Prologue

31 2 0
                                    




"Ken!"



A mid-20s man approached the comfy sofa where I was seated inside his office.



Hawak nya ang isang makapal na bungkos ng papel sa kanang kamay at ipinang ayos naman ng dumudulas nyang salamin ang kaliwa habang humihingal.



Bakit ba kasi nya kailangan tumakbo eh sya rin naman ang hihingalin. Tsk.



Iniangat ko ang tingin ko sa kanya na parang wala lang.



He caught his breath first before standing before me with hands on his waist.



Nararamdaman kong pagsasabihan nya nanaman ako tungkol sa mga bagay na alam nya namang hindi ko pakikinggan.



"Bakit po naman ginawa 'yon kay Pen?" Tsk.



Sabi na nga ba't tungkol nanaman ito sa bagay na hindi ko naman pakikinggan. Hinayaan ko nalang syang sabihin ang gusto nya.



"Diba napag usapan na natin na kung kailangan may mamatay, silang dalawa nalang. Bakit naman kailangan isa lang ang mamatay at yung isa pa mismo ang kailangang pumatay sa kanya!? Tapos yung maiiwan, makakaranas pa ng 10,000 taon ng pagdurusa? Kendrick naman!"



Bakas sa mukha nya ang matinding problema. Lagi nalang nyang problema ang mga endings na sinusulat ko. Dapat nga'y hindi sya nagrereklamo dahil akda ko mga 'yon.



Sumandal lang ako sa sofa at pinag krus ang mga binti bago ngumisi.



"Isn't it realistic?"



"They disobeyed the Gods. They fell in love even though they were warned multiple times. As a punishment, one of them needs to die, and the other must suffer and die a painful death at the end."



Gio frowned in so much disappointment upon hearing what I said.



"From the very beginning, it was all about the mission in the mortal realms. Pinadala lang sya sa mundo ng mga tao para misyon. At hindi kasama doon ang mag mahal sya ng isang mortal. Pero dahil ipinilit nya, pagdusahan nilang dalawa." Walang pakialam na sabi ko sa kanya matapos kong tumayo at kinuha ang susi ng sasakyan.

Dear Heaven,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon