CHAPTER 15

904 54 1
                                    

CAROLINE POINT OF VIEW

“Alam mo, Emerald. Ang sama sama ng ama mo, biruin mo sinabihan kang mahina dahil nagka sakit ka raw dahil nagkakaroon kana ng ngipin, aba‘t syempre normal lang ‘yon, noe.” Napatingin ako kay Irish na kanina pang dada ng dada sa tabi, kine—kuwento kase niya ang mga sinabi ng ama kong demonyo sa ‘ken.

aba‘t pag ako talaga lumaki isa isa ko silang susuntukin, normal lang naman magkasakit, ewan kolang sa kaniya, abnormal kase ang ama kong ‘yon.

“Kanina kapa dada ng dada d‘yan, kapag ikaw narinig ng mga tauhan ni Boss at isumbong ka, condolence nalang ha? h‘wag mo kaming idamay.” Napatawa naman ako sa sinabi ni Sarah, halatang ayaw talagang madamay.

“Grabe naman kayo, magkaibigan tayo, hoy!”

“H‘wag kang magalala kung mangyayare man ‘yon bibisitahin kana lang namin sa seminteryo.” sambit ni Alice na ngayon ay katabi si Carmen, ngayon kolang talaga sila nakita na magkasama.

‘tanga lang, Carol? Malamang wala nga dito si Alice ng ilang araw ‘diba? ta’s ilang araw kapang nakahiga d‘yan.’

“Grabe naman kayo sa ‘ken,”

“H’wag kang m—” ‘di tuloy natapos ang sasabihin ni Sarah ng bumukas ang pinto, bumungad naman do’n ay ang ‘di katandaan na lalake.

“Sir Froger, kayo pala ano ba ang kailangan n‘yo at napadaan kayo dito?” napatingin ako kay Irish, bigla kaseng naging anghel. h‘wag n‘yang sabihin na may gusto s’ya dito sa ‘Froger’ na ‘to?

Jusko, pero okay naman ang kan‘yang mukha kahit magka—tunog ng palaka ang pangalan n‘ya,

‘Nobody‘s perfect, Carol.’

“Gustong makausap ni Allastair ‘tong bata na ‘to.” maka bata naman ‘to si Manong wagas, but bakit hindi n‘ya tinatawag na ‘Lord’ or ‘Boss’ ‘yong demonyong ‘yon, Close ba sila?

“Kakausapin n‘ya si Emerald? buti sana kung naiintindihan s’ya ng sanggol na ‘to, baka puro pagmumura ang matu—” kaagad namang tinakpan ni Carmen ang bibig ni Sarah.

“Kung gano’n ay ako nalang ang magdadala sa kaniya, Sir Froger.” sambit ni Irish habang kinakarga ako, ano na naman kaya ang kailangan ng demonyong ‘yon sa ‘ken?

kung ‘di niya ‘ko aasarin ay malamang lalaitin ako no’n, aba‘t kung makalait din naman siya ay sobrang sobra akala mo naman napaka perpekto.

at pansin ko din na kay manong Froger, ‘di siya inglishero.

‘lahat nalang ba ay napapansin mo, Carol?’

“H’wag na, alam ko naman kung pa’no magbuhat ng bata.” sanggol ho, sanggol palang ako.

Napagtripan kona silang lahat dito, pa’no kaya kung ‘tong matanda naman ang pagtripan ko, noe? I think wala namang masama sa iniisip ko.

‘sgeh, manong. ikaw na ang magdala sa ‘ken, dahil pagkatapos kitang pagtripan ay isusunod ko ang aking butihing ama.’

maingat akong binigay ni Irish kay manong, inilagay ko ang dalawa kong kamay sa kaniyang leeg at mahigpit na kumapit dito.

“Mukhang gusto kani Emerald, Sir Froger.” masayang sambit ni Irish habang pumapalakpak, ehe. Sa sobrang gusto ko sa kaniya ay parang gusto kona siyang sakalin, promise.

“hmm,” pre, naging cold ka bigla? okay kalang? huwag mong sabihin ay namana mona din ‘yan sa ama ko? aba’t bawal ‘yan!

Nang makalabas kame sa kuwarto ay mas lalo pa ‘kong kumapit sa kaniya, syempre feeling close ako.

The Reincarnation Of Caroline As A Daughter Of Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon