Chapter 2: Trepidation

157 7 2
                                        

FEIN

This can't be it.

Tumakbo ako. Sobrang bilis. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng adrenaline at mga paa ko pero wala akong pakialam. Kailangan ko lang makaalis agad sa lugar na to. Pupunta ako kahit saan. Kahit malayo.

Hindi ako pwedeng makita ni Ace. Hindi niya akong pwedeng abutan.

Ano na lang yung sasabihin ko kapag inabutan niya ako? Kapag nalaman niya na all this time, I had been caring about him receiving tons of confessions? Hindi pa ako handa. Ayoko pang malaman niya na may iba akong nararamdaman sa kanya. I can't destroy our friendship.

Lumiko ako sa unang staircase na nakita ko at mabilis na tumalon sa mga hakbang noon. Hinawakan ko ng mahigpit yung orange juice na iniinom ko at yung phone ko na nag-ring kanina.

Kinakabahan ako. The hell, being nervous is not enough to explain what I am feeling right now. I am beyond agitated. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko. It's too scary. Para akong kino-consume ng puso ko sa sobrang kaba.

Tensyonado kong tinatanaw ang bawat room na nadadaanan ko, naghahanap kung saan ako pwedeng magtago at magpahinga. Nagpapanic na ako. Lahat may tao. I know in any minute, bibigay yung mga paa ko dahil sa fatigue.

Hindi pa nakatulong sakin na pinagtitinginan ako ng bawat estudyante na nadadaanan ko sa pagtakbo ko. May ibang parang nagja-judge, may iba ding parang takang-taka sa pagtakbo ko. Iniisip siguro nila na mukha akong tangang tumatakbo sa gitna ng hallway na parang hinahabol ng multo. Itinago ko na lang yung mukha ko sa buhok ko.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo pero ilang segundo lang, nagsimula ng manginig ang mga paa ko. Napakagat ako sa labi ko. Bibigay na ako.

I let out a deep sigh and I eyed the last room in this floor. Kakapalan ko na yung mukha ko. Dun na ako papasok. Bahala na kung may tao.

Ibinuhos ko na yung natirirang lakas ako at mabilis na tumakbo sa huling room na nakita ko. Hinawakan ko pa ng mas mahigpit yung orange juice at phone na hawak ko at agad na pumasok sa loob ng sa last room pagkatapat na pagkatapat ko doon. Mabilis kong isinara ang pinto ng room at kaagad akong sumandal doon pagkasara nito.

Nilibot ko yung tingin ko sa buong room. Walang tao. Nakahinga ako ng bahagya. Buti naman. I'm extremely panting and my hair is sticking everywhere. Nakakahiya kung isang buong klase yung makakakita sa akin na ganito yung hitsura ko.

Napaupo ako sa sahig sa sobrang pagod. Magpapahinga muna ako ng saglit dito. 1:30 p.m naman yung resume ng klase sa campus. Aalis na din ako bago pa dumating yung---

"Ah miss," may mahina at monotonous na boses na nag-echo sa classroom. "yung juice mo tumatapon sa palda mo."

Napatingin ako kung saan nanggagaling yung boses. It's behind the last row of the seats. May tumayong lalaki na nagkukusot ng mata niya. Bagong gising ata.

Teka, may tao dito?

"Miss," tinuro niya yung palda ko. "Basang-basa ka na. Yung juice mo." Ulit niya sa akin.

Napatingin ako sa palda ko. Nanlaki yung mga mata ko. Basang-basa na nga ako dahil sa orange juice ko. Masyado na palang mahigpit yung pagkakahawak ko hindi ko alam na lumabas na lahat ng juice dun sa straw. Binitawan ko yung karton ng orange juice.

Kaya siguro ako pinagtitinginan ng mga tao kanina sa hallway ay dahil dun sa orange juice na tumatapon na sa palda ko. Wow, kahit kailan ang tanga mo talaga Fein!

Sinubukan kong alisin yung stain ng orange juice gamit yung panyo ko. Habang pinupunasan ko yung palda ko, napatingin ako dun sa lalaki. Nakatingin lang siya sakin. His face is stoic.

If Only You Knew (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon