CHAPTER 16

915 56 10
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW

“Itutuloy paba natin ‘to?” bulong ng isang naka—itim na lalake sa kaniyang kasama,

“Gago kaba? nagpaka hirap tayong magtago sa mga bantay sa labas tapos aatras lang tayo? Gusto mo bang patayin tayo ni boss kapag ‘di natin dinala ‘tong sanggol na ‘to sa kaniya?” galit na bulong ng kaniyang kasama, habang ang tatlo ay may kaniya kaniyang ginagawa.

‘yong isa ay tinitignan ang mga gamit sa kuwarto at ang isa naman ay naghahanap ng pagkain at ang isa naman ay naka upo nasa kama habang tinitignan ang mukha ng sanggol.

“Bakit kase nagpapa uto si boss do‘n sa bruhang ‘yon!” nakangusong sambit ng isang lalake habang nilalaro ang buhok ni Emerald,

“Ulol, ganyan naba kababa ang tingin mo kay boss? Alam kong may ibang plano si Boss.” pagsabat naman ng lalakeng na may nginunguyang pagkain.

“weh, ‘di nga? sinabi ba sayo?”

“hindi, pero feel kolang.”

“Ang iingay niyo! kapag iyan nagising tapos umiyak, ipapakain ko kayo sa alagang tigre ni boss!” inis na sambit ng isang lalake habang panay tingin sa mga gamit sa kuwarto ni Emerald.

“Parang ‘di ka namin kaibigan, ah.”

“Oo nga, fake friend.”

“tumahimik nalang kaya kayo, noe?” sambit ng isang lalakeng na naka itim habang nakakunot ang kaniyang noo.

“Hoy mga panget—”

“Mas panget ka, ulol.”

“‘di ako nagbibiro, tignan niyo itong sanggol na ito mukhang gising na ata!” tarantang sambit ng lalake na naka upo sa kama habang inaalog ang isa din nitong kasama, natatakot kase ito na baka biglang umiyak ang bata at sumablay sila sa kanilang plano.

“Malamang magigising talaga ‘yan dahil ang iingay n—, punyeta gising nga!” gulat na sambit ng isang lalake tsaka tarantang inilapag ang hawak hawak nitong maliit na diyamante.

“Anong gagawin natin?!”

“Aba‘t malay ko sa inyong tatlo, kayo kase ang iingay niyo!”

“Pre, kumanta ka para naman matulog ulit itong sanggol na ‘to!”

“Gago kaba? kapag iyan ang kumanta ay baka mas lalong magising iyan at baka kumidlat pa!”

“Oo nga, noe.”

“Ang sama niyo naman!”

“Tama na nga ‘yan, ang tatanga niyo! kunin niyo na ang batang ‘yan para maka alis na tayo, baka maabutan pa tayo dito.” inis na sambit ng isang lalakeng may hawak hawak na baril.

dali dali namang kumilos ang kaniyang mga kasamahan, habang ang isa naman ay pumunta sa pintuan upang magbantay.

Dahan dahang binuhat ng isang lalake si Emerald habang sinesenyahan ang kaniyang mga kasamahan.

“Hoi, Morton! Ako na ang magbuhat diyan sa sanggol na ‘yan.” singit ng isang lalake habang may nginunguyang pagkain,

“Ulol, tumahimik ka nga diyan, Mateo! Kung makapag salita ka ay parang alam na alam mo kung pa‘no mag buhat ng sanggol, ah.” pagsabat ni Andre na ngayon ay may buhat buhat na isang lampara.

“At ikaw naman, Andre. Bakit mo kinuha ‘yan lampara? anong gagawin mo diyan, itong sanggol lang ang kukunin natin, ulol.” Inis na sambit ni Louis habang nakangiwi.

The Reincarnation Of Caroline As A Daughter Of Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon