Chapter 6: The Dragging Game

172 3 6
                                    

FEIN

"ANO HA?!!!" Pinalo ng malakas ni Karol yung teacher's desk habang pinandidilatan ako ng matindi. "Explain!"

Tumingin na lang ako sa bintana at hindi ako umimik. Here we go again. This is that annoying time of the day kung saan kailangan ko na namang magtimpi at makihalubilo kina Karol at Des dahil sa sumpong nila sa akin. Nakakairita na rin pala. Siguro, kung pwede ko lang itulak 'tong dalawang 'to sa bintana, malamang matagal na silang wala sa mundo.

Lumingon ako sa doorway ng classroom. Nandun si Des, bantay na bantay ang pinto habang sinusubukan akong patayin sa titig niya. Hindi ko na lang din siya pinansin. Iba na yung nag-iingat. Baka kasi pag na-provoke ko siya, bigla niya na lang akong tiradurin ng ballpen sa mata. It's not far from the truth really.

Umayos ako ng upo at sinilip ko yung oras sa wrist watch ko. Napabusangot ako. Mag a-ala-una na?!! Shit, siguradong nagwawala na yung lima sa gutom.

I let out a deep sigh (more like a deep annoyance) bago ako yumuko para kunin yung lunchbox ko sa sahig."Pwede bang mamaya na 'to?" Hindi ko na napigilang magsalita. Gutom na ko eh. "Malapit ng matapos yung break oh."

"We don't care if you starve to death here," parang naglalabasan na yung ugat ni Karol sa leeg niya sa gigil niya sa akin. "Explain first kung bakit kayo magkakilala ni Aris. THE Aris Hernandez."

Napatigil ako sa pagkuha ng pagkain ko when I heard his name.

Aris Hernandez.

Kinuha ko yung leaflet na binigay niya sakin kanina then I read his note again.

Later, lunch time, come with me. - Aris

Umiling ako then I resumed in getting my lunchbox. "As I say before.." Ibinalik ko sa bulsa ko yung leaflet. Psssh, bakit ako sasama sa kanya mag-lunch? "Hindi ko siya kilala." Tumayo ako at pinagpag ang palda ko. "Wala kayong mapapala sa akin."

"Don't bullshit us Lariosa," Des chuckled bitterly. "The way you interacted kanina. He stared at you. He stared at you HARD. Gawain ba yun ng strangers huh?"

"Maybe that's his habit?" Umupo ako sa armrest ng upuan ko. "I dunno. Try asking him" I shrugged at them.

"You gotta be kidding me!" Napatayo na si Karol sa inuupuan niya sa frustration. "You're the epitome of average but you're getting all of.....all of these boys?!!! What's wrong with the world?!!"

"Ahhh, so gusto niyo pala ng consultation on how to bait guys?" I taunted them already. Hindi talaga maganda kapag ginugutom ako. "Sana sinabi niyo agad kanina."

"THIS BITCH!" Sabay na sigaw nila sakin. Pinigilan kong hindi matawa.

*tok tok!*

Napatahimik yung dalawa ng biglang bumukas yung pinto. Dumungaw si Roilan, isa sa mga classmates ko, at ngumiti kay Des na nasa tapat ng pintuan. "Uyy Des, nakita mo ba si...." Nagliwanag yung mata niya nung nakita niya ako at hindi ko alam kung bakit. "Ayun! Fein!"

"Ewwww don't talk to me you nerd," sagot ni Des sabay hablot sa shoulder bag niya na nasa upuan sa tapat niya. "Tara na nga Karol, let's eat na. Hayaan mong magsama yang dalawang nerds na yan."

Tumingin si Karol sa akin. She scanned me na parang gusto niya akong balatan. "May araw ka din sa akin Lariosa."

I watched them going away then I smiled ng makalabas na sila ng classroom. Yes, makakakain na rin ako sa wakas!

Lumapit ako kay Roilan ng mabilis then I shook him due to extreme elation. "Grabe Roilan, isa kang bayani! Sinagip mo buhay ko!"

"S-salamat," nagko-cross na yung paningin ni Roilan sa pagyugyog ko sa kanya. "P-p-pero-Na-na-nahihi-lo-na-k-ko." Dagdag niya pa habang nalalaglag-laglag na yung salamin niya.

If Only You Knew (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon