꧁꧂
KENDRICKNgayon ko lang nakita si Grandpa na tumawa ng ganito kalakas. Halos hindi sya matigil sa paghalakhak habang magkatabi kaming nakaupo at naghihintay na may kumagat sa pain na ibinato namin sa tubig.
"Gosh Kendrick! Ano bang kabutihan ang ginawa mo sa nakaraang buhay mo para bigyan ka ng langit ng isang gaya ni Sol?" Nakatanaw kami sa malawak na dagat at hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano syang umiyak at humagulgol sa maliit na bagay na yon.
Naalala ko tuloy nung si Daddy ang kasama ko isang beses na natrigger ang allergic reactions ko. We were at the same situation like before. Nasa isang restaurant kami kasama si Lucas at ang Mommy nya.
Dahil first rate ang restaurant na 'yon, mga bigating tao lang ang kumakain nung mga oras na nandon kami. They served a dish that contains peanut oil in it. Allergic din ako sa nuts. Lahat ng pagkain na may halong kahit anong mani, maari kong ikamatay.
Yet, they didn't know. Hindi siguro nila nasabi sa nagluluto na may allergies ako. Hindi ko nga alam kung aware ba sila na meron nga. Sumisikip na ang dibdib ko non at nahihirapan huminga. Namamaga na rin ang mukha ko pero alam nyo ang sinabi nya sa akin?
"Hinde under the table. Someone might see you."
Pinagtago nya ako sa ilalim ng lamesa kung saan hindi ako makikita ng ibang tao. Inisip nya pa ang sasabihin ng iba habang ako na anak nya ay malapit nang mamatay.
Si Lucas naman, nagpaalam na pupunta sa CR pero pagbalik nya, may inihulog syang gamot sa ilalim na para sa akin. Bata pa kaming dalawa noong mga panahong yon. Kung hindi dahil sa kanya, malamang mamatay ako sa ilalim ng lamesa habang ang ama ko ay iniisip pa rin ang sasabihin ng ibang tao.
Ganon sya kabuting ama sa akin.
Pero si Sol kanina, hindi nya inisip ang sasabihin ng mga nakakita sa itsura nya. Kahit magmukha syang nasisiraan ng bait sa pag buhos ng kung ano anong laman ng backpack nya, ayos lang.
"Oh, ayan na sya." Napalingon rin ako sa direksyong tiningnan ni Grandpa at nakitang nagtatatakbo nanaman sya palapit sa kinauupuan namin.
Mabigat ang bag nya, bakit kailangan nya nanamang tumakbo. Engot talaga.
"Sir Kendrick, nagdala ako nito. Meron din para sa inyo, Chairman." Inabutan nya ako ng isang tumbler. At ganon din ang ginawa nya kay Grandpa.
"Salamat, Sol." Sagot ni Grandpa matapos maamoy na cucumber juice ang nasa tumbler.
"May narinig po akong mga usapan na anniversary daw po pala nitong resort ngayong araw. May fireworks display daw po sila mamayang gabi at mini event para sa mga bisita." Nakuha nya pa talagang makinig sa mga usapan ng ibang tao ah.
"Is that so? Hmm, what if we stay until tomorrow morning? Para naman maabutan nyo yung fireworks display." Napatingin ako kay Grandpa dahil sa sinabi nya. Ang usapan, hanggang ngayong araw lang kami.
Biglang nagtatalon si Sol sa tuwa at pumalakpak pa. Dahilan yon para natawa nanaman si Grandpa at tumingin sa akin habang nang aasar.
Ano ba yun?
"Wala akong dalang essentials-"
"Dala ko po ang lahat ng kailangan nyo, Sir Kendrick. May damit, toothbrush, skincare, pajamas, lahat po. Wala kayong aalalahanin." Paano nangyaring dala nya ang lahat ng 'yon?
Aawayin ko nanaman sana sya pero wag nalang. Masasayang lang ang boses ko dahil pumayag na rin naman si Grandpa. Para naman sa kanya kaya ko ito ginagawa.
Hindi ko kailanman kinahiligan ang lumabas at mag bakasyon. Mas gusto ko pa nga sa condo o kaya sa Casa. Pero dahil si Grandpa ang nagyaya, pumayag ako.
BINABASA MO ANG
Dear Heaven,
RomanceHe's a writer who've killed a number of people using his pen. The heavens want it to stop, so they've sent a God-given gift for him. One cold-rainy night on Kendrick's life, an angel came. -- FOR MORE UPDATES, FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS~...