KENDRICKBack when Lucas and I were young, wala lang sa akin kapag napupunta na sa kanya ang mga lumang laruan at damit ko. I don't mind as long as I'm done using and playing with it.
He's always so grateful for everything.
Lahat naman kasi napaglumaan ko na kaya ayos lang na sa kanya na ang mga 'yon. Well, ayaw ko naman talagang ibigay. Mas gusto ko pang sunugin ang mga yon kaysa gamitin nya. Pero dahil kay Grandpa, nasanay nalang din ako na ipinapasa ang lahat sa kanya. I’ve grown to share everything that I had with him.
Once, he had my shirt that my mom gave me. At first, I was mad, but when I saw how he treated it with care, nawala na rin ang inis na ‘yon. Then he had my shoes, my toys, and even my old room at Casa Morada. Lahat ng ‘yon ay napunta sa kanya. Noong nakukuha na rin nya ang atensyon ng Daddy ko, wala rin akong pakialam. Magsama sila hanggang sa hukay.
But now, there's this one thing that I am not willing to share with him. Ever.
May nag iisang bagay na hinding hindi ko hahayaang maagaw o ni mahiram man lang nya sa akin.
Ipagdadamot ko ang bagay na yon hindi lang kay Lucas, kundi sa lahat ng magtatangkang umagaw nito mula sa akin.
"Thank goodness you're alright." his arms were wrapped around Sol's body, and that sight made me sick.
Sick like hell.
Halos hindi nya ako napansin dahil pagbukas na pagbukas ng elevator, si Sol agad ang hinanap at niyakap nya Ang nakakainis pa sa sitwasyong ito? Nakatingin sa akin si Sol habang yakap sya ni Lucas na parang ipinamumukha nya sa akin na magkadikit silang dalawa.
Bwisit.
Kahit anong pagtitiis ang gawin ko, hindi ko kayang makita syang yakap si Sol.
I pulled him so hard that he almost fell into the ground kung hindi lang sya nasalo nung mga nag aayos ng elevator.
Walang salita, tiningnan ko lang sya ng masama. Mukhang nakuha nya naman ang ibig kong sabihin. Hindi naman sya ganon kabobo.
"Sir Kendrick, pasensya na po sa aberya." natuon sa maintenance personnels ang tingin ko at malas nila, sila rin ang napagbuntunan ko ng galit. "Kung alam nyo palang may problema ang elevator, sana naglagay kayo ng notice! What will you do if something bad happens to me or to someone who will use it? Ganyan kayo katanga?"
Pinilit kong simulan ang araw ko sa magandang paraan. Pero naka tadhana na yatang araw araw uminit ang ulo ko hindi lang sa mga bagay kundi pati na rin sa mga tao.
"Sorry po ulit." nag bow pa sila at kita ko ang panginginig sa mga kamay nila habang hawak ang naglalakihang kulay pulang toolbox. And of course, my brother, being the holier-than-thou, consoled the two of them.
"It’s okay. Wala tayong control sa mga ganitong pangyayari. Gawin nyo na yung dapat nyong gawin. Ang mahalaga, walang nasaktan." I rolled my eyes in disbelief after hearing his statement. Nagpapanggap man s’ya o hindi, wala na akong pakialam doon.
Nag transfer kami sa kabilang elevator at tahimik lang kaming tatlo hanggang makarating sa floor ng office ko. Wondering why I was here? It is to reclaim what is mine.
BINABASA MO ANG
Dear Heaven,
RomanceHe's a writer who've killed a number of people using his pen. The heavens want it to stop, so they've sent a God-given gift for him. One cold-rainy night on Kendrick's life, an angel came. -- FOR MORE UPDATES, FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS~...