Wakas

128 4 1
                                    

Apat na linggo nang nasa America si Kourtney. Apat na linggo na ring wasak at durog ang kanyang puso.

Nang makausap niya sa telepono ang Aunt Alice niya, ikinukuwento nito ang tatlong beses na itong lumabas kasama ang Italyanong friend ng Mommy niya. 

Nasisiguro niya na tuluyan na itong naka-move on nito kay Harvey. Iyon ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya para mag-open up na rin dito.

Natuwa ito sa ipinagtapat niya at tanggapin niya ang anumang pagsubok ng pakikipaglabang iyon.

Pero paano niya gagawin iyon samantalang apat na linggo na ngang hindi nagpaparamdam si Harvey samantalang alam nman nito ang cellphone number niya?

Kabaliwan ang umaasa sa wala. Kung importante siya kay Harvey, dapat sana ay may ginawa na ito sa apat na linggo nagdaan.

If he was interested in her. Kaya kailangang tapusin na niya ang kahibangan nya.

She should stop thinking of him. Sa isang linggo ay nakatakda siyang bumisita sa Thailand. Magtatagal sya nang ilang linggo doon.

Kung walang magiging problema SA printing ng Magazine nila, baka mas magtagal pa sya roon. Uuwi lang sya kapag magla-launch na.

Enough of Harvey. Gusto sana niyang burahin sa mga alala at camera nya ang mga larawang kuha nya sa sanctuary pero hindi naman nya magawa.  Hindi nga nya alam kung bakit.

Habang palapit sa bahay nila, napansin ni Kourtney ang lamborghini aventador na nakaparada sa tapat ng gate nila.

Habang palapit sa bahay nila, napansin ni Kourtney ang lamborghini aventador na nakaparada sa tapat ng gate nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi pamilyar sa kanya ang sasakyan. Marahil ay may kamag-anak silang bumisita.

Nang maipasok niya sa garahe ang kanyang kotse at makita nya ang  maid nila si Karmina ay tinanong niya ito. "Karmina, sino'ng bisita nation?"

"Si Harvey daw, te." Kilala ni Karmina dahil nagkita na ang mga ito minsan sa ospital noong naka-confine si Aunt Alice. "Kararating lang din ho nya. Pinatuloy ko na ate kasi kilala ninyo naman siya."

Biglang bumilis ang kanyang puso. Napabilis ang hakbang niya papasok sa main door.

Lumingon si Harvey nang mamalayang may pumasok sa pinto. Nang makita sya ay agad itong tumayo.

He was handsome as hell. Mukhang haggard nga lang ito ngayon at ilang araw nang hindi nag-aahit.

Damn! She missed him so much. Nanlambot ang kanyang mga tuhod habang palapit dito.

Nang magkaharap sila ay kinailangan muna niyang huminga nang malalim bago sya nakapag-salita. "Why are you here?"

Pinakatitigan sya nito. "Nagpunta ako rito para liwanagin sa iyo ang mali mong akala." Nagbaba't taas ang Adam's apple nito.

"As far as I remember hindi mo na kailangan magpaliwanag sa akin."

"I need to explain to you that wala kaming relasyon ni Sofia. Hindi ba't sinabi ko sa iyo na kaibigan ko lang sya."

We Found Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon