CHAPTER 19

793 43 3
                                    

THIRD PERSON

Napalaki naman ang mga mata ng mga lalake at agad inilayo si Emerald sa babae.

Napatingin ulit si Emerald sa mukha ng babae, may malaki itong peklat sa gilid ng pisngi at may makapal na kilay at may paghaba haba ang buhok na parang hindi sinuklay ng ilang taon.

‘G-go! mangkukulam ba ito?’

“Aba‘t anong problema ng batang iyan at bigla bigla nalang nananabunot!” inis na sambit ng babae atsaka hinampas si Andre na ngayon ay may hawak hawak na namang isang hindi gaanong kalaking vase.

“Woi, ano ba! h‘wag mo nga akong hampasin diyan, Solace. Kapag itong vase nabasag pati ulo mo ay babasagin ko atsaka paano ba namang hindi matatakot sa ‘yo tignan mo nga ang mukha mo sa salamin para kang isang matandang mangkukulam.” inis na sambit ni Andre atsaka ibinalik ulit ang vase sa tamang nilalagyan.

“Eh, tatanggalin kona sana ‘yan, eh! Tapos bigla bigla akong tinawag ng bwesit na ito.” sabay turo kay Mateo,

“Bakit ako ang sinisisi niyo?! Sinusunod kolang naman ang mga utos niyo, ah.”

“Sumunod na nga lang kayo sa akin,” Inis naman nitong sambit habang masamang nakatingin sa limang lalake na nakatayo sa harapan niya.

Siya na mismo ang nagbukas ng pintuan para makapasok ang kaniyang kasamahan.

Agad naman nila itong sinundan ng grupo ni Jackson, agad Inilibot ni Emerald ang tingin niya sa boung silid. May isang malaking mesa sa gitna at may mga eleganteng mga silya ang nasa bawat gilid nito, may mga painting din na nakadikit sa mga pader.

Napanguso naman si Emerald habang hinigpitan pa ang pagkakahawak sa leeg ni Jackson.

“Bata, balak moba akong patayin sa pagkakasakal?!”

“Hoy, Solace. Tanggalin mo nga iyang nilagay mo sa mukha mo, tignan mo nga, oh! Natatakot sa iyo ang bata.” inalis ni Jackson ang kamay na nakakapit sa leeg niya, Nang naalis na niya ito ay agad niyang ipinaupo si Emerald sa silya.

Muntikan namang matumba si Emerald buti nalang at nahawakan kaagad siya ni Andre.

“B-bo, kaba Jackson?! Bakit mo naman ipinaupo ang bata ng hindi hinahawakan paano kung mahulog iyan at mamatay baka patayin tayo ni Boss.”

“Napaka OA mo naman, Andre.” 

Napailing naman si Morton habang inaalala ang kaniyang Boss, dapat nilang ingatan ang bata na ito lalo na‘t hindi nila alam kung ano talaga ang balak ng Boss nila. Malabo din namang gawin niya ito dahil lang doon sa babaeng pumunta doon sa isang mansyon nila noong nakaraang linggo dahil higit sa lahat ay may kasintahan na ang kanilang Boss at lalake pa.

Sa katunayan nga iyan, pagkaalis ng pagkaalis ng babae ay agad sinugod no‘ng kasintahan ni Boss sa kaniyang opisina at pagkalabas ng pagkalabas nito ay makikita mo ang mukha niya ng nakangiti, akala nga namin ay nagkabati na sila.

Ngunit nagulat sila ng sumunod na lumabas ang Boss nila, may mga pasa sa mukha at isang black eye! Sa madaling salita ay bugbog sarado ang Boss nila!

Jusko, kapag kaharap ko 'yon ay 'di ko mapigilang hindi manginig.

"Ah, Solace. Ipag timpla mo nga ng gatas 'tong batang 'to." Utos ni Andre habang hinahawakan ang buhok ni Emerald.

"Hindi moba nakikita kung anong ginagawa ko?!" Inis na sambit ni Solace habang patuloy paring tinatanggal ang inilagay niya sa mukha niya.

"Bakit ka kase naglagay ng ganiyan? Pangit kana nga mas pumangit kapa." Pang—aasar ni Morton sa kaniya.

"Huwow, kung makapag Judge ka sa mukha ko ay parang ang gwapo gwapo mo, kamukha mo lang naman 'yong isang pulubing pangit sa Kanto."

"Atsaka, kaya ko 'to inilagay ay balak ko sanang takutin si Artemis, noe!!!" Sambit ni Solace habang nakasalubong ang kaniyang kilay.

"Ang tanong, Natakot moba?" Pangiinis naman ni Jackson na ngayon ay nagtitimpla na ng gatas.

"Hinde."

"HAHAHAHA, tignan mo sayang naman ang effort mo, bebe!"

"Bebehin ko kaya 'yang mukha mo! Akala koba magkaibigan tayo, bakit ako nalang lagi ang iniinis niyo." Pagkatapos niyang sabitin ito ay tinignan niya ang kaniyang mukha sa salamin, Wala sa oras siyang napangiwi.

'Kaya naman pala natakot sa 'yo ang batang 'yan, Solace. Dahil mukha kang bruha! Sh-ta kase 'yong Artemis na 'yon, Ang sarap sakalin.'

"Ano, Pati ikaw ay natakot nasa sarili mong mukha?" Nakangising sambit ni Louis na nagpa nguso kay Solace.

"Pati ikaw ba naman, Louis?"

"Ah, Bakit may problema ba?" Pabalik na sagot ni Louis.

"Hmp, bahala na kayo diyan 'di kona kayo papansinin." 

"Edi h'wag, ikakamatay ba namin 'yan." Bulong ni Mateo, Agad naman siyang siniko ni Louis at sinenyahan na tumahimik.

'May sinasabi ba 'tong lalakeng 'to?!'

"Hoy, Jackson. Anong inilalagay mo diyan sa inumin ng batang 'to?!" Nakakunot ang noo ni Solace habang tinitignan si Jackson.

"Woi, papatayin moba ang bata? Hala, h'wag! Mamaya na kapag sinabi ni Boss."

Nanlaki naman ang mata ni Emerald ng marinig niya 'to, sinamaan niya ng tingin si Jackson ngunit walang nakakita nito.

'Tignan mo 'tong lalakeng 'to, balak ba naman akong patayin.'

"Malamang ano paba, gatas at kape mga b-bo." Mapang—asar nitong sagot atsaka hinalo ang kape sa gatas.

"Anong b-bo ang pinagsasabi mo diyan? At sinong tangang magpapainom ng kape sa batang 'to? Ni hindi nga natin alam kung ilang buwan na 'to, eh." Pagsabat naman ni Solace habang nakakunot ang noo, aba't may Punto din naman siya. Sino ba namang tangang magpapainom ng kape sa isang bata hindi ba?

"Mukhang may mas alam ka keysa sa akin, bakit hindi nalang ikaw ang gumawa nito? Sh-ta kayo, nag effort na nga ang tao 'di niyo pa appreciate." nakanguso nitong bulyaw sa kaniyang kasamahan.

'pwede naman 'ata akong uminom ng kape, 20+ na kaya ako.'

"Tsk, akala ko pa naman ikaw ang pinaka mautak sa ating lima, pareho lang pala tayong lahat, HAHAHAHA." natatawang sambit ni Mateo na ikinatawa din ng iba.

Totoo naman ang sinabi ni Mateo, sa kanilang lima ay si Jackson ang mautak. Kapag may mission na binibigay sa kanila ng kanilang boss ay siya ang nagpaplano o nagbibigay ng opinion, pero hindi nila alam na wala pa rin 'tong silbi pagdating sa ganitong bagay.

"Kasalanan ko bang wala akong experience sa ganitong bagay, kaya ayokong magka—anak, eh." pagkakausap nito sa sarili niya habang nakatingin sa gatas at "Huwow, kung makapag Judge ka sa mukha ko ay parang ang gwapo gwapo mo, kamukha mo lang naman 'yong isang pulubing pangit sa Kanto."

"Atsaka, kaya ko 'to inilagay ay balak ko sanang takutin si Artemis, noe!!!" phone, HAHAHAHA kaya nag update ang bruha, stay tuned nalang sa next update ko and salamat sa naghintay ( if meron ) stay safe!

The Reincarnation Of Caroline As A Daughter Of Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon