CHAPTER 03

1.3K 65 0
                                    

CAROLINE LACOSTE

Nakadapa ako ngayon sa aking malaking kama, hindi ko alam kung magsasaya ba 'ko ngayon o malulungkot. Gusto kong magsaya dahil nabuhay muli ako sa isang mayamang pamilya, Malulungkot ako dahil wala si nanay dito. I want to cry right now, sobrang miss kona s'ya.

Sana ay kasama ko s'ya ngayon, sana'y mabuhay din ulit s'ya gaya ko.

Napabuntong hininga nalang ako at pilit gumapang papunta gilid ng kama, gusto kong bumaba.

'kahit masakit na ang aking puso sa pagpilit ng sarili ko sayo-'

seryoso akong gumagapang papunta sa gilid ng kama, masyado pang malambot ang katawan na meron ako kaya't madali akong masugatan at mapagod.

saglit akong tumigil at naghahabol ng hininga, Geez! sana ay sina nandito sina ate Alice ay baka matulungan nila ako!

'wala na 'kong pake kahit sabihan pa 'ko ng Engkanto ni Irish, hmp.'

napanguso naman ako at agad humiga, ang sakit ng dalawa kong siko. Bigla namang pumasok sa isipan ko ang mga batang lalake na pumasok sa kwarto ko.

mga abusadong bata, sino ba sila para husgahan ako ng gano'n! Aba't, sa cute kong 'to, noe.

sarap nilang paghampasin ng walis tambo kagaya ng ginagawa ni nanay sa 'ken kapag naiinis s'ya sa maganda kong mukha, Yikes!

INK!

Napatingin naman ako kung sino ang pumasok sa loob ng kwarto, unang bumungad si Irish na nakangiti at si Sarah na nakataas ng kilay,

'Arte ka, tej?'

and last but not the least si Alice na naka-poker face, ano paba ang iniasahan ko kay Alice?

"Hi, my baby. Mukhang naiinip kana, ah." nakangiting sambit ni Irish.

'Subukan mo kaya 'tong sitwasyon ko, tignan natin kung sinong 'di ang maiinip na lumaki.'

Binuhat ako ni Alice papunta sa kan'yang hita at isinubo sa 'ken ang gatas na nasa tsupon.

"May gusto ka bang gawin, hm?" malambing na wika ni Alice sa 'ken, itinaas ko ang aking ulo upang makita ang mukha n'ya at tumango.

'I think, 'to na 'yong chance kong makapag practice kung pa'no lumakad.'

"You can understand us?" gulat na tanong ni Irish.

"Well, nasa lahi nila ang pagiging matalino, pero ang mga young master's ay nagsimulang magsalita no'ng magda-dalawang taong gulang na sila." 'wag n'yo 'kong isipin ng kung ano-ano d'yan, I'm unique kaya, Yikes!

"Volk." 'di ko alam kung ano ang lumalabas sa bibig ko basta ang sinabi ko ay 'Walk' at hindi 'Volk.'

"Volk? What's that?!"

"Volk!" sabay taas ng isa kong maliit na kamay at umaktong naglalakad, tinignan ko naman sila na nakangiti habang tumatango, mukhang nakuha na nila ang gusto kong iparating. Buti naman para 'di na 'ko mahirapan, Geez!

"Aha! Gusto mong matutong maglakad, tama ba ako. Young miss?" ngayon kolang narinig na tinawag ako na ganon ni Irish, bilang sagot ay binigyan kolang s'ya ng isang ngiti.

"Omy! your so genius, young miss!" halos tumalon sa tuwa si Sarah sa saya, napalaki ng ngiti nito na halos mapunit na ang kan'yang mga labi. Sobrang saya mo naman!

"Yes, she is. Kanino paba nagmana, edi sa tatay." nakangiting wika ni Alice, 'wag mong sabihing may lihim s'yang pagtingin sa demonyong 'yon?!

And ano raw, nag mana ako sa tatay ko? sa demonyong 'yon. No fvcking way.

'kapag iniisip ko 'yon ay kinikilabutan ako, Yikes naman Alice!'

"So, ano ang gusto mong gawin, young miss?" buti nalang at naisipan mo din akong tanungin Sarah.

"Volk!" gigol n'yo 'ko guys, promise. Pag ako lumaki humanda kayo sa 'ken.

Binuhat ako ni Alice pababa ng kama at hinawakan ang dalawa kong kamay upang hindi ako mawalan ng balanse.

"Stand up, young miss." ilang segundo akong hinawakan ni Alice at agad ding kinuha ang kamay n'ya sa 'ken.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Limang segundo lang ang nagtagal sa pagtayo ko at agad ding bumigay ang binti ko, 'di ko mapigilang 'di matawa.

'Ang lampa mo talaga, self!'

"Ang cute mo talaga, young miss. Mana ka talaga sa 'ken." aba't loko 'tong si Sarah ah, ikaw ba ang nagluwal sa 'ken? 'di ba hindi?

"May ikakapal paba d'yan sa mukha mo, Sarah?" pambabara ni Irish dito, ewan koba sa dalawang 'to, palagi nalang nag-aaway.

"Oo meron, 'yong mukha mo." 'di ko mapigilang matawa dahil sa pagsagot ni Sarah kay Irish, ang sweet nilang tignan. Para silang magkapatid na palaging nag-aaway.

Binatukan naman ni Alice ang dalawa tsaka 'to sinamaan ng tingin.

"Sarah, Irish. 'di n'yo ba nakikitang may bata dito? kung gusto n'yong mag-away do'n kayo sa labas o 'di kaya'y doon sa harapan ni Lord Allas." pagsesermon nito sa dalawa, teka. Lord Allas? ang tinutukoy n'ya ba ay ang ama ko? wow! binagsagan ba s'yang d'yos ng impyerno?.

Astig, para talagang nasa movie o comics ako. Tapos kumbaga ako 'yong bida, WHAHAHA.

"Hmp, tayo kana ulit, young miss. 'wag nalang nating pansinin ang isang unggoy rito." pagpaparinig ni Irish at tinulungan ulit akong tumayo, 'to naba 'yong sinasabi nilang

'the more you hate, the more you love.'

"Nagpaparinig kaba, huh?" iritang sambit ni Sarah at pinalakihan ang mata, 'yan na naman silang dalawa.

"Na-uh, bakit tinamaan kaba?" natawa naman ako sa sinabi ni Irish kay Sarah, ang hilig n'ya talagang mangbara ng tao. Pero pagdating sa tatay ko para s'yang basang sisiw.

"Tumigil nga kayo, tignan n'yo mukhang naiintindihan n'ya kayo. Baka kung ano-ano pa matutunan n'yan mga 'di magandang salita."

"......"

"Step." nag mumukha akong pabebe sa boses kong 'to, yswa.

"Stop, raw sabi n'ya." tumatawang sambit ni Irish, baliw.

"Gayahin mo nga ang boses ni young miss, Iris." panghahamon ni Sarah kay Irish, tinignan ko naman si Irish. Binuka naman n'ya ang kan'yang bibig ay nagsalita na walang lumalabas na boses ng 'It's easy.'

"Challenge accepted, pero 'wag kayong magugulat. Baka pagkatapos nito ay pupurihin n'yo 'ko, psh." pagmamalaki nito, taas ng confidence sa sarili.

"As if naman maganda ang boses mo, para ka ngang kambing na sinasakal d'yan, eh!" bulong ni Sarah at inirapan 'to. Kaagad din naman napatingin si Irish sa gawi ni Sarah at pinalakihan 'to ng mata.

"May sinasabi kaba, Sarah?" nakataas ng kilay na tanong ni Irish.

"Wala po, pwede na po kayong magsimula." nakangiting sambit ni Sarah, ngunit halata naman plastic, ghourl!

"Thank you, ehem." tumikhim muna 'to tsaka ngumiti at pinabebe ang boses.

"Step." natawa kaming lahat, para talaga s'yang kambing na sinasakal, HAHAHAHAHA.

"Hoi! Tumigil kana lang nga, para ka talagang kambing na kinakatay, HAHAHAHAHA."

"Puta kang babae ka, humanda ka sa 'ken!"

Napangiti naman ako, sayang nga lang at hindi natuloy ang ensayo ko ng paglalakad. Pero atleast napasaya nila ako.

sevennlyy

The Reincarnation Of Caroline As A Daughter Of Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon