Chapter 2: Arrival

148 128 3
                                    

LYNN's POV

"Is Roux really okay?" Muli akong kinublit ni Angel. Ewan ko kung pangilan na 'to at isang kublit nalang, ibabalibag ko na talaga siya.

"I seriously do not have any idea. Pero alam mo naman 'yun, bigla-bigla nalang nauulol."

Mas lalong sumimangot si Angel at hindi na nagsalita. Hindi ko naman makita 'yong apat. Andito lang naman sina Pearl at Ezra kanina, ewan ko lang kung saan na mga 'yon inilagay ni Lord.

Sabi ni Leanne, 10 minutes lang daw ang byahe papunta sa isla nila pero pakiramdam ko mag-iisang oras na kami dito.

Dumungaw ako sa labas pero agad namang umiwas. Wala akong ibang makita kundi tubig and I swear to god, something's down there na 'wag nalang nating pag-usapan at baka mag collapse ako bigla.

Umiling ako. Sa kakakinig ko sa mga kwento ni Roux, pati ako nauulol na rin.

Roux is really weird for some reason. She believes in supernatural beings and I'm sure kaya siya nagkakaganyan ay dahil ayaw niyang pumunta sa isla.

She once told me about the secret behind that island but lahat ng 'yon, itinanggi ni Leanne. Syempre, si Leanne mas pinapaniwalaan ko kasi sila may ari nun.

Noon kasi--

"We're almost thereeee!"

"AY BWAKANANG SHET!" Hiyaw ko't muntik nang mahulog sa aking kinakaupuan nang biglang may tumili ng pagka lakas-lakas.

"Tangina mo, Roselle!" Duro ko sa kanya.

"Ay sorry, Lynn! Nakikita ko na kasi 'yong island. You know naman na super ganda dun, right?" Maarte at conyo niyang sabi. May pa hawi-hawi pa siya sa buhok niyang kaka-rebond lang ata.

"'Wag mo akong kausapin." Ngiwi kong sabi saka umusog papalayo sa kanya.

"Maganda ba talaga do'n?" Biglang tanong ni Angel.

"Ay, andiyan ka pa pala?" Biro ko pero hindi man lang siya ngumiti. KJ pwe!

"I don't know. Hindi pa naman ako nakapunta do'n. Hindi ko rin nakita 'yong picture na ipinakita ni Leanne last time." Seryoso kong saad at sira humor nitong kasama ko.

Rinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Hindi ko rin nakita, eh, but I wish makarating na tayo agad at kanina pa ako nahihilo."

Umakto pa siyang susuka kaya agad kong tinakpan bibig niya ng panyo.

"Lunukin mo, shet!" Taranta kong sabi.

"Hey! Are you alright?!"

Tumingala ako't napatakom nalang nang bumungad sa harapan namin si Yuri, ang bakla ng taon.

Hindi naman talaga siya bakla kung tignan at dahil ubod ng gwapo at binasbasan ng karisma ang ugag, habulin siya ng mga babae.

Ang cool din kasi ng sense of fashion niya. Hindi rin ako nakakita ng lalaking bumagay sa pink na hair color na wolf cut. May pa choker at shades pa siyang nalalaman. White polo shirt lang din suot niya ngayon black leathered pants at Puma Spectra Thunder.

Napalunok nalang ako't umiling.


"Wala. Umupo ka na dun!" Sita ko pa sa kanya pero nginisihan lang ako ng kumag.

"Ano ka ba naman, love. Si Angel naman kinakausap ko, not you." Mataray niyang sabi sabay abot ng medicine kay Angel.

"Here. You should have taken one beforehand."

Tinanggap ito ni Angel saka sumandal sa akin. Tinignan ko ulit si Yuri at ang shuta, kinindatan ako.

Ugh! I really hate him with all my heart, soul and mind. 'Di ko lang pinapahalata at hanggang ngayon, 'di ko parin tanggap ang nangyari sa amin.

𝐓𝐡𝐞 𝐓𝐞𝐧𝐭𝐡 𝐝𝐚𝐲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon