02

10 1 0
                                    

꧁꧂
SOLACE

"Is this the security office? Somebody followed me up until here in my unit. Hindi ko sya kilala. Please, pakibilisan." Sinundan ko lang naman sya para makapag simula na ako tapos may tinawagan na sya kaagad.

Tinitingnan ko lang ang nilalang na nasa aking harapan at hindi katagalan may isa pang tao na lumapit sa amin at hinawakan ako sa braso. Naka uniporme sya ng para sa mga gwardya.

"Pasensya na Sir, hindi po namin napansin yung pag pasok nya kasi halos-"

"Am I asking for an explanation?" hindi na naituloy nung gwardya ang pagpapaliwanag nya dahil sa biglang pag sabat nitong lalaki.

Kahit na ramdam ko ang pagkapahiya nitong nakahawak sa braso ko, pinili nya pa rin ang magpakumbaba at humingi ng pasensya kahit na hindi nya naman yon dapat ginawa.

Pumasok na yung lalaki sa condo nya at ako naman, hinila na nung guard palayo. Nahahawakan at nakikita na ako ng mga tao, kaya ibig sabihin non, may katawang tao na rin ako sa mga sandaling ito.

Pumasok kami nung guard sa elevator kaya binitawan na nya ako.

"Manong, pinagpapala ang mga mapagkumbaba. Kaya mabuhay ka ng mapayapa, hmm." Tinapik tapik ko ang balikat nya pero sa pangatlong tapik ay pinigilan na nya ang kamay ko.

"Oo alam ko." biglang naging kakaiba ang tono ng pananalita nya.

Nagtaka ako nung una pero noong tiningnan ko si manong ulit, nagbago ang anyo nya at naging kamukha ni tanda. Sa sobrang gulat, binawi ko yung kamay ko kaagad.

"Nakakagulat ka naman, tanda! Ano ka ba!" Kagaya ng palagi nyang porma sa pagtayo, inilagay nya ang dalawa nyang kamay sa likuran at tiningnan ako ng seryoso.

"Kahit kailan, hindi ka talaga nag iisip." Sabi nya bago ipinitik ang kanyang mga daliri kaya kasabay ng pagbukas ng elevator ay ang paglalaho namin. Napunta kami sa loob ng simbahan kaya nagtataka pa rin ako.

Kaya nya palang sumanib sa katawan ng ibang tao? Ang galing ah!

"Ano bang balak mo? Ang sundan sya gayong hindi ka naman nya kilala? Sol, sa mata ng lahat, isa ka nang tao. Kung lalapitan mo sya at aakto na parang isang anghel, pagkakamalan ka nilang baliw at babagsak ka sa ospital o kung hindi man ay sa kulungan."

Napakamot ako ng ulo sa kanyang sinabi. Ano pala ang dapat kong gawin kung ganon? Saan ako pupunta at saan ako magsisimula?

"Sabi ko naman sa'yo, ipitik mo lang ang iyong mga daliri kung hindi mo alam ang pupuntahan. Ginawa mo ba?" Nandito kami sa opisina nya sa mga oras na ito at nakaupo ako sa malambot na upuan.

"Syempre, naman! Ipinitik ko ang daliri ko at dinala ako non sa harapan ng isang gusali kanina. Doon ko sya nakita kaya sinundan ko sya." Ang mga anghel, hindi nararapat na magsinungaling. Maging ang mga tao at dapat na ganon din.

"Marahil ay nais lamang ng lumikha na makita ka nya o makita mo sya ngunit hindi pa ngayong gabi ang tamang oras upang kayo'y magkausap o magkalapit. Bukas pa, ang araw na 'yon."

Nagtataka man kung paano nya nalaman na bukas pa ang takdang araw ay hinayaan ko na. Kung iyon ang nais ng lumikha, iyon ang dapat masunod.

Dear Heaven,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon