Naglalakad si Ace sa gitna ng hallway. Tanging ang mga hakbang niya, ang pagtama ng gitara nya sa likod niya, at ang paghinga niya lamang ang pumupuno sa katahimikan ng pasilyo dahil wala pang estudyante sa kasalukuyan. Masyado kasi siyang maagang pumasok sa school ngayong araw.
"Uwaaaa~~" Pagdating na pagdating ni Ace sa tapat ng locker niya, walang pag-aatubili siyang nag-unat at humikab ng malakas. "Waking up in an ungodly hour is sure stressful." He fetched his locker keys in his pocket while leaning his guitar to the wall.
Habang binubuksan ni Ace ang locker niya, bigla niyang naalala ang nangyaring confession kanina sa piano room.
.......
"I'm too busy with the band. And my academics and other activities are also consuming my time greatly kaya hindi muna talaga pwede sa ngayon. I'm very sorry."
"B-but I can manage Ace. Okay lang sakin kung busy ka. I'm not demanding."
"It's not just about time Hannah. I'm sorry pero hindi ko mare-reciprocate yung feelings mo. I only see you as a friend."
"W-why?" Sumikip ang dibdib ni Ace nang makita niyang tumulo ang luha ng babae sa sagot niya.
Tin-ap ni Ace ang ulo ng babae. "You're awesome Hannah. I really think you are. Pero hindi ako yung para sayo. We can be friends though. Friendship lasts the longest, right?"
Napatingin ang babae kay Ace then she tried to smile. "Bakit ba kasi ang gwapo, talented, tsaka ang bait mo?"
Napangiti na lang si Ace sa kanya.
.......
Binuksan ni Ace ang locker niya at kinuha ang mga libro niya para sa first at second class. Inilagay niya iyon sa bag na nasa balikat niya at agad niyang ni-lock muli ang locker niya.
Hindi alam ni Ace kung matutuwa o malulungkot ba siya sa tuwing makakatanggap siya ng mga confessions sa iba't-ibang paraan. Of course it's a natural feeling na matutuwa siya at ma-ooverwhelm dahil may mga taong nakaka-appreciate sa kanya at sa ginagawa niya. Pero hindi niya mai-aalis sa sarili niya na mas kinakain siya ng guilt at lungkot sa tuwing maiisip niya na nakakasakit siya ng feelings ng ibang tao sa tuwing sinasagot niya ang confession nila ng rejection.
Kaya nga kahit na anong kundisyon ng mga nagtatapat sa kanya, tulad ng babaeng nagtapat sa kanya sa piano room kanina na nagsabing magkita sila sa pagka-aga-agang 6 a.m, pumapayag siya. Never siyang hindi sumipot at tumanggi sa mga taong nagco-confess sa kanya, dahil para kay Ace, gusto niyang suklian ang effort at attention na ibinibigay sa kanya ng mga nagtatapat sa kanya sa maliit na paraan.
Kinuha ni Ace ang gitara niyang nakasandal sa pader at nagsimula uli siyang maglakad papunta sa classroom niya.
"May tao na kaya sa room?" Tanong ni Ace sa sarili niya habang tinitignan ang oras sa wrist watch niya. "Masyado pang maaga. Wala pang tao dun malamang."
Mabagal na naglakad si Ace sa hallway. Nang papalapit na siya sa classroom niya, natanaw niyang bukas na ang pinto ng classroom. "Teka may tao na?"
Bahagya niyang binilisan ang lakad niya papunta sa room niya. Nang marating niya na ang tapat ng pintuan ng classroom, napangiti siya sa nakita niya. "Ang aga natin ah."
Hindi siya nilingon ni Fein na kasalukuyang nagbabasa ng libro sa desk niya. "Ang aga natin, you mean, ang aga mong pumasok. Lagi naman akong maaga sa school."
Naglakad si Ace papasok sa classroom at umupo siya sa upuan niya sa tabi ni Fein. "How judgmental. Parang ngayon lang ako pumasok ng maaga sa klase ah."
BINABASA MO ANG
If Only You Knew (ONGOING)
TeenfikceFein has a masochistic habit of eavesdropping in every confession his bestfriend Ace receives.
