DAHNA's POV
"Oh? Ba't ka nakatulala diyang mag-isa?" Tanong ni Robert sabay lapag ng kape sa mesa.
Umupo siya sa tabi ko saka ako tinignan ng maayos.
"Dapat ba 'pag nakatulala, by partner?" Umirap ako. "Marami akong iniisip, magtrabaho kang tahimik diyan."
"Ay! 'Di pwede 'yon." Panginginis niya pa't ngumisi ng pagkalawak-lawak. "Hindi naman lingid sa kaalaman kong nagdadalawang-isip ka paring tanggapin 'yong kaso ng Section Paradox."
Ngumuso siya saka kunwaring inaayos ang mga files na nakatambak sa table niya. Magkatabi lang kami kasi nga partner ko siya.
"This is so not you, alam mo 'yon? Ano ba kasing meron sa kaso'ng 'to bakit ayaw mong tanggapin? Eh, may mas na-handle ka pa ngang mas worse pa sa kaso'ng 'to. May alam ka ba na hindi ko alam?"
Muli akong napairap. "Wala! Sadyang nadala lang talaga ako." Kinuha ko 'yong kape saka humigop.
"Hindi mo nga kasi kasalanan 'yon, hoy!" Anas niya sabay palo sa ulo ko gamit ang hawak niyang files kaya muntikan na akong mabilaukan sa kapeng iniinom ko.
"ANANG NG TUPA!" Pagmumura ko nalang saka siya sinamaan ng tingin. "Kung ibuhos ko nalang kaya sayo 'to?!"
"Ayy sorry naman! Nadala lang din ako hehe." Nag peace sign siya't babatukan ko rin sana nang tawagin ako ng head namin sa table niya.
Syempre, agad akong lumapit. Tumaas-baba pa 'yong mga kilay ng gagung Robert at para bang sinasabi niyang tanggapin ko na 'yong kaso. Sa ayaw ko, eh! Bangasan ko siya diyan, makikita niya.
"Yes, sir?" Magalang kong panimula.
Seryoso lang na nakatingin si sir Vasquez sa monitor niya saka dahan-dahan akong nilingon. Nakaupo parin siya kaya kailangan pa niyang tumingala.
"So, napag-isipan mo na ba, Mrs. Harris?" Agad niyang tanong the moment na nagsalubong mga mata namin.
Napabuntong-hininga nalang ako sabay kamot ng ulo.
"Sir, alam niyo naman po 'di ba 'yong nangyari three months ago? Robert and Miko almost lost their lives dahil sa palpak kong desisyon." Tumingin ako sa sahig. "The trauma of losing them still won't let me sleep soundly at night. Ayaw ko na pong mangyari ulit 'yon."
"Hmm." Tumango-tango si siya. "You know very well how great you are as a cop and as an investigator, Mrs. Harris. I've been serving for twenty years in this field, but I've known no one that could be as great as you."
Tumingin ulit siya sa monitor. "I can't rely on anyone sa case na 'to. I know na alam mo kung ga'no ito ka crucial at involved ang mga anak ng mga malalaking pamilya sa nangyari and they personally wanted you to handle this."
Muli siyang tumingin sa akin. "That kid needs your help. We both know she's innocent but if we can't find any evidence to prove it then she'd be held responsible for the death of her friends."
"My wife is really a brilliant lawyer but she won't risk her name to defend someone with evidence so little it couldn't be seen."
Napakagat nalang ako ng labi sa sinabi niya. Mr. Vazquez knew I have a soft spot for children and if my eldest is still alive, magka-edad lang sila ni Ms. Abadilla.
Mariin akong napapikit. I've thought a thousand times about this and my decision should be final pero nadali lang ng taong 'to sa isang usapan lang. Anak ka talaga ng debil, sir!
"I-I'll try and think about it––again." Mahina kong sabi saka namulat. Syempre, nakangisi na ang matanda. Naol!
"BRILLIANT!! The families would be so happy to hear the news." Masaya niyang sabi saka pumalakpak.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐡𝐞 𝐓𝐞𝐧𝐭𝐡 𝐝𝐚𝐲
Mystery / ThrillerDalawang katawan ang natagpuan sa isang tagong mansyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Leanne Nakayama, class president ng Section Paradox. Ang kaso ay tinanggap ng isang sikat na investigator na si Dahna Harris ngunit sa hindi inaasahan, ang explora...