Chapter 6

91 6 0
                                    

Nagpasalamat si Kourtney pati na ang mommy at daddy niya na pumayag si Aunt Alice na halip sa Mabini ito tumuloy pagkatapos lumabas ng ospital ay sa bahay muna nila sa Manila ito manatili.

Kailangan kasi na bumalik ito tuwing ikalawang araw sa doktor para sa check-up at therapy nito. Pumayag na rin itong sumama sa mommy niya para magbakasyon sa America. Isasama rin din ito ng mommy niya sa Japan at New York kapag tuluyan nang magaling ang mga binti nito.

"Mabuti naman at pumayag kayong sumama kay Mommy sa America, Auntie. Matagal na namin kayo niyayayang magbakasyon doon pero ayaw niyo." masayang sabi ni Kortney habang kausap ang tiyahin sa veranda ng guest room kung saan ito tumutuloy. "And I'm glad na binibigyan na ninyo ng panahon ang sarili ninyo." dagdag pa niya.

"Naisip ko na mas mabuti nga sigurong lumayo muna ako. Baka makalimutan ko na rin ang kabaliwan ko kay Harvey." pakli nito bago binuntutan ng tawang walang sigla. "Besides, with your parents and you around, paano pa ako makakapagreklamo?" 

Hindi siya kumibo. Mahal talaga niya si Aunt Alice kaya ayaw niya itong nasasaktan.

"Kourtney, kapag nasa America ako, dalaw-dalawin mo ang farm, ha? Malapit nang mag-ani ang mangga. Si Cardo ang katiwala ko roon. Sa kanya ka makikipag-coordinate. Nakausap ko na siya sa telepono noong isang araw. Sinabi kong pupunta ka roon paminsan-minsan."

Tumango na lang siya.

"Naikuwento mo na kailangan mo ng pictures ng mga hayop at insekto para sa magazine ninyo, marami sa Mabini. Doon ka na kumuha ng ibang litrato."

Tumango uli siya.

"Sa pagkakaalam ko, may zoo sa Mabini na kino-co-manage ni Harvey. Puwede kang pumunta roon."

"H-hindi na po siguro, Auntie."

Wari'y nahalata ni Alice ang pag-iwas niyang mapag-usapan si Harvey. Iniba nito ang ang topic. "Sa makalawa na ang alis namin ng Mommy at Daddy mo." aniya. "Alam mo bang biniro ako ng daddy mo?"

"Tungkol ho saan?" tanong niya.

"May ipapakilala raw siya sa akin na Americano na kasama niya sa trabaho. Malay mo, magustuhan ako. Divorce daw iyon, eh. Halos kasing-edad ko."

Ngumit siya. "Maraming magkakagusto sa inyo Auntie." 

Ngumiti rin ito. "Yong pangako mo na palaging dadalawin ang farm, gawin mo, ha? Kapag nahanap ko ang soulmate ko sa America at nagustuhan kong manatili roon, baka hindi na ako bumalik dito."

Nakatingin lang siya rito

"Ikaw lang ang nakakaalam ng tungkol kay Harvey. Kourtney,"

Tumangu-tango siya.

"Salamat na hindi ka na-weirdo-han sa kalokahan ng auntie mo. Malay ko bang ang pinapantasya kung lalaki ay ikaw naman pala ang gusto. Weird talaga ang pag-ibig."

"W-weird nga po."

"And you? Wala pa bang nagpapatibok ng puso mo?" tanong ni Aunt Alice sa kanya.

"Bata pa po ako, Auntie." sagot niya.

"Alam ko pero kapag na-inlove ka, huwag kang magdadalawang-isip, ha? Tingnan mo ako, kahit alam kung nasasaktan ako, sige lang nang sige. Ang importante, sinubukan mo."


_____


Author's Note: I'm back Babies Ko! Pasensya na kayo kung ngayon lang ako nakapag update. Super duper dami ng module ko. 

Pasensya na kayo kung maikli ang chapter 6 ko... Don't worry, I will assure you na hindi kayo mabibitin sa story nato :)

Medyo mabagal lang talaga akong mag-update hihi.

We Found Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon