CHAPTER 10

1K 63 1
                                    

CAROLINE LACOSTE

Parang akong baliw na nakangiti habang nakatingin sa necklace na ibinigay sa 'ken ng ama ko.

ang ganda talagang tignan, lalong lalo na ang dyamante na nasa gitna ng Crescent Moon.

I'm sure na mahal 'to, buti nalang at mukhang sinapian ang ama ko. Itinago ko 'to sa kwelyo ko upang hindi mahalata ni Alice at ng iba pa, baka pag nakita 'to ng ama ko ay bigla n'yang hihigitin sa leeg ko, edi masasakal ako.

"Emerald, mukhang maganda ang 'yong gising ngayon." napatingin ako sa pinto ng pumasok do'n si Alice habang nasa likod naman n'ya ay sina Irish at Sarah, na masamang nakatingin sa isa't isa.

'palagi nalang 'tong dalawang 'to nag—aaway, sana andito si kuya Raffy dahil ipapa—tulfo ko 'tong dalawa!'

"Oo nga, Emerald. May nangyare ba?"

"Hoy, Irish. 'wag ka ngang tsismosa d'yan! Ehem, Baby Emerald. Dinala kita ng Melt chocolate, oh." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Irish, Mah favorite ghourl! alam n'ya talaga kung ano ang hilig ko.

"Gaga kaba, ah? Irish. Pa'no kung sumakit ang ngipin ni Emerald?!" nanliit ang dalawa kong mata sa sinabi ni Sarah, aba't! Ano'ng sasakit ang ngipin ko, tanga ba s'ya? 'di pa nga ako tinutubuan ng ngipin, eh.

tsaka 'Melt Chocolate' lang naman 'yan, dinidilaan ko lang. Jusko! 'wag kang epal, Sarah. Baka masakal kita!

"Sarah, tigilan n'yo na 'yan. At Ikaw naman, Irish. Siguraduhin mo lang na konti lang ang ibibigay mo kay Emerald, malilintikan ka sa 'ken."

"Opo, Senyorita." akmang babatukan n'ya si Irish ng tumakbo 'to sa 'ken at nag tago sa likod ko na parang bata, aba't. Hoy! napalaki mo ta's magtatago ka lang sa maliit kong likod?

"Sgeh, batukan mo 'ko. Andito si Emerald para protektahan ako, WATAH!" itinaas n'ya ang kamay ko at iniyukom 'yon tsaka n'ya ipinakita kay Carmen. 'di ko alam mung matatawa ba 'ko sa pinaggagawa n'ya o maiinis dahil ginawa n'ya 'kong parang Manika.

At isa pa, GUSTO KO NG KUMAIN NG CHOCOLATE, 'NO BA!

"Hoy, Irish. Itigil mo nga 'yan, tignan mo nakasalubong na naman ang kilay ni Emerald dahil sa 'yo, papatayin talaga kita!"  napailing nalang ako sa pinaggagawa ng dalawang 'to, dinaig pa nila ang baliw sa Mental Hospital.

Ilang oras na ang nakalipas simula no'ng umalis sina Irish at ngayon ay nakahiga ako sa kama ko, okay na 'ko dito na kahit walang kasama atleast walang mga baliw na sisira ng araw ko, noe.

INK!

agad akong napatingin sa bintana ng tumunog 'to, may multo ba? yswa, sana pala 'di kona pinalabas sina Irish, eh!

O 'di kaya may magnanakaw, aba't sa'n n'ya nakuha ang lakas ng loob na pumasok dito sa kwarto ko!

mas lalo akong kinabahan ng makitang mas lumaki ang pagkabukas ng bintana, anong gagawin ko?! sisigaw ba 'ko or iiyak para marinig ako ng mga tao dito? ANO!!!!

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko at ang pagpatak ng pawis sa noo ko,

MEOW!

MEOW!

MEOW!

binuksan ko ang mata ko ng marinig ang boses ng isang pusa, balak ba 'kong patayin ng pusang 'to, ah! tinignan ko ang bintana at do'n ko nga nakita ang isang itim na pusa na nakatingin sa 'ken, *Gulp*

"Swho! Shwo! Shwo!" kahit anong taboy ko sa pusang 'to ay ayaw pa ding umalis at nanatiling nakatitig sa 'ken, Jeez!

'hoy, pusa! kung may problema ka sa 'ken ay sabihin mo at h'wag mong idaan sa staring contest dahil nakakatakot ang itim mong mata, yswa!'

"Shwo, gwet qwat!" shuta, ano na naman bang lumalabas sa bibig mo, Carol!

Ilang minuto pa ang itinagal ng pusa sa bintana habang tinitignan ako tsaka 'to lumabas kaya nakahinga ako ng maluwag, salamat naman lord at may awa kapa sa 'ken.

To be honest, i don't really know kung bakit ako natatakot sa pusa na 'yon. Eh, sa past life ko ay kapag naiinis ako sa mga pusa dahil kinukuha ang ulam namin ay tinatapon ko 'to palabas ng bahay namin, eh!

Oo, alam kong masama ako. h'wag n'yo ng ulitin.

Ipinikit kona ang mata ko upang matulog, like tf! kanina pa 'ko naiinis. Kaya matutulog na 'ko para naman makapag—beauty rest.

_______

kaagad kong binuksan ang mata ko ng maramdaman kong nahihirapan akong huminga, yswa! Anong nangyayare!

do'n ko nakita ang isang babaeng matalim na nakatingin sa 'ken habang may hawak—hawak na isang maliit na unan. Kung 'di ako nagkakamali ay mukhang inilagay n'ya 'to sa mukha ko upang 'di ako makahinga.

Aba't, may balak 'ata 'tong patayin ako, eh! h'wag mong sabihing 'to 'yong ipinadala ng demonyo kong ama upang patayin ako? huhu, akala koba friends na kame!

'hingang malalim, Carol. stop overthinking!'

"I don’t know why you’re still alive, but remember this...." parang baliw 'tong ngumiti at Inilapit ang mukha n'ya sa 'ken, jusko may baliw dito!

"Hindi ka magtatagal sa mundong 'to, at kung mangyayare man 'yon h'wag kang magalala ako na ang bahala sa libingan mo." napalunok ako sa sinabi n'ya, sa boses nito ay parang hindi s'ya nagsisinungaling!

tumawa naman ito na parang baliw at itinapon ang unan sa kung saan, tsaka tinignan ulit ako. Kita ko kung pa'no manliit ang mata n'ya habang nakatingin sa leeg ko.

'may kung ano ba sa leeg ko, tej? pakisabi naman para 'di ako kabahan dito!'

Pasimple kong hinawakan ang leeg ko at do'n ko lang napagtanto na suot ko pa din ang necklace na ibinigay sa 'ken ng demonyong iyon.

h'wag mong sabihing gusto n'yang nakawan 'to? aba't magsasabunutan muna kame bago n'ya makuha 'to. 'tsaka kapag sinangla ko 'to magiging milyonaryo ako, noe.

'Sgeh, Carol. ipaglaban mo 'yang pagka—mukhang pera mo, at mukhang gusto ka ng patayin n'yang babaeng nasa harapan mo!'

kinakabahan ako, bigyan n'yo ng mga machong lalake para bumalik ang lakas ko at matalo ko 'tong bruhang 'to.

syempre biro lang, akmang hahawakan n'ya ang leeg ko ay agad akong umiwas, mahirap gumalaw dahil kaka—gising ko lang at gusto ko pang matulog.

Ano ang gagawin ko? sisigaw ba 'ko o iiyak para may taong makarinig at tulungan ako?

iiyak nalang ako, pero 'di ko alam kung paano umiyak ang isang sanggol!

'umiyak kana, Carol. Baka mawala pa 'yang kwintas mo, aba't kapag sinangla mo 'yan magiging mayaman kang gaga ka!'

"UWAHHHHH! UWAHHHHHH! WAHHHHH!" anong klaseng iyak 'to bakit walang lumalabas na luha?!

kita ko kung pa'no nataranta ang babaeng nasa harapan ko at dali daling inilagay ang kan'yang kamay sa bibig ko.

Pwe. ang lakas ng amoy ng perfume nitong babaeng 'to!

"Shut up! If someone will hear you, i will surely kill you bitch." pati sanggol pinapatulan mong bruha ka! Kapag ako lumaki magsasabutan tayo!

"VERONICA, WHAT ARE YOU DOING?!"

sevennlyy

The Reincarnation Of Caroline As A Daughter Of Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon