Chapter 20

1.9K 33 10
                                    


10 years later

Nakakasilaw na camera ang bumungad kay Blanca Maris Cabral pagkalabas palang niya ng airport. Galing kasi siya sa bansang France para imodelo ang isang brand doon. She's a title holder sa isa sa mga beauty pageant at the same time model.

Ngumiti siya sa mga ito kahit ang totoo ay nahihirapan na siya mabuti nalang ay nandiyan ang bodyguard ng kanyang boyfriend.

"Tumabi kayo! tabi!" Ani ng isa sa mga 'to habang pilit siyang binibigyan ng espasyo para maayos na makaraan.

"Miss Blanca is it true that you and Marcus Moretti are gonna get married within a months from now?"

"Miss Blanca ano po ang masasabi niyo sa mga balitang kumakalat na buntis po kayo?"

"Totoo po ba ang usap-usapang engage na po kayo ni Marcus?"

Ilan lang 'yan sa binabato nilang tanong kay Blanca na hindi sinagot ang lahat ng 'yon. Nag aalala siya dahil kung sinagot niya 'yon ay baka mas lalo pa niyang pag hintayin si Marcus na mahigit isang oras ng naghihintay sa kanya. Sinabihan naman niya 'tong ma de-delay ng kaunti ang flight niya dahil nagka problema ngunit mapilit 'to at gusto talagang hintayin siya.

"Hon!" Napangiti siya ng kumaway sa kanya si Marcus. Bahagya 'tong ngumiti sa kanya na ikinangiti niya rin. Dali-dali siyang lumapit dito at dinamba ng yakap ang kanyang fiancee, si Marcus. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya ng maramdaman ang magaang halik ni Marcus sa kanyang noo.

"Sabi ko naman sa'yo huwag mong agahang pumunta 'yan tuloy nakahintay ka ng mahigit isang oras dito." Malambing na ani ng dalaga saka kumalas ng yakap dito.

"It's fine." Seryoso ang mababakas sa mukha ng binata. Walang halong pagbibiro o ano man mariin lang 'tong nakatingin sa babaeng nasa harapan niya.

Blanca is her fiance tatlong taon na rin simula naging karelasyon niya 'to. Magkakilala naman sila ng dalawa noon pa lang dahil sa negosyo. Mas lalo 'yong lumalim nang makita silang dalawa sa America three years ago at umamin 'to na may gusto ang dalaga sa kanya. He tried to hook up to her at ang hindi inaasahan ay naging komportable ang binata sa kanya. Mabait kasi 'to, maunawain at hindi nawawala kapag kailangan niya ang tulong nito. Until three months ago inaya niya 'tong magpakasal and now they're engage and a few months from now they will be a husband and wife.

Lulan sila ng kotse nito papunta sa bahay ng isa sa mga kaibigan niya para mag early dinner. Kaarawan kasi ng pangalawang anak nila at ininvite silang dalawa ni Blanca. He can't say no dahil kailangan niyang bumawi sa mga 'to. Dalawang beses palang silang nagkita simula no'ng dumating siya galing america 1 month ago.

He's now a professional lawyer now. Many people call him Fatal Lawyer dahil nanglalamon 'to ng katunggali kapag nasa court na sila. Walang sinasanto kaya halos lahat ay takot na makabangga 'to. Two years na rin siya sa gano'ng larangan at masasabi niyang para 'yon sa kanya. He enjoy it kahit minsan ay maraming gustong pagbantaan siya. He keep ignoring that kind of matter dahil para sa kanya ang importante ay makulong sa likod ng rehas ang taong nagkasala.

Pinarada niya ang kanyang sasakyan sa malaking garahe ng mansyon ni Ulysses. Pinagbuksan nito ng pintuan ang nobya na agad kinuha ang braso niya at mariing humawak ito roon. Wala sa sariling napatingin siya rito ngunit agad ding napailing para alisin ang namumuong memorya sa kanyang utak.

"Hey, are you okay honey?" Muling napadako ang kanyang mata sa kanyang kasintahan. Tumango lang siya saka iginaya 'to papasok ng Mansyon ni Ulysses.

Unang narinig nila ang hiyawan ng mga batang naglalaro. Masipag gumawa ng bata ang mga kaibigan niya at hindi na siya magtataka kung makakita siya ng maraming bata roon.

Owned By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon