FEIN
Kumurap ako ng maraming beses. Nasa harap ko pa rin siya. Di nga ako namamalikmata. It's the coat guy.
Hawak-hawak ni coat guy yung backpack niya sa balikat niya habang may subu-subong Stick-O sa bibig niya. Nakatingin lang siya sa akin.
"Anong ginagawa mo?" Monotonous na tanong ulit niya habang nginunguya yung Stick-O na nasa bibig niya. May mga wafers pa na nahuhulog sa sahig habang nagsasalita siya.
Napa-facepalm na lang ako. Wrong timing naman 'tong lalaking to.
"Pwede mamaya na please," sinagot ko siya ng sobrang hina dahil baka marinig kami nina Ace na nasa loob ng piano room. "Kung yung coat mo yung hinahanap mo dala ko-"
"Anong sinisilip mo dito?" walang pakundangang sumilip si coat guy sa bintana habang kumakain ng Stick-O. Anak ng tokwa, makikita kami ni Ace at nung babae dito!
"Wag kang tumingin!!" Hinatak ko yung braso ni coat guy papunta sa other side ko kung saan di siya kita at hinarangan ko siya. Sumilip ako ng saglit sa bintana para tignan kung nakita kami nina Ace. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi nila kami napansin.
Humarap ako kay coat guy at tinignan ko siya ng masama. Kinuha ko yung coat niya na nilabhan ko kagabi na nasa bag ko na hindi inaalis yung titig ko sa kanya. "Eto yung kailangan mo diba?" Inabot ko sa harap niya yung coat niya. "Kunin mo na to at umalis ka ng tahimik kung--"
"Diba si Elizalde yun?" Hindi pinansin ni coat guy yung coat niya na hawak ko and he talked to me with his stoic face. "Yung nasa Eros?"
"Kunin mo na to please at--"
"And isn't that a girl?" Kumuha si coat guy ng panibagong stick ng Stick-O at kumagat doon. "I thought that Eros guy doesn't have a girlfriend?"
Napa-irap na lang ako. "Wala siyang girlfriend. At please kunin mo na--"
"Oh I see." Sinubukang tanawin ni coat guy sina Ace pero itinulak ko siya pabalik sa pwesto niya. "And you really know lots of things about that guy."
"Umalis ka na lang please kung--"
"Are you perhaps eavesdropping to them talking that's why you're here?" The coat guy looked at me then he took a bite on his Stick-O.
Napatigil ako sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya and I clenched my fist.
"Did I ring a bell?" The amusement can be heard on his voice. "You're really eavesdropping to them?" Sumandal siya sa pader then he looked at the ceiling, chuckling. "Damn I meant that as a joke but you really are eavesdropping to them."
I tried to regain my composure then I looked at him. "So what? Do you care?" Hinagis ko yung coat niya sa kanya. "Can you just please go away? Mind your own life for pete's sake."
Sinalo ni coat guy yung coat niya then he sat on the floor. "Nope. Ayoko pang umalis."
Napapikit ako sa inis sa sagot ni coat guy. "Ay talaga namang--"
"Pag pinaalis mo ako dito, mag-iingay ako and I will tell to that guy that you are eavesdropping to them."
Napabuntung-hininga na lang ako dahil sa frustration. Bakit ba nangyayari sa akin to Lord?
Umupo ako sa sahig gaya ni coat guy in an indian seat position. Relax Fein, relax. Stop yourself from punching a guy in the face.
Pinagpag ni coat guy yung Stick-O flakes na nasa damit niya. Wala ng nagsalita sa aming dalawa. Tahimik naming pinakinggan yung confession ng babae kay Ace.
BINABASA MO ANG
If Only You Knew (ONGOING)
टीन फिक्शनFein has a masochistic habit of eavesdropping in every confession his bestfriend Ace receives.
