Capitulum 2 - Sol at Luna

2.3K 95 24
                                    

"Aasahan kita Athena. Aasahan ka namin.'

__________________________

Astraea Sol Hemera Psyche Riecka Alosia - Nethuns / Athena Hymmors

Nasa isang engrandeng mahabang mesa kami at tahimik na kumakain. Hindi nakatakas sa pandama ko ang kanina pang pabalik balik na tingin sakin ng bawat taong kasalo ko sa mesa. Nandon parin ang kaba, gulat ,pagkalito at galit na nakarehistro sa kanilang mukha.

Ano bang mali sa mga sinabi ko kahapon?

Bigla kong naalala ang ginawa.

Flashback.....

"Bakit mo hiniling sa mga dioses and diosas na buhayin akong muli? Alam mo bang mas gusto ko pang mamatay kaysa ang mabuhay na parang preso sa palasyong ito. Bakit niyo ipinagkakait sakin ang kalayaang dapat nakamit ko na simula ng isilang ako? Why King Proteus Hydrix Remesis Orpheu Nethuns? How long will you keep me imprisoned in this infernal kingdom?"
malamig ang boses na tanong ko sa lalaking may dirty white na buhok ,katulad nito ang kulay na buhok ni Prinsesa Sol, parehas din sila ng kulay ng mga mata, walang duda na ama nga niya ang kaharap.
Si Prinsesa Sol lang yata ang nakamana sa kulay gintong mga mata ng ama samantala ang mga kapatid nito ay parehas na asul ang kulay ng kanilang mga mata.

Hindi ko kailanman nasilayan ang mukha ni daddy dahil nakasuot ito ng maskara.(Ang ama ni Athena) Siguro kung nabubuhay ang aking totoong ama ay baka magkahawig sila ng lalaking ito.

Nanguyom ang kamao ko ng maalala ang ama na Isang beses ko lang nakita sa nakaraang buhay ko. Isang beses lang at nakakadismayang hindi ko man lang nakita ang mukha niya.

Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makasama siya. Sanggol lamang ako non pero hinding hindi ko makakalimutan ang pagkamatay ni daddy sa kamay ng halimaw na iyon at ang huling sinabi nito.

"Samara ilayo mo si Athena! Wag na wag mong hahayaang makuha nila ang pinakamamahal kong anak!"

Iyon ang mga huling salitang narinig ko mula sa kaniya bago ako inilayo ng aking ina at makitang bumagsak si daddy sa sahig na nakadilat ang matang wala ng buhay habang nakatanaw sakin.

Ang sabi ni Ina ay pinatay si ama ng nilalang na galing sa mundong ito. Isa iyon sa mga dahilan ko kung bat matagal ko ng gustong pumunta sa Ashpra at iyon ay hanapin ang pumatay sa kaniya at pagbayarin ito.

Narinig ko ang sunod sunod na di makapaniwalang reaksyon ng lahat.

"A-nak ba-kit mo sina-sabi yan? A-yos ka lang ba tala-ga?" Di makapaniwalang tanong nito pero mababakasan parin sa tinig ang pag-aalala.

"Masaya ka ba ama na hanggang ngayon ay nakakulong parin ako sa palasyong ito. I am of legal age to make decisions in my life. Will I die without ever seeing the outside world?"

Dapat matagal na itong ginawa ni Astraea /Prinsesa Sol. Dapat matagal niya ng pinaglaban ang kalayaan niya.

Nang magkamalay ako ay unti unting pumasok saking isipan ang mga alaala ni Prinsesa Sol pero ang tumatak talaga sakin ay ang isang senaryo kung saan umiiyak siya na humihingi ng tawad sa mga diyos at diyosa sa gagawin niyang kasalanan. Sa araw ng kaniyang pagiging legal sa mundo ay pinili niyang kitilin ang sarili. Sinaksak niya ang sarili gamit ang patalim na kayang kumitil ng immortal gaya ng patalim na sinaksak sakin ni Zach.

ASHPRA: THE MAFIA QUEEN'S REINCARNATION (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon