Chapter 1

6.4K 66 0
                                    


"Hello apo, dumating na ba ang papa mo?" Napabuntong hininga ako matapos marinig ang tanong ni Lola sa kabilang linya.

"Hindi pa po la, e." Malungkot na ani ko. Tumingin-tingin pa ako sa paligid nagbabakasakali na makikita ko na si papa. Pero sobrang daming tao sa paligid kaya malabo 'yon.

"La, sandali lang po dumadami na po kasi ang mga taong lumalabas baka hindi ko makita si papa tawagan po kita mamaya kapag magkasama na kami." Paalam ko na nanatiling nakatingin sa paligid

"Sige, mag iingat kayo diyan apo."

"Opo." Sagot ko bago binaba ang tawag.

"Ang tagal naman ata ni Tito, Bellis." Napatingin ako kay Sahana ang pinsan ko na siyang kasama kung sumundo kay papa sa airport. Busy kasi ang lahat para sa handaan sa pagdating ni Papa.

"Hindi ko nga din alam eh." Sagot ko saka mas lalong inilinga ang aking paningin sa paligid nagbabakasakali na makikita ko na si Papa. At hindi nga ako nagkamali dahil nakita kung papalapit na ang pamilyar na mukha sa pwesto namin.

"Si Tito!" Malakas na sigaw ni Sahana na mas lalong ikinalaki ng ngiti ko.

Wala sa sariling tumakbo ako kay papa at walang pasabing yumakap ako ng mahigpit dito.

"Papa!" Para akong bata na yumakap sa kanya. Naramdaman ko ang pag ganti niya ng yakap sa akin na mas lalong ikinangiti ko.

"Ang laki na ng anak ko." Rinig kong ani ni papa at naramdaman ko pa ang sunod-sunod nitong pag halik sa noo ko.

"I missed you papa." Malambing na ani ko.

"I missed you too." Abot langit ang sayang naramdaman ko dahil sa pakiramdam na sa wakas ay umuwi na din si papa matapos ang ilang taon na pamamalagi sa France upang mag trabaho bilang enhinyero.

"Tito." Yumakap din si Sahana kay papa kaya bahagya akong lumayo.

"Ang laki niyo ng dalawa." Ani ni papa na parang hindi pa naniniwala na ganito na kami kalaki.

"Tama na 'yan kailangan na nating umalis." Napangiti ako ng biglang sumulpot si Tito Calvin ang daddy ni Sahana na siyang kasama namin para magsilbing driver.

"Ia that how you greet your older brother, Calvin?" Tinaasan ng kilay ni papa si Tito na tinawanan lang naman ni Tito maya-maya pa ay nakipag fistbump na din silang dalawa. That's how they do when they're met each other.

Dalawa lang silang magkapatid mas matanda ng isang taon si papa keysa kay Tito. Dalawa ang anak ni Tito Calvin si Sahana na ka edad ko lang at si Cassius. Ngunit hindi gaya ko ay buhay pa ang mama nila samantalang ako ay si papa lang ang tumatayong magulang ko dahil maaga akong naulila sa ina. I'm a miracle child ang kwento pa ni Lola ay mas pinili raw akong buhayin ni Mama keysa sa kanya. Syempre nalungkot ako dahil namuhay ako na walang ina hindi gaya ng iba na kumpleto ang pamilya.

Pero hindi naman 'yun pinaparamdam ni Lola sa akin palagi siyang nandiyan kapag may kailangan ako lalo na sa pagmamahal ng isang ina.

"Let's go mainit na din dito." Ani ni Tito kaya agad naman kaming sumunod. Magkatabi kaming naglakad ni papa at si Sahana naman ay katabi nito si Tito. 

Napatingin ako kay papa maraming nagsasabi na magkamukha talaga kami ngunit ang shape ng mukha, buhok at lips ay kay mama ko raw nakuha. Sabi pa ni lola kung maging lalaki raw ako ay kuhang-kuha ko talaga ang mukha ni papa. Hindi din naman ako tumutol doon dahil kahit saan man makita ay gwapo talaga si papa.

Ilang sandali lang ay nakarating na din kami sa kotse may kung anong pinag-usapan si papa at Tito na hindi naman namin narinig.  Wala din naman akong planong makealam dahil usapan matanda lang 'yon at ayon kay Lola aymasama kapag makisama ka sa usapan nila.

Owned By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon