Chapter 9: Levels

24 2 0
                                    

FEIN

Gusto kong sapakin yung sarili ko. Na-realize ko lang kung gaano ako kaarte.

Yung nangyari samin ni Ace dun sa roadway; yung pag-iyak-iyak ko sa mga sinabi niyang totoo naman, and yung kinginang pag-aassume ko na gusto niya ko dahil feeling ko "special" yung trato niya sakin, nakakahiya.

Sino ba namang matured na tao ang masyadong driven ng feelings niya? Na yung inaasahan ng lahat na "intelligent" eh ang immature pagdating sa pag-handle ng feelings niya?

Diyos ko, pag nalaman to ni mama, sigurado papaluin ako nun sa pwet eh.

"PSST HUY FEIN!"

"Ayanakkangnanaymo," Muntik ko ng ma-drop yung hawak kong tinidor. "Ano ba Ace?!"

Tawang-tawa si Ace sa hitsura ko. "Kasi po, kanina pa kita kausap, but you're so zoned out!" Tinuro niya yung pinggan sa harap ko gamit yung hawak niyang kutsara. "Tignan mo nga yang pork chop mo, minurder mo na!"

Nakabusangot kong nilingon yung pork chop ko. Mapagkakamalan na siyang sisig sa sobrang liliit na nung hiwa.

Ngayon pa lang kami magla-lunch, 3 pm na. Kasi 'tong si Ace, gusto pa dito kami sa carinderia nina Ate Bong malapit samin kumain. Masarap kasi mga fried foods dito.

"Eh gusto ko ganyan yung hiwa eh!" Depensa ko sa sarili ko. As if namang lulusot.

"Baka Fein, wag ako."

"Ewan ko sayo!" Sagot ko. "Alam mo na ngang nakatunganga ako nagtatanong ka pa?!"

"Hala, ang init ng ulo?" Nakatingin siya sakin habang hinihiwalay yung fatty portion ng pork chop ko at inilalapag iyon sa plato niya. Then he put his chicken skin on my plate. "Wala naman akong sinabing mag-explain ka."

"Oo na. Sabi ko nga eh shut up na lang ako." Isinubo ko yung chicken skin na nilapag niya sa plato ko. Hahaha, ang sarap asarin ng lalaking to. Minsan ang naive din.

"Ayan ka na naman galit ka na naman."

Well, di ko rin pala masisisi yung sarili ko kung bakit sobra-sobra yung affection ko sa kanya. Kahit kasi yung simple things, tulad nito, alam niyang ayoko ng anything fatty pero mahilig ako sa balat ng manok, natatandaan niya. Ang sarap sa feeling. Lakas maka-VIP.

"Hindi ako galit."

"Weh?"

"Hindi nga!" Ang lala kapitan ng kakulitan nito ni Ace. "Sige mangulit ka pa para maging legit na galit na ko."

Tawang-tawa na naman si Ace.

Isa pa yan sa mga gusto ko sa kanya, yung genuine laugh niya. Yung mga mata niya, nagiging crescent moon. Naniningkit ng sobra. Yung parang wala na siyang nakikita kapag tumatawa siya.

Kunwaring inis na inis ako pero pigil na pigil lang ako. Gustung-gusto ko ng pisilin yung pisngi niya. "Ang saya mo na naman."

Ang ganda talaga ng ngiti niya ugggggh.

"Oo na I will not force you to tell anything." Natatawa niyang pa ring sagot. "Sumabog ka pa dyan."

"Buti naman."

Hanggang ganyan lang ako. Kunwari mataray sa exterior, pero di ko naman kayang magalit ng totoo at matagal sa kanya.

Wala eh, weak ako pagdating sa kanya. Tough as cooked spaghetti. Parang tanga lang.

"By the way," Inubos na ni Ace yung pagkain niya then he drummed his tummy. "Sabay ka ba samin umuwi mamaya?"

"Kanino?.." Nasa half pa lang ako ng kinakain ko. Medyo binilisan ko na kasi ayoko siyang hintayin na naman akong kumain ng matagal. At ang tagal na naming wala sa campus. "..sa inyo nina Trance?"

If Only You Knew (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon