[A/N] Hello, super sorry for the late update again and again hehehe. Things are getting tough for me nowadays due to personal matters and I'm also having a hard time inserting emotions sa chapter na 'to. Grabe, super busy. Wala ring internet sa mga lugar na pinupuntahan ko. Mahirap isiksik ang mga bagay-bagay.
Anyways, just to let you know, starting this chapter, marami nang mangyayaring time hops, kaya medyo maguguluhan kayo😅 Sorry hehehe.
* * *
LEANNE's POV
"I told you, guys, these flowers were real!"
I couldn't help my tongue from exploring my teeth to sustain my anger as I watch Lynn waving those flowers in front of us as if she didn't disappear for two fucking hours!
Nakaupo siya sa harapan naming lahat ngayon--covered with mud from searching for those hell-of-a-what-not flowers.
Kung hindi pa ako napigilan nina Roux, baka nasampal ko na siya kanina nung bigla siyang sumulpot sa harapan naming lahat na parang walang nangyari.
Ni hindi man lang siya nagsabi ni kanino kung sa'n siya pupunta o kung ano'ng gagawin niya! If something happened to her, I'd be held accountable. I shouldn't have agreed nor even thought of coming here!
"Calm down."
Napatingin ako kay Roux nang hawakan niya ang kamay kong nakayukom na pala.
Nasa likuran kaming lima nina Ezra, Pearl at Angel. Ni isa sa amin walang gustong lumapit kay Lynn at parehas kaming badtrip sa ginawa niya.
"Just what the hell were you thinking, Lynn?! Sobrang pinag-alala mo kami! Pa'no kung may nangyari sa'yo?!" Hiyaw ni ma'am Abad.
Halos mangiyak-ngiyak na siya sa kaka-sermon kay Lynn simula pa nung sumulpot siya pero parang wala man lang itong naririnig. Nakangiti lang siya habang nakatitig sa mga bulaklak na hawak niya kanina pa.
Napapikit nalang ako saka marahang hinagot ang aking batok.
"You talk to her, Roux, please." I muttered between breaths, tumango naman siya and immediately went to talk to Lynn.
"Why did she look for them by herself god."
Napalingon ako kay Angel nang marinig ko ang sinabi nito. It was light and seems subconscious at maski siya nagulat sa sinabi niya nang magkatinginan kami.
"Plano niyo pala talagang hanapin ang bulaklak na 'yan without even telling me?" Walang kaemo-emosyon kong tanong. "So, those were the blue spider lilies she was talking about a while ago?"
Sarkastiko akong napatawa saka sumulyap kina Pearl at Ezra na parehas na umiwas ng tingin. Tinignan ko rin 'yong iba at mukhang alam nila ang iniisip ko just by the way they look.
Ni hindi nga nila ako matignan ng maayos.
"You, guys, could have told me." Pahina ng pahina ang boses ko't parang nawawalan na ako ng gana sa mga nangyayari kaya 'di ko na napigilang lapitan si Lynn.
Nag-uusap pa sila ni Roux nang agawin ko 'yong bulaklak sa kanya.
"Leanne!" Gulantang na sabi ni Roux pero hindi ko siya pinansin at diretso lang akong nakatingin kay Lynn.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐡𝐞 𝐓𝐞𝐧𝐭𝐡 𝐝𝐚𝐲
Mystery / ThrillerDalawang katawan ang natagpuan sa isang tagong mansyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Leanne Nakayama, class president ng Section Paradox. Ang kaso ay tinanggap ng isang sikat na investigator na si Dahna Harris ngunit sa hindi inaasahan, ang explora...