Flare
Nakarating kami ng bahay ni Miss Zabuel matapos ang limang oras na byahe. Nauna nang pumasok si Charity sa loob dahil may aasikasuhin pa daw ito.
Pero bago ito pumasok ay humalik muna ito sa amin ni nanay na ikinasimangot naman ni Miss Zabuel. Nakita ko ding ngumisi si Charity sa kapatid nito na parang nang-aasar bago ito pumasok sa loob.
Dahil sa pagod ay nakatulog kaagad si nanay sa ibinigay na kwarto ng huli. Matapos maiayos ang mga gamit ni nanay ay dumiretso na kami pareho ni Miss Zabuel sa kwartong tutuluyan ko. Nauna itong humakbang at tahimik lang akong sumunod dito.
Huminto kami sa pinakadulong kwarto na katapat ang isa pang malaking pinto na hula ko ay kwarto nya.
"Feel at home, Pey. I hope you'll like your room." inilibot ko ang paningin ko sa paligid nang nakapasok kami at in-on nya ang ilaw.
Napanganga ako sa ganda at lawak nito. Mas malaki ito sa kwarto ni nanay pero parehong kumpleto ito sa mga gamit at mayroon ding ref na punong-puno ng mga pagkain.
"Miss Zabuel, sobrang laki naman nito. Wala po ba yung simple at maliit lang?"
Narinig kong tumawa ito.
"I don't have a tiny and simple room, Peyton. Lahat ng mga kwarto dito ay ganito kalalaki." sabi nito na ikinanguso ko.
"I told you, stop pouting." bigla naman akong umayos ng makitang napunta ang tingin nito sa mga labi ko na binawi din nito kaagad.
"Habang nasa byahe tayo kanina, nagpalagay na ako ng mga stocks sa ref and feel free to get some kung nagugutom ka. May mga bagong damit and underwear na din sa closet kung gusto mo nang magpalit." paliwanang nito habang itinuro ang ref at ang malaking closet.
"You don't have to worry dahil lahat ng mga kailangan nyo ni nanay, nandito na. If you need anything else, just tell me okay?" sabi ni Miss Zabuel na lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat.
Nginitian ko sya ng malawak.
Hanggang ngayon, kapag naririnig ko itong binabanggit nya ang nanay ay lumalambot ang puso ko. Pakiramdam ko kasi tinuturing nya na din na inay si nanay. Parang hinahaplos ang puso ko.
Nilibot ko ang kwarto at binuksan ang comfort room. Bumungad sa akin ang malaki at malinis na shower room na kumpleto na sa mga gamit.
Nakasunod lang ang tingin sa akin ni Miss Zabuel habang nililibot ko ang kwarto.
Gusto ko pa sanang magprotesta na sa iisang kwarto na lang kami ni nanay para mabantayan ko ito pero hindi ito pumayag kanina. Nahihiya na din akong pilitin pa ito dahil nakita kong maayos na ang lahat kaya wala na akong nagawa pa.
Bukas din daw ay darating na ang nurse na tinawagan nya para magbantay at mag asikaso kay nanay habang nasa University ako. Hindi ko man masabi pero sobrang nagpapasalamat ako sa mga naging tulong sa akin ng magkapatid na ito.
Humarap ako dito.
"Thank you, Miss Zabuel. Kung iisipin hindi mo naman kailangang gawin ito sa amin ni nanay."
Ngumiti ito. "But I wanted to." humakbang ito palapit sa akin na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"Peyton." she softly called.
Napaupo ako nang hinawakan nya ang kamay ko at iginiya sa kama.
Marahan itong bumuga ng hangin bago tumitig sa mga mata ko.
"Kulang pa ang lahat ng mga ito sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo."
I sighed when I felt her hands squeezed mine.
BINABASA MO ANG
Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)
Romantik"I will do everything in my power to get you. I will make you fall for me. You'll gonna fall for me." Date started: March 18, 2022 Date finished: May 10, 2022 NOT EDITED - WRITTEN IN TAGLISH