11

19 0 0
                                    

꧁꧂

KENDRICK

"CHAIRMAN OF THE LARGEST CONGLOMERATE IN SOUTH-EAST ASIA, SHOT DEAD."

Paulit ulit.

Walang tigil.

Ganon ko binabasa ang headline na naka paskil sa screen ng laptop ko ngayon.

Hindi naman ito isang sikat na news outlet pero kumakalat ang balita kagaya ng pag kalat ng isang sakit sa lipunan. Paniguradong mamaya lang, marami nang anak ang article na 'yan.

Mapagkakatiwalaan talaga si Gio sa ganitong mga bagay.

Binasa ko ang contents na isinulat nila tungkol sa nangyari kay Grandpa and its exactly how I want it to be. Hindi rin katagalan ay dumating na ang tawag na hinihintay ko.

It was a call from the Senate President of this country. Syempre, hindi ko sinasagot. Hinayaan kong sya mismo ang mag patay at muling tumawag. Naulit yon ng limang beses kaya lalo tuloy akong natutuwa.

How dare he told me to shut my mouth about Grandpa's death just because it might ruin his candidacy. Ang kapal ng mukha nya. Kaya inutusan ko si Gio na maghanap ng isang hindi ganon kasikat na news outlet para mag publish ng balita. Sisirain ko ang lahat ng balak nyang gawin dahil pinuno nya ako ng sobra.

Sana'y hinayaan nya muna akong magluksa. But the first thing that comes into his mind when he heard what happen is that no one should know about it. Binayaran nila ng malaki ang mga staffs ng resort at pinapirma ng confidentiality agreement.

Hindi rin nila binigyan ng maayos na libing sa Grandpa. Kinabukasan matapos ang nangyari ay ipinalibing na nila sya kaagad ng walang nakaka alam maliban sa mga miyembro ng pamilya.

Hindi ko man gustuhin ay nagbabadya nanaman ang mga luha sa mata ko kapag naalala ko si Grandpa. Sinong walang puso ang gumawa non sa kanya. Sandaling oras lang akong nawala. Sandali ko lang syang iniwan. Pero sa sandaling panahon na yon, binawi sya sa akin.

Lalo akong naiinis sa sarili ko kapag naiisip na hindi ko man lang nasabi sa kanyang nagpapasalamat ako sa pag aalaga nya sa akin at mahal na mahal ko sya. He was my only ally. Kinakampihan nya ako sa lahat ng pagkakataon kaya hindi kahit wala akong ama, nakaramdam pa rin ako sa kung paano ba ang pakiramdam ng may tatay.

Naputol ang pag iisip ko noong may kumatok sa pinto ng kwarto. Mangungulit nanaman ba sya. Tsk.

"Ano." diretsong sagot ko matapos umayos ng upo.

Kagaya ng inaasahan, bumukas ng kaunti ang pinto at sumilip ang ulo ni Sol bago nya tuluyang binuksan at pumasok. May dala syang isang tray ng pagkain at syempre, pero hindi kagaya ng palagi nyang itsura, lungkot at pag aalala ang makikita sa mukha nya.

"Tsaa palang ang laman ng tiyan mo mula pa kagabi. Binilihan kita ng lugaw. Sabi ni Sir Gio, ito daw ang gusto mo eh. Lumakad pa ako ng malayo para makabili kaninang umaga. Ang dami palang tao don no? Siguro talagang masarap ang pagkain kaya dinarayo sila." Sinasabi nya ang lahat ng yon habang binababa ang tray sa side table at umupo sa kama ko ng hindi nagpapaalam.

Sumusunod lang ang tingin ko sa bawat ginagawa nya at habang tinitingnan ko sya, naalala ko rin kung paano syang umiyak noong araw na namatay si Grandpa at noong inilibing ito. Mas malakas pa syang umiyak kaysa sa akin at naiintindihan ko naman kung bakit. Sandali lang silang nagkakilala ni Grandpa pero naging malapit sila sa isat isa.

Dear Heaven,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon