. You'll gonna fall for me." Date started: March 18, 2022 Date finished: May 10, 2022 NOT EDITED - WRITTEN IN TAGLISH