Chapter 3

113 7 0
                                    

Two years later...

Kourtney was wearing a black shades. Namumugto ang mga mata niya dahil sa kaiiyak habang nakatunghay sa kaawa-awang kalagayan ni Aunt Alice. Kanina lang siya dumating sa Mabini, Davao De Oro.

Dumiretso na siya sa ospital na iyon. Naaksidente si Aunt Alice kaya nagmadali siyang umuwi. Matagal na niyang hindi nakikita ang tiyahin.

Bagaman madalas siyang umuuwi nitong mga nakaraang buwan sa Pilipinas dahil sa itinatatag niyang publication ay sinadyang niyang huwag magtungo roon.

She had her reason for not coming to Mabini. Ayaw niyang makita si Harvey dahil nang huling kita sila noong labing-anim taong gulang siya, sinabi nitong puwede na raw siyang ligawan nito.

Ayaw niya ng ganoong biro dahil alam niyang may masasaktang tao na mahal na mahal niya kapag nalaman ang birong iyon.

She liked Harvey so much pero kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili dahil alam niyang mahal ito na kanyang tiyahin.

Sa tuwing mag-uusap sila ni Aunt Alice, palagi na lang sinasabi nito na hindi ito titigil hangga't hindi ito nagugustuhan ni Harvey.

Naikuwento ni Aunt Alice sa kanya ang pagkaunsiyami na naman nito sa pag-ibig. Inakala nito na mauuwi sa maganda ang pagiging magkaibigan nito at ni Harvey at magugustuhan ito ng binata pero nabigo ito. Hindi pa rin ito nawalang ng pag-asa.

Aunt Alice met a tragic accident and was now in ICU of Davao Regional Hospital. Kailangang sumailalim sa operasyon. Matinding pinsala ang natamo ng ulo nito at nagkaroon ng blood clot sa utak nito.

Labis na naapektuhan din ang kanang binti at kamay nito kaya kailangang lagyan ng bakal at sementuhan.

Dahil hindi kompleto ang kagamitan ng Davao Regional Hospital, kailangang mailipat ito sa Manila sa lalong madaling panahon.

Inaayos na ng mommy niya ang lahat para sa madaling pagdadala rito sa Maynila. Sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa ito ididiretso.

Gusto niyang gawin lahat ang nararapat para makaligtan at mabuhay ang kanyang tiyahin.

Ayon sa pulis na nakausap ng daddy at mommy niya kaninang pagkarating nila roon ay lasing daw si Aunt Alice kaya bumangga ang minamaneho nitong kotse sa isang poste.

Galing daw ito sa Villamonte Farm. Galing ang tiyahin niya sa farm ni Harvey bago ito naaksidente. Hindi kaya masyado itong nasaktan kaya ito nagmaneho nang lasing at wala sa sarili?

Bumalik sa alaala niya ang huling pag-uusap nila ni Aunt Alice nang umuwi siya noong nakaraang buwan at dumalaw ito sa kanila sa Manila.

"Pinaasa lang niya ako," umiiyak na sabi nito sa kanya. "Akala ko, magagawa niya akong mahalin o magustuhan man lang. Naghintay ako sa wala. Ginawa ko na ang lahat lahat, wala pa ring nangyari."

Humagulgol ito sa balikat niya. "Auntie... marami pa namang iba riyan. For all you know, hindi naman siya talaga nababago sa iyo. Baka... playboy siya. Baka nga maraming girlfriends 'yon."

We Found Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon