(Leyla Vain Ventura)
Flare
Nagising ako dahil sa hapdi ng lalamunan ko at ang puting kisame ang sumalubong sa akin. Luminga ako sa paligid at mukhang nasa ospital ako.
"Baby?" Napalingon ako at nakita si Mandy na nakaupo sa isang sofa. Agad itong tumayo at lumapit sa akin. Mangiyak-ngiyak nitong kinuha ang kamay ko at binigyan ng mumunting mga halik.
"Hey. Are you okay, babe? Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Gusto mo ba tawagin ko ang doktor? Nagugutom ka ba?" sunod-sunod na tanong nito at biglang humikbi. Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa gulat.
Nagsalita ito ulit. "I'm so sorry, baby. Hindi dapat kita iniwan dun. H-hindi sana kita hinila sa malalim. Hindi sana kita hinayaan kay Denise. It's all my fault kung bakit nangyari sayo lahat ng yun." at humagulgol ito na niyakap ako.
"H-hey, Mandy." I called with a hoarse voice. "Please, wag ka na umiyak. Hindi mo kasalanan yun, okay? Aksidente yung nangyari ha?" niyakap ko ito ng mahigpit at hinagod ang likod. Tahimik lang itong umiiyak habang yakap yakap ko.
"Ayos na ang pakiramdam ko, Mands. Tama na yan ha? Ang pangit mong umiyak eh." biro ko sa kanya na ikinasimangot nito.
"A-alam ko naman na mas maganda ka sa akin, babe. Kaya nga ikaw ang gusto ni Miss Leyla eh. Pero hindi naman ako pangit no!" nakangusong usal nito.
Inilayo ko sya sa akin at tinitigan. Doon ko nakitang malungkot ang mga mata nito.
Hinawakan ko sya sa mukha at pinunasan ang kanyang mga luha.
"May nangyari ba habang wala akong malay?" natigilan ito at umiwas ng tingin.
"Mandy!"
"W-wala, babe. Wala namang n-nangyari." nauutal na sagot nito.
Napabuntong-hininga ako. Ramdam ko namang may nangyari habang tulog ako at ayaw nya lang sabihin sa akin.
Pinisil ko ang kamay nya. "I know that you really like Miss Leyla, Mands. And I know that you genuinely cared for her. But I also want you to guard your heart. I am your bestfriend at nasasaktan din ako kapag nakikita kang nasasaktan."
"I know babe." ngumiti ito pero hindi umabot sa kanyang mga mata. "Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh. Kahit na palagi na lang akong nasasaktan, kahit na alam kong balewala ako sa kanya, kahit na alam kong ikaw ang gusto nya, sya parin talaga eh." bumuntong-hininga ito.
"Heto parin ako, umaasang mapapansin nya din. Umaasang magugustuhan nya din. Pagod na nga akong masaktan baby eh. Pero ewan ko ba, ayaw parin tumigil nitong puso ko. Lagi na lang syang hinahanap." napayuko ito.
Muli kong hinawakan ang pisngi nya. "I'm sorry-"
"No babe. You don't have to say sorry." she softly whispered.
"Alam mo, bagay din talaga kaming pag untugin ni Nurse Merge eh." mahina itong natawa na ikinakunot-noo ko.
"Ha? Bakit?"
"Pareho kasi kaming nagmamahal ng taong may gustong iba." at muli na naman itong natawa.
Napansin yata nitong hindi ko sya maintindihan. "Loading ka beh?"
BINABASA MO ANG
Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)
Romance"I will do everything in my power to get you. I will make you fall for me. You'll gonna fall for me." Date started: March 18, 2022 Date finished: May 10, 2022 NOT EDITED - WRITTEN IN TAGLISH