Chapter 21

1.7K 32 7
                                    

Madrid, Spain / 10 years later

"Class dismissed." Seryosong anunsyo ng isang babae at minadaling ligpitin ang kanyang mga gamit dahil may kailangan pa siyang sunduin.

"gracias!" Malakas na ani ng mga estudyante niya saka isa-isa ng lumabas sa klase niya.

"Hola, profesora Ariadna!" Napatingin siya sa lalaking papalapit sa kanya. Isa ito sa mga Professor na naka trabaho niya.

"Hola, Mattias." Ngumiti siya rito saka kinuha ang ilang gamit niya at handa ng umalis.

"You're going home?" Tumango siya saka umayos ng tayo.

"Yes, they have been waiting for me. So, please can I excuse myself?" Magalang na tanong nito.

"Of course, cuídate! (take care)"

"You too!" Ngumiti siya ng huling beses dito bago nagmamadaling umalis. Malalaki ang kanyang bawat hakbang habang tinungo ang kotse niya nagsimula na rin siyang mabahala para sa mga ito dahil baka kanina pa sila naiinip kakahintay sa kanya. Ngunit akmang magda-drive na siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya 'tong kinuha at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Huwag mo ng sunduin dahil sinundo ko na sila, papauwi na rin kaming lahat." Nakahinga siya ng maluwag dahil sa narinig na sinabi ni Angela ang kaisa-isang kaibigan nito maliban kay Lucia ang taong unang nakita niya pag gising ng kanyang mata sampung taon na ang nakaraan. 

Wala 'tong sinabi kung anong totoong nangyari sa kanya basta ang alam niya ay nagising nalang siya sa hospital. Hindi alam ang gagawin at walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Until Lucia decide to name her Ariadna at simula noon ay ito na ang nag asikaso sa lahat. Mayaman ito at napaka bait, walang asawa kaya naituon sa amin ang kaniyang atensyon. Ito rin ang gumasto nang pag-aaral niya at ngayon ay nakakapagturo na rin siya sa isang sikat paaralan sa Madrid. Tatlong taon niyang ginagawa 'to at habang timatagal ay mas lalo siyang nahuhulog sa kanyang ginagawa.

"Thanks God!" Naisabi niya. "Thank you so much Angela." Aniya at agad pinausad na ang kotse niya pauwi sa kanilang bahay.

Pagdating sa bahay ay agad na siyang pumasok sa loob napangiti pa siya ng makita ang sasakyan ni Angela sa labas. Si Angela ang kaibigan niya na kagaya niya ay kinupkop din ni Lucia limang taon na ang nakalipas. Kasabay na niya 'tong lumaki pati na rin ang kanyang mga anak.

"Mommy!" Pagkabukas palang niya ng pinto ay isa-isa na ang mga 'tong nagsilapit sa kanya at dinamba siya ng yakap na ikinagulat niya.

"How's school?" Malambing na tanong niya sa mga 'to.

"Fine." Si Alexxion ang sumagot.

"Okay, but let me changed my clothes first coz mommy will cook dinner for us, alright kids?" Malambing na ani niya saka isa-isang hinalikan ang pisngi ng apat niyang anak.

"We're not kids anymore!" Sabay na sigaw ng apat na ikinailing nalang niya.

They're quadruplets, Alexxion is the oldest, second is Alexandrius, Alexandru is the third, then Alexius is the fourth.

Noong una ay hindi pa siya makapaniwala kung bakit siya nabuntis ngunit wala siyang maalala at ang sabi pa ng kanyang doctor ay huwag niyang sagarin ang sarili para maalala ang kahapon baka ikakapahamak lang niya 'to. Sinunod rin naman niya 'to at hangang ngayon ay wala siyang maalala. Pero siguro gusto na rin 'to ng tadhana, ayos lang din naman sa kanya 'yon dahil wala ng hanapin pa sa buhay niya. Sapat na sa kanya ang apat na anak at ang kaibigan nitong palaging nandiyan sa kanya.

Agad siyang pumanhik na sa kanyang kwarto para magpalit ng damit. Nagsuot siya ng pambahay na damit bago bumaba at gumawa ng dinner nilang lahat. Pagbaba niya naabutan niyang naglalaro ang apat na anak niya sa dalawang anak ni Angela. Hinayaan nalang niya ang mga 'to bago dumeretso sa kusina at doon niya naabutan si Angela na nilalabas ang lulutuin nila para sa dinner.

Owned By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon