Chapter 11

68 5 0
                                    

Masagana rin ang hapunang ipinahanda ni Harvey sa dining room. Malakas na ang hangin at ulan sa labas.

Pagkatapos kumain ay hindi natupad ang inaaasahan niyang magkukuwentuhan pa sila ni Harvey. Lumabas ito ng mansiyon. 

Mayroon daw problema sa farm kaya kailangan nitong umalis kahit malakas ang ulan at hangin sa labas.

Brown-out na rin doon pero may generator sa mansiyon na siyang nagbibigay ng power kaya may ilaw pa rin kahit malakas ang bagyo.

Hindi siya agad bumalik sa kuwarto niya. Nakipagkuwentuhan siya kay Aling Nora habang naghuhugas ito ng pinagkainan nila. "Hindi ho ba delikado na magpunta sa farm? Gabi na po tapos malakas pa ang ulan at hangin." Kinakabahan siya para kay Harvey.

"Sanay na si Harvey. Pero delikado talaga mag punta sa farm. Hindi naman magpapapigil 'yon kapag alam niyang may problema. Dito niya nagamot ang sugat ng puso niya dati." lintya ni Aling Nora.

"Sugat ho sa puso? Ano po 'yon?" takang tanong niya.

Tinakpan ni Aling Nora ang bibig nito, pagkuwa'y nagsalita. "Hay naku...kadaldal ko talaga. Eh, kasi...kaya napunta rito sa Pindasan Mabini 'yang si Harvey ay para kalimutan ang kabiguan sa pag-ibig." Luminga muna ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. Nang masigurong walang nakakarinig sa kanila ay bumulong ito. "Ako lang ang nakaka-alam nito sa lahat ng mga kasambahay rito. Huwag mong sasabihing ikinuwento ko sa iyo, ha?"

Tumango siya bilang sagot.

"Dapat ay ikakasal na 'yan sa Cebu. Yung first girlfriend niya, nakipagtanan sa ibang lalake. Matagal din niyang hindi naka-move on sa babae yun. Ibinuhos niya ang oras at panahon sa pagpapalago ng farm niya. Hanggang sa naging malapit nga sila ni Alice sa isa't isa. Akala nga ng mga tagarito ay sila ang magkakatuluyan pero iba pala ang gusto niya." Nginitian siya ni Aling Nora. "Alam mo ba kung sino ang unang babaeng nagpatibok sa puso niya pagkatapos ng paghihiwalay nila sa ex niya?"

Napalunok siya at umiiling. "S-sino raw ho?"

"Syempre ikaw, Kourtney. Unang beses pa lang na nakita ka ni Harvey, nagustuhan ka niya. Iyon nga lang batang-bata ka raw pero pagkatapos na makita ka niya, agad niyang sinabi sa akin na nakita na niya ang babaeng pakakasalan niya." kinilig na saad ni Aling Nora. "Kailangan nga lang daw na hintayin ka niyang magdalaga. Nang nalaman niya na pumunta ka pala sa America kaya hindi ka niya naligawan. Tapos, nabanggit niya na para daw iniiwasan mo siya. Tapos...si Alice nga... yong auntie mo... siguro nama'y alam mo ang balita..." Tila nag-alangan si Aling Nora na ituloy ang kuwento. 

"Alam ko po. Tanggap na rin po ni Auntie na hindi siya gusto ni Harvey." she said.

"Ikaw ba iha? Hindi mo ba gusto si Harvey?" tanong nito sa kanya.

Nag-init ang mga pisngi niya sa diretsahan tanong ng matanda. 

"Napakadaldal ko talaga. Pasensiya ka na sa akin, Iha."

Nginitian na lang niya ito.

"Basta... kung kay Sofia din lang, ang gusto ko'y ikaw na ang maging girlfriend ni Harvey."

Maganda ho ba si Sofia?" tanong nya.

"Ewan ko ba kung magandang maituturing 'yon. Halos hubad na kaya kung magdamit ang isang 'yon. Daig pa ang sexy dancer sa bar. Aba'y puwede namang maging sexy na hindi inilalabas ang hindi dapat makita." Sinipat siya nito. " Gaya mo. Ang seksi seksi mong tingnan kahit hindi nakaluwa ang dibdib mo at nakalabas ang puwet."

Ngumiti lang si Kourtney. She wondered what things Harvey and Sofia did when the woman was there. Ipinilig niya ang ulo niya.

Nagpatuloy si Aling Nora sa pagku-kuwento. "Naiinis ako sa Sofia na 'yon. Akalain mo ba namang minsang naglinis ako sa kuwarto ni Harvey ay pumasok yang si Sofia at pinakialaman 'yong heirloom na kuwintas ng mama ni Harvey na nasa drawer? Sa kanya raw mapupunta 'yon."

We Found Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon