Chapter 3

3.2K 44 4
                                    




"Grabe pang isang buwan ata 'tong pinamili natin." Tumango ako sa sinabi ni Sahana. Nakapameywang ako habang nakatingin sa malaking ref na punong-puno nang pagkain na pinamili namin ni Sahana at tama din ito dahil sa sobrang daming pinamili namin ay aabot ata ito ng isang buwan. 

Nag linis lang kami doon bago dumeretso sa kanya-kanya naming kwarto para makapag linis at arrange ng mga gamit namin. Gaya ng sinabi ko ay dalawang kwarto ang bahay na isa-isa naming inookopa ni Sahana. Nasa left side siya dahil doon ang napili niya habang nasa right side naman ako.

Napabuntong hininga ako ng makitang katam-taman lang pala ang dala kong kagamitan. Sana sinunod ko nalang si Sahana kanina. 

Napailing nalang ako ng maisipan na mababawasan na naman ang ipon ko para sa mga damit na bibilhin ko. Wala pa akong gamit sa pag-aaral at kailangan naming mamili no'n. Maayos kong inilagay ang laptop at sa study table na pinasadya talaga ko talagang ipagawa. I also brought my books with me maayos ko din 'yong inarrange sa lalagayan nito. 

"Bellis?" Napatingin ako sa pintuan nang bumukas 'yon at sumalong sa akin si Sahana. 

"Why?" Tanong ko rito. 

"Let's go out mamimili tayo ng damit at gamit na rin sa school para bukas ay magpapahinga nalang tayo para sa Monday ay fresh tayong pumasok." Napatingin ako sa relo ko na regalo ni Papa sa akin ni Papa. Alas onse palang naman ng umaga kaya pumayag nalang din ako.

"Sige, tara na." Kinuha ko ang bag ko at agad ng lumabas ng kwarto. Narinig ko ang paghagikhik ni Sahana na ikinailing ko nalang. 

"Anong sasakyan natin?" Natanong ko sa kanya. 

"I already book a taxi konteng hintay lang dadating din 'yon." Tumango ako at nakatayo lang habang hinihintay ang sinasabi nito.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din ang taxi na sinasabi nito. Agad na kaming sumakay at sinabi kung saan ang destinasyon namin. Nakatingin lang ako sa labas ng taxi para pagmasdan ang bawat dinadaanan namin. Mainit, maalikabok at ang daming tao sa paligid at mga matataas na establishment na masasabi mo talagang ito ang Maynila na sinasabi nila.

"Nandito na po tayo ma'am." Napatingin ako kay Manong driver. Agad nang bumaba dahil binayaran na rin ni Sahana ang metro namin. 

Pumasok na kami sa loob una naming pinuntahan ang mga bilihan ng school supplies. Napangiti ako habang namimili nakakatuwa dahil halos lahat ng kailangan ko ay nandito na. Ang kinuha kong mga gamit ay 'yong pinaka kailangan ko sa susunod nalang ako mamimili sa iba kapag wala na akong supply.

"Tapos kana?" Napatingin ako kay Sahana na bagong balik kung saan man ito pumunta kanina. 

"Oo, ikaw?" Tanong ko dito. Tumango siya napatingin ako sa mga gamit na binili niya, marami 'yon kumpara sa akin. 

"Tapos na rin ako, tara mag bayad na tayo." Tumango ako at saka pumila na din.

"Gosh! This is so tiring ang baho pa." Napatingin ako sa babaeng nasa harapan namin ni Sahana. Tatlo silang babae na kanina pa nagrereklamo dahil bakit ang tagal, mabaho at pagod na daw sila. Napatingin ako sa pinamili nila sobrang dami halos mapupuno na ang cart nila sa dami. 

"Maarte pala ang mga babae sa Maynila ano? Totoo pala ang sinasabi nila." Bulong ni Sahana sa akin na pinandilatan ko lang ng mata. Baka marinig kami dahil sa kagagawan ng babaeng 'to!

"May sinasabi ka?" Napapikit nalang ako ng mariin ng makita ang babae na nakataas ang isang kilay habang tinitingnan ang pinsan ko. 

"Nothing. I just want to say baka gusto mong umabante ano? Marami pa kaming naghihintay dito at gaya mo ay nagmamadali din." Napailing nalang ako sa naging sagot ni Sahana. 

Owned By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon