CHAPTER 02

1.4K 71 8
                                    

CAROLINE LACOSTE

Hindi ko alam kung pa'no nangyare 'to, basta nagising nalang ako na buhat buhat ako na parang isang plastic bag ng lalakeng 'to.

Puta! hindi n'ya ba alam kung pa'no mag buhat ng bata? Sa pagkakarinig ko sa chismis ni Iris ay may walong anak na lalake 'tong bwesit na 'to tapos kung pa'no ako buhatin ay para lang akong basura, aba't I NEED TO CALL MY ATTORNEY!

'Chariz, wala pala akong pera.'

Napanguso nalang ako habang nakaupo sa isang mahabang sofa, alam n'ya namang five months old baby pala ako't pinaupo na n'ya 'ko sa sofa.

'Best father is the whole world, bigyan ng jacket 'yan!'

Gigol n'ya 'ko.

"Tsk, what an ugly creature." agad naman akong napatingin sa so-called-tatay ko raw.

"Yo awli." pvtangina dila 'to.

"What?!"

"Yo awli!"

"Damn! I can't understand you!" Inis n'yang sambit habang sinasabunutan ang sarili n'ya.

'over-think malala'

"Pweti mi."

Sinamaan n'ya 'ko ng tingin tsaka bumalik sa mesa n'ya habang 'di ako pinansin, aba't anong klase kang ama?

limang minuto.

sampung minuto.

Muntikan na 'kong mahulog sa sofa buti nalang at na balanse ko ang aking katawan, sinamaan ko naman ng tingin ang demonyo kong ama tsaka kong itinaas ang aking maliit na kamao.

Ngunit sadyang wala 'tong paki-alam sa 'ken at naka-focus lang sa kan'yang laptop. Inis kong inilibot ang aking paningin. Mabilis napadako ang mata ko sa isang Cellphone na nasa isang mini table na nasa gitna.

Pilit kong inabot 'to ngunit sadyang maliit ang kamay ko't 'di ko 'to naabot. Inis kong itinaas ang unan na nasa gilid ko at gigil na itinapon.

Bakit ba kase sa dami-dami ng tao sa mundo ay sa katawan pa ng bata ako napasok? ka-badtrip naman, oh!

"You want this?" itinaas ko ang aking ulo, doon ko nakita ang so-called-tatay ko raw na hawak-hawak ang isang Cellphone. Tumango naman ako habang pumapalakpak, kahit mag mukha akong baliw wala 'kong pake! aba't sa nakaraan kong buhay nakiki-hiram lang ako, noe.

'di kase namin afford 'yong presyo. Oo, meron kameng pera pero kasya lang 'yon para sa gastusin sa bahay.

Umupo naman s'ya sa tabi ko't binuhat ako papunta sa kan'yang hita.

"Here, take it." agad nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya, as in for real? wow! ngayon lang ako nakakita ng magulang na pinapagamit ng Cellphone ang isang five months old baby.

"Enkyu!"

"You can talk?" agad naman akong tumango.

"You can understand me, huh?"

Doon ko lang napagtanto ang katangahan ko, like tf! bakit ba kase ako tumango, umakto naman ako na parang walang nangyare at nag focus sa Cellphone na hawak ko.

"Tsk, I think i was wrong." palihim akong napangiti sa sinabi n'ya, utu-uto.

Napanguso naman ako ng makitang may password ang Cellphone na hawak ko, ka-badtrip naman, oh.

Inis kong ipinakita ang Cellphone sa kan'ya at ngumuso, "Don't do that 'cause you look ugly." pigilan n'yo 'ko parang gusto kong pumatay ng isang demonyo.

Kinuha n'ya naman 'to, ilang segundo ang lumipas ay agad n'ya ulit binigay 'to sa 'ken.

Napakunot naman ang noo ko, Oo nga pala, napaka boring naman ng Cellphone n'ya. Walang games, video o kahit ano pa man! Ano pang silbi ng paglalagay n'ya ng password?

Agad ko 'tong inilagay tabi ko't isinandig ang ulo ko sa tagiliran ng ama ko.

Doon ko lang napansin ang isang pangalan na nakalagay sa kan'yang lamesa.

'Allastair Flint Cynthrio.'

Pangalan n'ya 'yan diba? pwede na rin.

__________

Gabi na't nandito na 'ko sa bago kong kwarto, nakahiga sa kuna. Sana doon nalang nila ako inilagay sa malaking kama, tsk.

INK!

Teka kaka-punta lang dito ni Alice upang ipainom ako ng gatas, so sino 'yong pumasok rito? 'wag mong sabihing ipinadala 'yan ng ama kong demonyo upang patayin ako katulad ng napapanood ko sa television.

"She's our sister, right?" rinig kong boses ng isang batang lalake, sino sila?

"I don't know, that's what i've heard." uy, gago! englishero.

"Hey, let's go back! What if our father scold us here?" ramdam ko ang kaba ng boses n'ya, 'wag mong sabihing kapatid kong mga 'to? base sa presensya nila ay madami sila.

'fvckboy! putspa.'

Iminulat ko naman ang mata ko tsaka ko sila tinignan, kita ko kung paano lumaki ang kanilang mga mata. Isa lang ang masasabi ko sa mga 'to, ANG GWAPO, BESH!

'eherm, single ka, foe?'

Child abuse, ampota.

"Your such an ugly creature to be our sister" malamig na wika ng batang lalake, automatikong nanlaki ang dalawa kong mata, totoo ba 'yong narinig ko?

Aba't, sina Sarah, Alice, Irish at iba pa ay sinasabing maganda at cute raw ako tapos 'yan ang sasabihin mo?

'ugly creature your ass!'

"Hey, brother! I want her to be my Pet!" masayang sambit ng isang bata, puta! wala na bang may magandang comment d'yan?

"She's cute." agad naman akong napatingin sa isang bata na katabi no'ng nagsabi gusto n'ya raw akong maging Pet! aba't ang sama ng mga ugali nila, halatang mana sa tatay.

"A cute little bug." nawala naman ang ngiti ko sa mukha ng sabihin n'ya 'to, wala na talaga. Nag mana na talaga sa tatay.

'mga kapatid ko ba talaga kayo?'

"What are you doing here?"

kaagad akong napatingin sa taong nasa pinto na malamig ang ipinukol na tingin samin, sino naman 'to?

'thank you so much, sir. I owe you!'

minsan ay napapatanong nalang ako sa sarili ko, 'bakit ako lapitan ng mga gwapo?' like eherm, enebe HAHAHA.

"Sir Harix!" gulat nilang sambit, agad din naman silang yumuko. 'wag mong sabihing natatakot sila d'yan sa lalakeng 'yan?

"Alam n'yo bang kapag nalaman 'to ng ama n'yo ay mapaparusahan kayo?" malamig n'yang sambit, kinilabutan tuloy ako.

kaano-ano ba n'ya 'yong ama kong topakin?

"I'm sorry sir."

"Go back to your room, kids." agad naman sinunod ng mga bata ang sinabi n'ya na para bang isang maamong tuta. Aba't, asan ang hustisya?

"And you, sleep i know that you're tired."

Oo, pagod akong umupo sa sofa buong araw, ang sakit ng pwet ko, noe.

sevennlyy

The Reincarnation Of Caroline As A Daughter Of Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon