Chapter 7: Hopeless, Mindless

84 2 5
                                        

FEIN

Kinakabahan ako. Sobra.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Eto ako, naglalakad (kinakaladkad) kasama si Ace. Dapat masaya ako diba? Dapat matuwa ako kasi inilayo niya ko sa creeper na si Aris. Dapat nagdidiwang ako ngayon kasi makakakain na ako ng lunch sa wakas. Pero hindi eh. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ni hindi nga ako makalakad ng maayos.

Feeling ko, may nagawa akong mali sa kanya na hindi ko alam kung ano. And he's furious. He's very much freaking mad about it.

"Ace," sinubukan kong kausapin siya habang nakatingin ako sa right wrist ko na hawak niya. "Ace."

Hindi siya sumagot. He just tightened his grip to my wrist.

"Ace," inikot ko yung braso ko para bahagyang lumuwag yung grip niya sa wrist ko. Hindi naman masyadong mahigpit yung kapit niya na nasasaktan ako pero hindi ako komportable sa pagkakakapit niya sa akin. "Kausapin mo nga ako ano bang--"

"Shut up I'm mad at you."

Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. He looked at me with a blank face. A blank face. Blankong mukha. Bigla akong kinilabutan na ewan. Ngayon ko na lang uling nakitang ganito ka-walang ekspresyon yung mukha niya. Gods, I think I really f*cked up.

He resumed walking and he kept dragging me hanggang sa dumating kami sa tapat ng pedestrian lane. Binitawan niya ang kamay ko habang naghihintay kami na mag-red light at makatawid sa kabilang kalsada.

"You said you don't know him." Biglang nagsalita si Ace out of the blue. He's tapping his right foot with his hands on his pockets habang nakatingin sa kabilang kalsada. "Sabi mo di mo kilala si Aris."

"Hindi nga!" Sagot ko agad. Nasa likod niya ako, "Alam ko yung pangalan niya oo, pero hindi ko kilala kung sino siya! He knows me, but I don't know him!"

"So wow," bitter chuckles can be heard while Ace talks. "Sumasama ka na ngayon at ipagpapalit mo yung lunch mo kasama yung bestfriends mo sa taong hindi mo kakilala?"

"He dragged me there!"

"Yeah right. Kaya pala nung nakita mo kami nina Trance sa tapat ng room, nagpakaladkad ka lang ka sa kanya?"

I clenched my fist. Bigla akong nainis. Hindi ko alam. Wala sa lugar na mainis ako. Tama si Ace sa lahat ng sinabi niya eh, pero naiinis talaga ako.

"So anong pinapalabas mo," pumunta ako sa harap niya and I gazed at him madly. "Kaladkarin ako?

"Don't twist my words, wala akong sinabing ganyan."

"You're implying it." My hands are trembling.

"Wag mo kong sabayan ng galit Fein alam mong ako lang dapat yung nagagalit sayo ngayon."

"Eh ano ba kasing ikinagagalit mo?!!" Napabulalas na lang ako. Nakakabanas eh. Ang dami pang sinasabi, hindi na lang ako diretsuhin kung anong problema niya sakin.

"MUNTIK KA NG MAPAHAMAK SA LALAKING YUN FEIN, DON'T YOU UNDERSTAND?!!!" He erupted like a mad volcano in front of me. "PAANO KUNG WALA AKO DUN AT ININOM MO YUNG MILK TEA NA YUN AND YOUR ALLERGY WAS TRIGGERED? FOR CHRIST'S SAKE FEIN ALAM MO KUNG ANONG MAKAKABUTI AT HINDI SAYO!! SAYANG YUNG TALINO MO PLEASE GAMITIN MO NAMAN OUTSIDE ACADS YAN!!!"

Napatitig lang ako sa kanya while he's looking at me like a blasphemy. Nag-red na yung traffic light at nagsimula ng magtawiran yung mga tao sa tapat ng pedestrian lane.

"Everything you did was wrong." Pinipilit ni Ace na huminahon pero galit pa rin ang boses niya. "I have the right to be mad at you. Every right."

Wala akong masabi. Tumitig lang din ako sa kanya. Hindi ko inasahan, pero biglang may tumulong luha sa mga mata ko. Ang weird. Hindi ko alam kung ano yung nangingibabaw na dahilan kung bakit ako naiyak. Dahil ba nasaktan ako sa katotohanan sa mga sinabi ni Ace, dahil ba hindi ko maipagtanggol yung sarili ko, o dahil disappointed ako sa sarili ko dahil nagawa kong galitin ang pinakamabait na taong nakilala ko sa buong buhay ko.

If Only You Knew (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon