Chapter 9

2.5K 36 0
                                    

"How are you?" Napakislot ako ng bigla nitong hinawakan ang aking noo at leeg. Tanging boses na naman ang naririnig ko dahil may piring na naman ang mata ko.

"A-ayos na ako."

"No, you're not okay." May finalidad sa boses nito.

"U-uuwi nalang ako para magpahinga aayos din naman ang pakiramdam ko maya-maya." Ani ko.

"I'll drive you home but let's fasten your seatbelt baby." Hindi na ako nakasagot ng bigla siyang lumapit sa akin para ikabit ang seatbelt ko. Akala ko ay aalis na ito ngunit nagkakamali ako dahil bigla nitong hinalikan ang aking labi. Napasinghap ako na naging dahilan ng muling pagpasok ng dila niya sa loob ng bibig ko. Napapikit ako dahil sa hindi malamang senasyong naramdaman lalo nang mahina nitong kinagat ang aking dila na nagbigay ng ibayong kuryente sa aking katawan.

Hinawakan ko ang dibdib nito para sana awatin ngunit para akong humawak ng pader dahil sa sobrang tigas.

Maskulado siya!

Naramdaman ko ang kamay nitong lumakbay sa paanan ng dibdib ko at marahang pinisil at doon bigla akong natigilan at agad siyang naitulak.

Narinig ko ang sunod-sunod na mura nito ngunit kalaunan ay pinausad na nito ang kotse na ipinagpasalamat ko. Nakatulala lang akong nakaupo sa upuan ko. Hangang ngayon nararamdaman ko pa rin ang kamay nitong pumisil sa magkabilang dibdib ko. Ang halik nito na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa aking kaibutuuran.

"We're here baby." Agad akong napa ayos ng upo at kinapa kung nasaan ang seatbelt para tanggalin iyon. Pero hindi ko pa iyon nagagawa ng biglang sumalo na ang malaking kamay nito at siya na mismo ang gumawa. Tumahimik nalang ako at pinakiramdaman kung may susunod pa itong gagawin sa akin. Ngunit wala na bagkus ay narinig ko nang bumukas ang pintuan sa parte niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Remove it after I start the engine, okay?" Tumango ako at nanatiling nakatayo para mapakingan ang pag start ng makina nito. Nang naka andar na ang sasakyan nito ay saka ko lang nakita ang unti-unting pag alis nito hangang sa bumilis ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Dumaan ang mga araw at nagsisimula na ang Universities League. At habang dumadaan ang mga araw ay palapit na rin nang palapit ang Coronation night para sa Mutya ng Unibersidad.

Tahimik lang ako at parang hangin lang keysa sa ibang kandidata na nagsimula ng umingay ang pangalan. Medyo kinakabahan na ako dahil magagaling talaga sila, I've seen their video these past few days parang sobrang excited nila habang ako namomroblema sa buhay.

"Bakla alam mo parang byernes santo 'yang mukha mo ngumiti ka nakaka tanda ang palaging seryoso sa buhay." Tumingin ako kay Heti malakas ang boses nito dahil nasa Grand Arena kami.

Ito ang unang araw opening ng Universities League kaya sobrang daming tao. May 15 unibersidad ang kasali sa palaro kaya punong-puno ang Arena. Maingay dahil kanya-kanya ng tambol ng drum ang bawat sulok ng Arena.

Ilang sandali lang ay mas lalong lumawak ang mga tao sa paligid nagtatambolan ang malalakas na drum ng bawat eskwelahan maliban sa amin na tahimik lang.

"Nasaan na ba ang mga drummer natin?" Tanong ni Heti sa katabi nito.

"Mukhang malalate ata sila sa pagpasok." Rinig kong sagot nito.

"Malalate? Gosh dapat sila nga ang unang dumating dito mukha tayong kawawa sa iba.  Nagrarambolan na sila gamit ang naglalakihang drums nila tapos tayo tutunganga lang." Napailing nalang ako sa sinabi ni Heti.

"Heti shut up ka muna beh medyo napalakas ata ang boses mo." Ani ni Sahana. Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyang naramdaman para sa kanya.

"Sorry po hehe." Hinging paumanhin ni Heti.

Owned By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon