Chapter 34

2.3K 42 2
                                    

Sumapit ang araw ng birthday party ng mga bata. Sobrang ganda ng Garden dahil doon gaganapin ang birthday party. Black and blue ang theme ng party ng mga bata dahil 'yon din ang request nila. Lahat ng bisita ay nakakulay blue o black ang kanilang suot.

Nakatayo ako sa harapan ng malaking salamin habang tinitigan ang ayos ko ngayon. I'm wearing a black gown fitted na dahilan ng pag hakab ng aking kurba. Mild lang din ang make up na siyang ako mismo ang naglagay sa aking mukha.

"Mommy!" Napatingin ako sa pintuan ng bigla 'yong bumukas. Napangiti ako nang makita ang apat kung anak na naka tuxedo kakulay ng damit ko. Gwapong-gwapo ang mga 'to sa suot at ngayon masasabi ko talagang manang-mana sila sa magaling nilang ama.

"Happy Birthday, babies!" Isa-isa kung hinalikan ang pisngi nila. Humagikhik naman ang tatlo habang ang bunso ko ay nakanguso na ikinailing ko nalang.

"Your lipstick mommy." Nakangusong reklamo nito.

"Hindi naman dumikit baby." Ani ko saka inayos ang suot nito.

"You look beautiful mommy!" Napangiti ako sa kanilang sinabi.

"Thank you, babies."

Bumukas ang pintuan at doon sumalubong sa amin si Marcus na naging dahilan ng pag-ayos ko ng upo. Lumapit 'to sa amin, para itong modelo suot ang kulay itim din na tuxedo na kaparehas ng design sa suot ng mga anak namin.

"You look gorgeous baby." Bulong nito sa akin na lihim kung ikinangiti. Ngunit ang sumunod nitong ginawa ang hindi ko inaasahan. "Pero hindi kaya masyadong exposed na ang dibdib mo, baby?" Napasinghap ako ng bigla nitong itinaas ang damit sa bandang dibdib ko.

"Marcus!" Gulat na ani ko. Kinunutan niya ako ng kilay kaya sinamaan ko siya ng ngiti. Sisirain ata ang suot ko dahil sa lakas ng pagbira nito sa damit. Natural naman na medyo lumuwa ang cleavage ko dahil tube design ang dress na suot ko.

"You look ravishing, baby." Ungot nito. Mahina akong humugot ng hangin at hinawakan ang braso nito at inilayo sa akin.

"Malamang pa tube nga ang design ng damit ko diba? Ewan ko sa'yo!" Ani ko saka bahagyang lumayo sa kanya. Kinuha ko ang susuotin kung stiletto na may four inches heels at akmang yuyuko upang isuot 'yon. Nang biglang inagaw ni Marcus sa akin at walang pakundangang lumuhod sa aking harapan.

Walang pakealam sa mamahaling sapatos nitong maaring masira dahil sa kanyang ginawa. Marahan niyang kinuha ang binti ko at banayad na pinasuot sa akin ang sandal ko.

"Mommy?" Nabalik ako sa realiadad ng marinig ang mahinang tawag ng aking pangatlo anak sa akin.

"Let's go now mommy." Napatingin ako sa kamay ni Marcus na nasa harapan ko. Napabuntong hininga ako at dahan-dahan 'yong kinuha. Awtomatikong pinagsikop nito ang aming kamay habang inaalalayan akong lumabas dahil tinawag na kami sa baba. Nauna na rin ang mga bata keysa sa amin.

Napatingin ako sa paligid namin sobrang ganda ng paligid ang daming tao na halos lahat ay may kaya sa buhay. The smell of expensive perfume, the aroma of the food, palakihan ng mamahaling bato sa mga alahas na suot ng mga bata. Habang ako ay ni isang suot na alahas sa katawan ay wala. Well, okay lang naman sa akin 'yon dahil hindi rin naman ako mahilig doon.

Ang daming bumabati sa amin na binabati ko rin naman pabalik dahil mukhang walang balak bumati si Marcus. Ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko kanina ay nasa bewang ko na mahigpit na nakakapit. Sobrang lapit na namin sa isa't-isa kung minsan pa ay humahagod ang kamay niya roon na ikinasinghap ko.

"Marcus pahiram lang nitong pinsan ko ha? Huwag kang mag-alala ibabalik ko rin 'to mamaya." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang boses ni Sahana. Hinila ako nito palayo kay Marcus na mukhang wala atang balak na mawalay sa akin.

Owned By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon