Chapter 25

1.8K 40 4
                                    

Lahat ay nasa maayos na kalagayan. Masaya ang lahat maliban nalang nang biglang sinugod ng isang batang bisita ang isa sa apat na magkapatid. Gumulong ang mga 'to sa grass dahil nagsuntukan. Habang si Marie naman ay hindi alam ang kanyang gagawin. Gusto niyang awatin si Alexius na siyang kasuntukan ng isang bata pero alam naman niyang hindi makikinig sa kanya ang bata.

"Alexius!" Napatingin siya kay Alexxion na pinapagalitan ang kanyang nakakabatang kapatid. Habang ang dalawa naman ay inaawat ang kapatid. Ngunit hindi nila maawat kaya agad na tumayo ang mga nakakatandang lalaki kabilang na roon si Marcus na agad kinuha ang isa sa kambal para ilayo. Bitbit niya ang bata na masamang nakatingin sa naka away nito. Kinuha pa niya ang isa sa kamay ng kambal para ilayo sa batang naka away nito.

"You loser! You don't have a father! Loser!" Malakas na boses ng bata na ngayon ay punit-punit na ang pang itaas na damit nito.

"At least i'm not a stupid like you! You're a loser! You don't even know how to memorize the multiplication table!" Malakas na sigaw ng batang hawak-hawak niya.

"Loser!"

"Stupid!" Sigaw pa nito.

Mahina niyang tinapik ang likod ng bata. Napatingin siya sa tatlo na nasa tabi niya may kung anong humaplos sa puso niya dahil sa kanyang nakita. Nakadikit ang mga 'to sa hita niya.

"Diyos ko naman, Alexius lagot tayo kay mommy mo! Tiyak akong magagalit si ma'am sa'yo." Dumako ang tingin niya sa babaeng kasama ng mga bata kanina. Agad nitong kinuha ang batang hawak niya na parang ayaw na niyang bitawan. May kung ano parte sa kanya ang natatakot at kinakabahan sa hindi malamang dahilan.

"Naku kabilin-bilinan ng mommy mo na bawal kayong makipag away diba?! Naku tiyak akong malalagot ka kapag dumating na 'yon mamaya." Napatingin siya sa apat na batang biglang napayuko.

"I'm sorry, yaya." Napabuntong hininga nalang ang yaya nila at mahinang ginulo ang buhok ng kanyang alaga.

"Kay ma'am ka mag so-sorry dahil tiyak akong magagalit 'yon. Ano, tara na?" Agad namang tumango ang apat at sumunod na rito. Pero hindi pa sila nakakahakbang ng biglang lumapit si Marcus sa kanila.

"Naku sir! Nakalimutan ko palang humingi ng salamat. Salamat po, sa pag awat nitong alaga ko." Tumango lang siya.

Agad namang lumapit si Blanca sa kanilang pwesto at biglang hinawakan ang kamay ni Marcus. Tiningnan siya ni Marcus at agad ding napabuntong hininga at hinayaang makawala sa kanyang paningin ang apat.

Sa kabilang banda napakunot ang noo ni Ariadna ng makita na tumatawag si Marie. Katatapos niya lang mag grocery at akmang i aarange na ang lahat ng pinamili niya nang malakas na tumunoh ang cellphone niya. Kinuha niya 'to at sinagot ang tawag.

"Hello Marie? May problema ba?" Napakunot ang noo niya ng marinig ng hiyawan sa kabilang linya.

"Marie?!" Hindi na siya mapakali ng marinig ang boses ng kanyang panganay na tinatawag ang bunso niya.

"M-a'am! S-si Alexius po may naka away."

"Ano?!" Bigla siyang kinabahan sa narinig.

"Opo, gumugulong na po sila sa sahig ma'am! Ma'am punta nalang po kayo rito, ayaw po niyang magpa awat, e!"

"Okay, okay! Hintayin niyo ako diyan. Itext mo sa akin ang address." Ani niya at agad binaba ang tawag. Kinuha niya ang susi ng kotse niya at agad lumabas at dumeretso sa kanyang kotse. Pina andar 'yon at agarang pina usad papunta sa bahay kung nasaan ginanap ang birthday party.

Kinakabahan siya at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Gustong gusto na niyang pausadin ang kanyang kotse sa gitna ng traffic para lang madali siyang makarating. Nakahinga siya ng maluwag ng tuluyan nang lumuwag ang daloy ng trapiko.

Owned By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon