LEANNE's POV
"Ayyy! Akala ko ba walang gagawa ng assignment?! Bakit mayro'n isang 'to?" Turo sa akin ni Pearl.
Umupo siya sa tabi ko't sinilip ang test notebook na kakalabas ko lang sa bag.
"Ay wala! Kahit kailan talaga sinungaling 'tong president na nahalal natin, oo." Biro ni Ezra habang inilalabas test notebook niya.
"Uy!" Gulat na sambit ni Pearl nang makita niyang naglabas din ng test notebook sina Lynn at Angel.
"AY! MGA BURAOT!" Ungol niya nalang. "HINDI AKO GUMAWAAAA! 'YON 'YONG SABI NIYO, EH!" Duro niya sa akin.
"'Di ba sabi mo na hindi tayo gagawa tapos walang magsasabi kay ma'am?! Mag c-camping naman na, eh. Makakalimutan na 'to ni ma'am. 'Wag nalang tayong mag pass?!" Ungol niya pa.
Palihim nalang akong natawa. Kahit kailan kasi talaga isang 'to, uto-uto. Matalino naman sana sa academics pero sobrang inosente, andaling lokohin.
"Jusko naman kasi, Pearl. Bakit ka kasi nagpapaniwala sa kanila, eh, palagi ka lang namang nililinlang ng mga 'yan hahaha." Hagikgik ni Lynn sabay abot sa test notebook ni Pearl.
"Oh! Ako sumagot niyan kaya alam mo ng perfect. Isang burger at large drink lang, sapat na."
Ngunguso-ngusong niya itong tinanggap. Umirap pa talaga siya sa aming tatlo nina Angel at Ezra bago lumipat sa table niya na nasa harap ko lang.
Sa aming magkakaibigan, sina Pearl at Lynn ang nakalunok ng mikropono habang sina Ezra at Angel, tiga tawa lang sa mga kalokohan nila.
Me? I'm one of the silent ones together with Roux. Ewan ko lang talaga sa isang 'yon at mukhang napipi na ata't 'di na namin halos naririnig na magsalita.
Lagi din siyang absent. Sige, okay lang. Matalino naman siya. Kahit three times a week nga lang 'yong pumasok, namementain parin niya ang top 2, just next to me.
"Be, ano na? 'Di na naman papasok si Roux?" Bulong ni Lynn. She's sitting behind me kaya lumingon ako.
"I don't know. She's not answering any of my texts."
"Paano na 'yan? Kapag hindi siya nakapag-pass ng parents' consent today, 'di siya makakasama sa camping." Pakikisawsaw ni Ezra.
Asa unahan lang siya nakaupo pero rinig niya parin pinag-uusapan namin mula sa likuran.
"Ako na kakausap kay ma'am pag-uwi. Dadaanan ko lang din siya sa kanila."
Tumango silang dalawa at naupo na ng maayos. Pumasok na rin si kasi si ma'am. Wala naman kaming ginawa kundi ang iremind ang isa't-isa sa mga dadalhin sa camp.
We're on our last two months as Seniors, the last batch to graduate four years in Highschool kaya tutok sa amin ang staffs.
Their goal is to make our senior camp memorable, kaya pinagplanuhan nila ng maigi ang lahat.
I'm no fan of adventures at kung tinamaan ka nga naman ng lintik, sa isang isla magaganap ang aming camping which happens to be my family's property.
Mga classmate ko may idea nun.
It's been years since the last time I set foot on that island. I barely remember the place pero maaalala ko naman 'pag andun na ako.
I voted myself as a homeroom and school president nung election for the sake of academics kaya kailangan andun to show my full support.
Maaga kaming ipinauwi for preparation and just like what I said earlier, pagkatapos kong kausapin homeroom teacher namin, dumaan nga ako kina Roux.
At dahil election ngayon, hindi agad ako pinapasok. Roux's father is a politician kaya mahigpit ang security dito sa kanila at mainit ang labanan ng magkabilang partido.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐡𝐞 𝐓𝐞𝐧𝐭𝐡 𝐝𝐚𝐲
Mystery / ThrillerDalawang katawan ang natagpuan sa isang tagong mansyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Leanne Nakayama, class president ng Section Paradox. Ang kaso ay tinanggap ng isang sikat na investigator na si Dahna Harris ngunit sa hindi inaasahan, ang explora...