DAHNA's POV (The day before the incident)
"FINALLY! DAY OFFFF!" Ungol ni Robert saka nag unat ng katawan.
Kakatapos ko lang din ng reports ko't lahat ng case na hinandle namin, closed na.
"I can't wait to marry my bed, damn!" Rinig kong pagmumura ni Carmela sa kabilang table.
Apakaganda talaga ng talking voice niya, pwede na akong matulog habang pinapakinggan siya.
Papatayo na sana kaming lahat pagkatapos naming mag-ayos nang biglang nag ring 'yong phone ni Vernana na agad niya namang sinagot.
Syempre, lahat kami nakatutok sa facial expression niya't nakasalalay doon kung pwede na ba kaming makauwi o hindi at dahil biglang nagsalubong ang mga kilay niya, lahat kami napabuntong-hininga.
"EMERGENCY!" Sigaw ni Nana kaya agad akong nag signal na i-conference 'yong call sa aming lahat para mapakinggan namin ang bawat detalye.
Agad akong umupo saka nakinig through my hard phone.
"Oo, dalawang bangkay 'yong nakita! Hindi pa matukoy kung sino pero nabanggit ng mga nagbabantay sa lugar na estudyante raw ang mga ito ng Crimson Peak University!"
From the tone of voice, I could tell that it's Kanzo, one of the patrolling men in port 867.
"Okay," rinig kong sagot ni Nana habang sinusulat ang bawat detalyeng sinasabi ni Kanzo simula pa kanina. "And the address?"
"Port 666, Nakayama Island. We need men there, ASAP!"
"Copy! We'll be sending men right away."
Agad na ibinaba ni Nana 'yong tawag sabay contact sa station malapit sa lugar kung saan naka assign si Yin, Top 2 investigator in town next to me.
Mabilis namang rumesponde ang team ni Yin at syempre, dahil lahat kami devoted sa mga trabaho namin, reresponde rin kami just in case kulangin ng man power.
Papasakay na sana talaga ako sa patrol boat nang tumawag ang nanny ni Johanne, anak ko.
She's been rushed to the hospital again. Mahina ang lungs ni Johanne kaya kapag inaatake siya, kahit gaano pa kaimportante ang trabaho, matanggal man ako, siya uunahin ko.
Mabuti naman at sobrang maintindihin ng mga kasamahan at head namin. Inihatid pa nga ako ni Carmela. Naiwan kasi sasakyan ko sa office at nag patrol car lang kami.
"Don't worry; I'll report everything," sabi pa niya bago siya umalis para humabol sa kasamahan namin sa port.
Agad akong dumiretso sa emergency room kung saan ko nakita si Johanne na naka oxygen. She looks fine naman at hindi na siya nahihirapang huminga. Ilang oras lang kami do'n at agad rin namang umuwi.
Bago pa lang kasi 'tong nanny ni Johanne. May sarili naman kaming oxygen sa bahay, nataranta daw kasi siya't 'di niya na mabuksan-buksan no'ng inatake na ang bata.
Ito ang dahilan kung bakit halos every month pabago-bago kami ng nanny. Baka raw kasi sumakabilang-buhay na sila't halos ilang beses sa isang araw inaatake si Johanne.
"Pasensya na talaga, ma'am. Hindi ko naman po kasi akalaing sobrang gagrabe 'yong atake niya ngayon," malungkot na sabi ni manang Luz habang nagsasalin ng tubig sa baso saka ibinigay sa akin; tinanggap ko naman agad.
"It's okay, manang. Ipaghanda mo na nalang ako ng miryenda. Medyo nagutom ako, eh," ngumisi ako para gumaan ang pakiramdam niya.
"Sige po," ngumiti siya ng mapakla. "Babalik po ako agad."
Umalis na si manang at naiwan akong nakatingin sa basong hawak ko. Kitang-kita ko kung paano umalon-alon ang laman nito. Hindi parin nawawala ang panginginig ko simula pa kanina.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐡𝐞 𝐓𝐞𝐧𝐭𝐡 𝐝𝐚𝐲
Mystery / ThrillerDalawang katawan ang natagpuan sa isang tagong mansyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Leanne Nakayama, class president ng Section Paradox. Ang kaso ay tinanggap ng isang sikat na investigator na si Dahna Harris ngunit sa hindi inaasahan, ang explora...