Kabanata 23

24.4K 1.1K 423
                                    

(Flare Peyton Fuenteval)

Flare

Palakad-lakad ako ngayon dito sa loob ng apartment ko. Kinakabahan ako dahil maya-maya ay dadaanan ako dito ni Miss Zabuel at pupunta sa bahay nila gaya ng sinabi nya. Pagkatapos namin makauwi ng Manila ay umuwi kaagad ako para makapag pahinga pa.

Tiningnan ko ang cellphone ko at alas sais na ng gabi. Maya-maya ay nagulat ako nang may kumatok sa pinto ng apartment ko. Agad namang nagsirambulan ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang napakagandang si Miss Zabuel.

"Hi. You ready? Tanong nito at tumango ako.

"Let's go." pormal na sabi nito.

Napatango ako ulit at agad na sumunod sa kanya pagkatapos mailock ang pinto.

Habang nasa byahe ay walang umiimik sa amin. Palihim ko din syang tinitingnan at diretso lang ang tingin nito sa daan.

I cough. "Miss Three, kumain na po ba kayo?"

"Not yet. We'll have our dinner later. I'll cook for us." mabilis itong sumulyap sa akin at ibinalik din sa daan ang tingin.

Hindi na ako nagsalita ulit at tumingin na lang sa labas ng bintana. Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa harap ng isang malawak at malaking gate. Napanganga ako dahil kahit sa gate pa lang ay masasabi mong hindi basta-basta ang nakatira dito.

Bumukas ang gate at pumasok ang sasakyan ni Miss Zabuel. Mas lalo akong napanganga pagkababa ko ng sasakyan nang bumungad sa akin ang malaki at magarang bahay. Wow. Hindi na to bahay lang, mansyon na to.

Kung sa labas ay mapapahanga ka na. Mas lalo naman sa loob nito. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Ganito kayaman si Miss Zabuel?

Halos malula ako sa mga mamahaling mga kasangkapan sa loob ng bahay nya. Pero may napansin ako, walang katao-tao dito. Bukod sa isang kasambahay nyang sumalubong kanina sa amin.

"Miss, ikaw lang po ba mag isa dito sa bahay nyo?" I asked curiously.

"Yes. My parents are staying in New York and my younger sister is in Australia."

"W-wala po ba kayong asawa at anak, Miss?" I mentally slapped myself. Ang chismosa mo. Shuta!

"I won't kiss you if I have, Peyton."

"Aaahhh. Haha. Nakakalungkot naman po mag isa dito sa malaking bahay nyo." pagiiba ko sa usapan. Bigla na naman kasing lumakas ang tibok ng puso ko sa pag banggit nya ng halikan namin.

"Nah, I'm used to being alone and most of the time I'm staying in school. So, yeah."

Napatango-tango ako.

Humakbang ito palapit sa akin. Inabot nito ang kwelyo ko na nakapag paigtad sa akin at inayos ito. "Feel at home, Peyton. I'll take a bath first." she softly said. Matapos iayos ang kwelyo ko ay tumitig muna ito at parang may sasabihin dahil sa pagbuka ng bibig nya pero tumalikod na ito at umakyat sa kwarto nya.

Luminga-linga ako at umupo sa couch. Ang laki talaga ng bahay nya.

Habang naghihintay kay Miss Zabuel, biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at kunot-noong tiningnan kung sino ang nag message sa akin.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang isang unregistered number ang nag text sa akin. "There's a phone inside the gold cabinet beside the couch, please put it on the table inside my room."

Nagtataka man kung paano nakuha ni Miss Zabuel ang number ko, sinunod ko parin ang utos nya. Binuksan ko ang cabinet at mayroong cellphone at kinuha ko ito.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon