Chapter 1: Subtleties

283 12 3
                                        

FEIN

I have always associated Feelings to Fire.

Sa una, kapag kauusbong pa lang nung apoy; yung tipong kasing laki lang pa lang siya ng sindi ng kandila, it's still manageable. Nandyan siya oo, pero kaya mo pang kontrolin. It's never a threat. Existing lang siya. 

Parang pagmamahal. 

You can kill and stop it at first because it's just starting and harmless. Nararamdaman mo, pero hindi pa alarming. Nasa sayo yung desisyon. It's kung papatayin mo na agad yung feelings para di na lumaki, or hahayaan mo lang muna na maramdaman mo, because you can't deny it, it actually feels good.

You're fortunate if you end up doing the first option on time. Pero, when you chose the latter and said to yourself na "Ah sige hayaan ko lang muna to. Di naman siguro ako ipapahamak nito"and then it starts to grow bigger and consume your heart and mind, you have no choice but to be burned. You cannot stop it. You cannot do anything about it. Magpapadala ka na lang. Magpapatupok ka na lang.

The great thing is, fires don't occur on its own. It needs something to trigger it out. A fuel for instance. 

There are good fuels, like, if yung nagustuhan mo, gusto ka din. We all want that. Yung nag-cause ng fire inside us, ng feelings, to feel that way, we do the same way to them. Mutual yung feeling. It's bliss and comfort.

Pero hindi laging ganun eh. There are fuels that will come just to clench someone's heart into pure agony. Na, imbis na yung feelings mo for that person ay ma-enjoy mo, you just can't because you're continuously asking yourself: "Hindi dapat to eh. Hindi pwede. Bakit ko ba siya nagustuhan? Bakit sa kanya?" Sa iba't-ibang dahilan.

Malas. Karamihan ng tao sa ganyan humahantong. Yung pwede mong i-equate yung pain sa blisters and burns na dulot ng nagngangalit na apoy. Ang tagal mawala, ang hirap maka-recover. Solid na solid yung damage. Ang tangi mo na lang magagawa ay magdasal na sana humina ito at umasang mamamatay sa paglipas ng panahon.

Why am I saying this? Kasi nararanasan ko siya ngayon; yung painful, torturing, wrongly-grown feelings. What's scary is, mas lalo pa itong lumalakas. Masyadong malakas na konti na lang, lalamunin na ako ng buo.

I had been burning for a long time. And I don't think it will die down anytime soon.

*

"Hoy Lariosa," Inangat ko yung ulo ko mula sa pagkakahiga sa armrest ko. 

Nakita ko si Des at Karol, yung dalawang maarte kong classmate. Nakatayo sila sa tapat ng mga upuan nila habang bitbit na yung mga gamit nila. 

Eto na naman sila. Same old crap.

"Ba't nandito ka pa? Magpapacute ka na naman dito?"

Tinignan ko lang sila. Mga 10 seconds. Tapos umiling ako. Tumaas yung kilay nilang dalawa. Ihiniga ko uli yung ulo ko sa armrest ko. 

"Please," ang bitchy ng buntung-hininga niya. "Of course, she's making pasikat na naman to our teachers by studying here after class. She's such a straw nerd like eeew."

Straw nerd? As in sipsip? Wow, bagong insult for the month.

Umirap na lang ako sa sarili ko habang patuloy sa pagdada si Des at Karol ng kung anu-ano na pinapadaan ko na lang sa tenga ko. Daily routine na nila yung panlalait at paninira ng araw ko. Lahat na ata ng negative adjectives naitapon na nila sa aking dalawa. Filipino, English, Mandarin (Chinese si Karol), beki language, pati conyo speak - you name it.

Masakit? Noon oo. Pero ngayon wala na. 

Sabi nga ng isa kong friend i-report ko na daw tong dalawa sa guidance counselor kasi bullying daw yung ginagawa nila sakin. Wala, hinayaan ko na lang din. Una, hindi naman ako affected sa pinaggagagawa nila. Mas nag-aalala nga ako sa kanilang dalawa. Mga hindi ata tong mga to napapansin sa bahay nila kaya ako na lang ang pinagdidiskitahan. At pangalawa, ayoko ng dumaan sa case and school hearings. Ang hassle.

If Only You Knew (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon