SOLACE"Sol? Ready na kayo?" Sumilip na si Sir Gio sa kwarto kung nasaan kami ni Sir Kendrick. Kasalukuyan syang nagbubutones ng kanyang polo shirt na kulay itim habang nakatingin sa salamin at hawak ko naman ang iba't ibang kulay ng mga necktie na pinag pipilian para espesyal na araw na ito.
Kanina nya pa hawak ang cellphone na nagriring yata kada limang minuto. Alam ko naman na nagmamadali kami pero ayaw kong madaliin si Sir Kendrick dahil mukhang hindi maganda ang timpla nya sa araw na ito. Wala akong mabakas na kasiyahan o kahit anong emosyon sa mukha nya kahit kaunti. Kaya hindi ko rin tuloy alam kung an oba ang iniisip nya.
"Magsisimula na sila. We're running really really late. Sol, Ken, pakibilisan please." Magsasalita pa sana syang muli pero nagring nanaman ang telepono nya at sinara na ulit ang pinto. Napuno nanaman kami ng katahimikan sa loob ng kwarto at hindi ko alam ang gagawin.
Ayokong magsalita ng kahit na anong makakagulo sa isip nya lalong lalo na ngayon. Kailangan munang matapos ang kaganapang ito bago ko sabihin sa kanya ang lahat. Pero hanggat hindi pa nangyayari ang dapat mangyari sa umagang ito, hindi sya pwedeng madistract. Hindi kahit kaunti.
"Lumapit ka dito. Hindi naman kita sasaktan." Sobra akong nakokonsensya na ganon ang dating sa kanya ng pag layo at pag tahimik ko sa tuwing magkasama kami.
Kaunting oras nalang. Malalaman mo na rin ang lahat.
Lumapit ako sa kanya dala ang tatlong necktie sa aking mga kamay. I tinatawag ko yon sa kanya at tinitingnan kung alin ang pinaka nagpapalitaw ng malakas na aura nya. Nakakainis lang na ang lahat ay bagay sa kanya. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagagwapuhan sa kanya. Malinis na malinis syang tingnan ngayon at talagang kahit sinong tumingin ay tiyak na maakit.
"Wala ka bang sasabihin sa akin?" tanong nya noong may mapili na kaming necktie. Tiningnan ko sya ng sandali at hindi ko mapigilang mangiti. Ang gwapo nya talaga ngayong araw. Umiling lang ako at nagsimula nang isuot sa kanya ang kulay itim din na necktie. May mga detalye ang necktie na 'yon at kung tama ang pagkakaalala ko'y nag iisa lang ito sa mundo.
Pinasadya ang necktie na ito para lang sa kanya. "Isang bagay lang ang gusto kong sabihin sa'yo. Pero gusto ko munang matapos ang kailangan mong gawin ngayong araw." Ngumiti ako sa kanya para maramdaman nyang magandang balita ang tinutukoy ko. Pinagpagan ko sa huling pagkakataon ang damit nya bago kinuha ang itim din na suit at isinuot din yon sa kanya.
"Sir Kendrick." Pareho na kaming nakaharap ngayon sa salamin at tinitingnan ang repleksyon ng isat isa. Naka dress ako na kulay puti para sa araw na ito. Sinabi rin nilang mag suot ako ng heels para presentable akong tingnan. Nararamdaman kong kinakabahan sya. Kaya kailangan kong sabihin ang mga ito.
"Simplehan mo lang ang buhay. Hindi mo kailangang gawin ang hindi mo gustong gawin. Pero huwag mo rin basta susukuan ang mga bagay na sobrang mahalaga sa'yo." Dahil ipinangako kong hindi ko na sya hahayaang masaktan pa sa kahit anong paraan, hindi ko sya hahayaang magsimula ng isang trabaho kung saan palagi syang magkakaroon ng problema. Dahil sa mga sinabi ko na 'yon, humarap sya sa akin at parang tinatanong kung ano ang ibig sabihin ng mga salita ko.
Inayos ko muna ang ilang mga makukulit na hibla ng buhok na patuloy ang pagbaba sa may noo nya. "Ano man ang mapili mong gawin, kasama mo ako." Mapili nya man ang lumaban o sumuko, nasa panig nya ako. Susuportahan ko ang kahit ano. Basta magdudulot yon ng kasiyahan sa kanya. Kung magiging matapang sya, hahanap ako ng sandata para patayin ang kalaban. Kung magiging duwag naman sya at magpasyang sumuko, hahanap ako ng lugar kung saan kami pwedeng magtago ng walang makakakita.
BINABASA MO ANG
Dear Heaven,
RomanceHe's a writer who've killed a number of people using his pen. The heavens want it to stop, so they've sent a God-given gift for him. One cold-rainy night on Kendrick's life, an angel came. -- FOR MORE UPDATES, FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS~...