Kabanata 26

21.7K 940 436
                                    

(Amanda Georgina Muriedo)

Flare

"S-sino ka?" tanong ko sa babaeng may hawak-hawak na payong na nakatayo ngayon sa harap ko.

Ngumiti ito ng pilya. "I am your guardian angel, kiddo." halatang may accent ang tono nito.

Kunot-noong tumayo ako at inis na bumaling sa kanya. "Hindi na ako bata!"

"But you look like a baby, sweetheart....my baby." at humagikgik ito.

Salubong ang kilay na tumitig ako dito. Baliw yata tong babaeng to eh.

Pero mukhang hindi naman sya mukhang baliw, maganda naman sya, mayaman, sa sasakyan pa nga lang eh halata na. Nakasuot ito ng white chiffon long sleeve top na naka tuck-in sa beige trouser pants nito partnered with high heels.

Naputol ako sa pagiisip nang magsalita ito. "Done checking me out, kid?" she smirked.

Tiningnan ko sya ng matalim. Isang kid pa ha!

"I.am.not.checking.you.out.ate!" pang-aasar ko dito dahil alam kong mas matanda ito sa akin ng ilang taon.

She just chuckled.

Yeah, she's beautiful pero para syang baliw. Isip bata.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palabas ng subdivision. Wala na akong pakialam kung basang-basa na ako ng ulan. Ang importante ay makalayo sa lugar na ito.

"Hey, kid. Where are you going? It's raining hard!" naramdaman ko ang pagsunod nya sa akin.

"Home." tipid kong sagot.

"Oh, you don't live here?"

Aba malamang.

Hindi ako sumagot at binilisan ang lakad ko.

"I'll drive you home. It's dangerous to walk at this time." akala ko ay tumigil na ito kakasunod sa akin kaya nagulat ako nang magsalita ito.

"No, thank you." at naglakad ulit ako.

Napapitlag ako nang hinawakan nya ako sa braso at hinila papunta sa kotse nya.

"Ano ba, ate! Ang kulit mo ah! Sabing ayokong sumabay sayo eh!" naiiritang usal ko dito at pinipigilan ang paghila nya sa akin.

"What?" nagtatanong ang mga mata nito na parang hindi naiintindihan ang sinabi ko.

I rolled my eyes. Oh ngayon hindi na sya nakakaintindi ng tagalog? Tssss

Huminto ito sa paghila sa akin nang makarating kami sa harap ng kotse nya.

"What mo to! Parang kanina lang nakakaintindi naman ng tagalog." I murmured. But I guess she heard it when she look at me with amusement at bahagyang tumawa.

"Get in, kid. It's getting late. I'll drive you home."

"But-"

"No buts." putol nya sa sasabihin ko at tinulak ako papasok ng kotse nya. Ugh!

Pagkapasok nya sa ng driver's seat ay dumukwang ito sa back seat. Nakita kong inabot nito ang dalawang tuwalya at binigay sa akin ang isa.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon