Chapter 12

71 5 0
                                    

Higit sa inaasahan ni Kourtney ang nasalanta ng bagyo. Sa lanai kinaumagahan habang kumakain sila ng almusal ay ibinalita ni Harvey sa kanya na imposibleng makaalis siya dahil bawal dumaan palabas ng farm.

Marami raw mga nakatumbang puno at poste ng kuryente sa daan bukod pa sa mataas na tubig sa ilang baryong daraanan niya patungo sa lugar ng Tito niya dahil sa flashflood. Nagpakawala raw ng tubig ang ilang dam.

"Mabuti na lang at hindi directly hit ang Mabini. Mataas ang lugar na ito kaya hindi binabaha. Ang problema, ang mga nakapaligid na bayan, lubog na lubog sa baha." Harvey said.

"Ganoon ba? Ilang araw daw bago puwedeng bumiyahe?"

"Three or four perhaps. So, can't do anything but be used to a provincial life habang narito ka."

"Kailangan kung dalawin ang farm ni Auntie. Dapat ay mag-aani na sila ng mga prutas. Kailangang makausap ko yung nag-babantay ng farm ni Auntie."

Ngumiti ito sa kanya. "Sasamahan kita mamaya doon para makausap mo siya."

Parang hinaplos ang puso niya sa narinig. "R-really? Baka busy ka pa dito?"

"I'm not busy, Kourtney."

"T-thank you."

Mas lumapad ang pagkakangiti nito. "You're always welcome, Kourtney."

"Kung...kung magtagal ako ng ilang araw dito, okay lang bang dito ako mag-stay? Baka nga hindi agad makabalik si Aling Mina."

"You can stay here as long as you want." 

Even for the rest of my life?  Muntik nang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig niya.

Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili.

"K-kailangan ko rin kasing kumuha ng litrato ng iba't ibang hayop at insekto para sa magazine namin," pagbabago niya ng topic dahil naiilang siya

"You're in the right place. Kung insekto at mga hayop ang hanap mo, sasamahan kita sa sanctuary."

"Sanctuary?" Iyon marahil ang sinabi ni Aunt Alice sa kanya.

"May animals, insects and birds sa sanctuary na nasa pinakadulo ng farm. Actually, project iyon ng mayor ng Mabini." 

Totoo pala ang sinabi ni Aunt Alice. Maraming bagay siyang natuklasan tungkol kay Harveyang nakakapagpamangha sa kanya. "Hindi ba naapektuhan ng bagyo ang sanctuary?"

"Thank God, hindi naman. Maganda na ang sikat ng araw. When do you want to go?"

"Ngayon na, pagkatapos nating dalawin ang farm ni Auntie." She had never been so excited sll her life.

Kaswal ang naging usapan nila ni Harvey habang nagmamaneho ito. Sinabi nitong saglit sila sa farm nito bago pumunta sa farm ni Aunt Alice.

She asked questions about farming na sinagot naman nito nang maayos.

Nang papasok na sila sa  Villamonte Farm ay nakita niya ang maraming trabahador na nagsisimula na ng mga gawain. Malawak na malawak ang palayang nadaanan nila.

"Malaki ang farm mo."

He just smiled. "This land is four hundred hectares." May itinuro ito. "Sa pinakadulo sa kanan, doon ang lupa ni Alice na ibinigay niya para sa foundation." Maaliwalas ang mukha nito nang sumulyap sa kanya. 

"Talaga ba?" tanong niya.

 Tumango lang ito. "Sabi ko kay Alice, sa lupa ko na itatayo ang orphanage, hindi siya pumayag. Gusto niya, sa lupa niya. Ako na lang daw ang sumagot sa construction. I hope you will come here often kapag nakatayo na ang orphanage."

"Mas malapit lang naman ang bahay ni Auntie dito. Kaya walang problema."

Ngumiti ito. "Mas mai-inspire ako sa project na iyon kung ganoon."

Pinilit niyang ignorahin ang sinabi nito kahit nag-iinit ang mga pisngi niya.

Hindi niya akalaing magiging ganoon kagaan ang pangalawang araw niya sa poder ni Harvey.

Sunod nilang pinuntahan ang mmanggahan ni Aunt Alice. Pagkatapos  makipag-usap kay Mang Cardo at sa iba pang trabahador ng farm ay sinamahan na siya nito sa animal and insect sanctuary ay namangha si Kourtney sa natunghayan niya.

Walang mag-aakala na may ganoon ka-gandang sanctuary ng mga hayop at insekto sa lugar na iyon. Pati mga halaman sa kapaligiran ay napakaganda.

Ang mga makukulay na paruparo at tutubi ay animo mga munting dahong lumilipad sa kapaligiran. 

Hinayaan lamang siya ni Harvey habang nag-i-enjoy sa pagpindot sa shutter ng camera niya.

Hinayaan lamang siya ni Harvey habang nag-i-enjoy sa pagpindot sa shutter ng camera niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gusto niyang mapaiyak sa tuwang nararamdaman niya ngayon. Wala siyang kapaguran. Bawat anggulo ay binigyan niya ng kapaguran.

Ni hindi niya alintana ang init ng araw na halos pumaso sa balat niya. Matiyagang sinamahan siya ni Harvey sa buong sanctuary.

She was fascinated in a shot she did with Harvey and a monkey in his shoulder.

It was snap shot but it was vey beautiful. Hindi alam ni Harvey na nakuhaan niya ito.

Parang sinadya an aktong iyon. Habang nasa balikat nito ang unggoy ay may mga aso, pusa, kabayo at iba pang unggoy na nakatingala sa unggoy na nasa balikat ni Harvey na animo'y naiingit na nakarga ni Harvey ang masuwerteng unggoy.

Ang iba sa mga ito'y nangangalabit sa pantalon ni Harvey na para bang nagpapakarga rin.

Ipinagpatuloy niya ang pagkuha sa nakakaaliw na sitwasyon. She did many different shots pagkuwa'y nag-enjoy na siyang panoorin si Harvey habang nakikipagkulitan sa unggoy.

If only he would allow her to publish the photo, she knew it would be best. 

Pero alam niyang kalabisan kung hihilingin niya iyon dito. Pansarili na lang niya ang kopyang iyon.

That would be her best remembrance of her having been in that place and having known Harvey personally. Kung ganoon ito kabuting tao at kaibig-ibig na lalaki.

____

Author's Note:

Hi mga babies ko!!

Don't forget to comment, vote and share my story with your friends mga babies ko.

Thank you🥺♥️

Its_AudreyBelle11 | AG💋

We Found Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon