Chapter 1

239 7 0
                                    

Kourtney was very conscious of the way the man beside her Aunt Alice was looking at her.

Manaka-naka ay nakikita niya itong sumusulyap sa kanya.

Ewan ba niya kung bakit nagkakataong napapasulyap din siya rito kapag nakatingin ito sa kanya.

When he smiled at her, bahagyang bumilis ang kanyang puso.

Sa edad niyang labing-anim, marunong na siyang kumilatis na guwapong lalaki.

To her qualifications, angkin ng lalaki ang mga katangiang kababaliwan ng sinumang babae.

She was of age who had been collecting crushes if not boyfriends.

Sa diary niya, marami nakalistang crushes niya kabilang ang mga hinahangaang male models, actors and singers.

She wanted to know who he was! Hindi niya sigurado kung kamag-anak nila ito. Hindi pa niya ito nakikita dito.

She silently hoped he was not their relative. But why was he there?

Naroon sila sa Mabini Davao de Oro  para um-attend  ng reunion ng mga Ramos clan---ang angkan ng kanyang ina.

Since her parents got married, sa Tagum na ang mga ito nanirahan.

Doon na rin siya ipinanganak at lumaki pero dahil nag-iisang kapatid ng kanyang ina si Aunt Alice, madalas na nagbabakasyon siya sa Mabini kapag summer vacation noong elementary pa siya.

They were now settled in America dahil doon nagtatrabaho ang daddy niya bilang chemical engineer. Limang taon na sila sa America.

She missed being home especially being in Mabini,  her favorite vacation place when she was child.

She remembered her aunt took good care of her when her parents had to leave her for a year dahil na-assign ang daddy niya sa Oman.

Hindi siya isinama roon dahil masyado raw mainit.

Sakitin siya noong tatlong taon gulang pa lang siya kaya kinakailangan niya ang malinis at sariwang hangin.

Basically, she spent a part of her growing years with Aunt Alice.

When her father was transferred in America, she was in first year high school.

Hindi na siya nakapagbakasyong muli sa kanyang tiyahin.

After four years, ngayon lang siya uli nakatuntong sa bayan ng Mabini.

Sila nga lang ng Mommy niyang ang umuwi sa Pilipinas para dumalo sa reunion na iyon.

Ka-promote lang ng Daddy niya bilang senior chemist sa kompanyang pinagtatrabahuhan nito kaya hindi ito kasama.

Palibhasa'y paboritong pamangkin siya ni Aunt Alice, malapit at spoiled siya rito. 

Matanda lang ito ng dalawang taon sa kanyang ina.

Bagama't mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang, she really didn't mind staying in her aunt's place when she was just a child.

Iyon nga lang, noong nagdadalaga na siya at nagkaisip, lalo pa noong sa America na siya tumira at nag-aral, parang hindi na niya feel na manirahan sa liblib na lugar gaya ng Mabini. 

Ang magbakasyon sa probinsiya ay okay lang pero ang manirahan sa lugar na iyon ay hindi niya matatagalan.

Nasanay na siya sa mabilis na takbo ng pamumuhay sa America o sa Manila.

They still kept their house in Manila para may matutuluyan sila kapag gusto nilang magbakasyon.

Ang katulong nilang si Manang Cordelia at ang asawa nitong si Mang Albert ang nakatira doon habang wala sila.

We Found Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon