Chapter 3: The night before tomorrow

151 127 10
                                    

EZRA's POV

"Woah! Camping ba talaga 'to? Bakit parang pakiramdam ko out of town tayo?!" Syempre, si Pearl 'yon. Siya lang naman laging tumitili sa amin.

Kanina pa siya manghang-mangha sa rest house na tinutukoy ni Leanne na parang times two ang laki sa bahay nila do'n sa syudad. It's literally a mansion!

Andito kami ngayon nina Lynn at Pearl sa terrace na sobrang lawak din, parang living room ng bahay namin kung tutuusin. Kanya-kanya kaming kumukuha ng pictures habang 'yong iba naman, naligo na sa napakalaking swimming pool sa backyard.

Sobrang lawak din ng field nila. 'Yong sinabi ni Leanne kanina na limang kilometrong lakad lang papunta dito ay sa gate lang pala nila kasi isang kilometrong lakad pa 'yong iginawad namin mula dun.

One hour and a half din kaming naglakad pero ni isa sa mga kasamahan ko 'di nakaramdam ng pagod, nakuha pa talagang gumala at mag swimming.

To be honest, I can't blame Roux for being uncomfortable about us coming here. This place is incredibly amazing and at the same time, incredibly old and creepy.

Tho pinipreserve naman ng mga katiwala dito itong lugar, bakas parin sa mga detalye ng furnitures at weird-looking statues na kahit saang sulok makikita ang kalumaan nito.

Leanne Nakayama is half Japanese, half Irish. Her mother's ancestors originally own this place kaya super Irish 'yong dating.

"How's Roux and Angel?" Agad na tanong ni Lynn nang makita niya si Leanne na naglalakad papalapit sa amin.

"Roux needs more rest while Angel is already fine. In fact, papunta na 'yon dito." Sagot ni Leanne saka umupo sa isang bakanteng iron chair.

"So, how was the place?" Nakangiti niyang tanong at sabay naman kaming nag thumbs up tatlo.

"Very nice 'yong place, hats off! Pero parang 'di naman ata 'to camping, Mademoiselle?" Kumurap-kurap si Lynn sabay upo sa tabi ni Leanne. Ipinulupot pa niya mga braso niya sa baywang nito.

"Who said na dito campsite natin?"

Sabay kaming napataas ng kilay.

"Eh, saan pala?" Si Pearl.

"Do you see that white thingy over there?" Tumuro siya sa unahan kung saan nakabandera ang puting tela.

I'm not sure if it's really tela kasi sobrang layo na. It looks like it's been wrapped around a tree trunk.

"Ahh yes, why?" Bulong ko.

"Diyan daan papunta sa magiging campsite natin. Don't worry, manong Bobs and his son, Van, carefully checked the place a month straight so it's guaranteed to be safe."

"Woah!" Sabay na sabi nina Pearl at Lynn. Pati pagpalakpak, sabay rin.

"Iba talaga 'tong president namin, oo. Ikaw na talaga ang aking tunay na lodi." Magiliw na pagpuri ni Lynn na umakto pang nag b-bow sa isang santo.

"Tigil-tigilan niyo ako, ah." Duro ni Leanne sa dalawa. "Nag unpack pa naman talaga kayong dalawa sa guest room. Iimpake niyo uli 'yon tho pwede niyo namang iwan dito ang 'di niyo kakailanganin. Pwede naman kayong bumalik anytime."

"Ansungit talaga kala mo naman pasan lahat ng problema sa mundo." Reklamo ni Pearl saka padabog na umalis, sumunod rin naman si Lynn saka sila sabay na nag cat walk papasok.

Rinig kong humugot ng napakalalim na hininga si Leanne kaya napatingin ako sa kanya.

Pinagmasdan niya lang sina Hyun, Yuri, Jefferson, at Tyler habang nagkakarera sa pag langoy. Pasok sa Olympics mga 'yan noon maliban kay Yuri. Soccer sports niya kaya malamang scorer lang siya diyan.

𝐓𝐡𝐞 𝐓𝐞𝐧𝐭𝐡 𝐝𝐚𝐲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon