'Kahit saang lupalop pa ako ng Mundo ay kailangan ko parin talaga itago ang gandang ito na blessing sa iba pero sumpa para sakin.'
__________________________
Alosia Sol Hemera Psyche Riecka Astraea - Nethuns / Athena Hymmors
"Hindi mo na kailangang tumakas dahil makakalaya ka na Mahal na Prinsesa!" tuwang tuwang balita sakin ni Nequam.
Hindi ako makapaniwala sa ibinalita nito kaya nagtungo pa talaga ako Kay Zeki para kompirmahin.
" Oo ,Sol dahil utos iyon ng emperor."malungkot niyang sagot.
Bakit parang ayaw din nitong makalaya ako? Akala ko ba may pakialam siya sakin? Parehas lang talaga silang lahat ng iniisip.
Naalala ko ang narinig na
pinag usapan ni Zadkiel at ng Hari kahit tulog ako non ay naririnig ko ang mga boses sa paligid ko.Dahil sa mayroong espiya sa kaharian kaya nalaman ng emperor ang tungkol sakin.
Maaaring mapahamak ang aming kaharian at ang aking pamilya este ang pamilya ni Astraea kapag nagmatigas sila na itago parin ako.
Pero sabi ni Hanniel dahil daw sa kakaibang ganda ko ay baka magustuhan ako ng emperor at balaking pakasalan.Tangina lang! Hindi ko yata kayang imaginin na may asawa akong kasing edad ng ama ni Astraea. Kahit gwapo pa yan ay no way! Hindi ako papatol sa matanda.
Kung ganda ko lang pala ang Isang malaking problema ay madali lang iyong solusyunan.
Napangiti ako.
Hindi na bago sakin ito. Dahil sa Mundong Earth nakasanayan ko na ang laging takpan ang mukha ko dahil lagi akong umiiwas sa mga press.
Palagi silang nakasunod at inaalam ang galaw ko. Humahanap ng ibabalita at kadalasang gusto nilang malaman ay kung may relasyon ba talaga kami ni Zach. Kung kami na ba talaga? Gagawa ng isyu kapag may ibang lalaki akong kasama at sasabihin nilang malandi ako, na pinapaasa ko si Zach. Tsk, ang buhay ko dati ay napakapubliko.Kahit saang lupalop pa ako ng Mundo ay kailangan ko parin talaga itago ang gandang ito na blessing sa iba pero sumpa para sakin.
Nasa hapag kami at tahimik muling kumakain.
"Nalaman mo na siguro ang balita Sol. Sigurado akong nagbubunyi na ang kalooban mo." pambabasag ni Queen Salacia sa katahimikan.
"Queen Salacia! Patapusin mo muna sa pagkain si Sol!" suway ni Ama.
" Pasensya na aking Mahal na Hari pero hindi ko lang makontrol ang aking emosyon lalo na at ilang taon din natin siyang itinago tapos masasayang lang pala ang lahat ng isinakripisyo natin para maprotektahan lang siya."sabi ni Queen Salacia at may papunas punas pa ito ng mga matang nalalaman. Aba totoong umiyak ang lola niyo. Kakashocks!
Grabe pang Oscar yung aktingan. Dinaig pa si Katharine Hepburn sa galing umarte.
Artista ako kaya alam ko ang galawan ng mga umaarte lang at masasabi kong magaling si Queen Salacia.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Reyna Salacia dahil maging ako ay hindi tanggap ang desisyon ng Emperor pero wala tayong magagawa roon. Ipagdasal na lang natin na walang mangyaring masama kay Astraea." sabi ni Ama. Malungkot ang mukhang napatingin ito sa akin.
"Tulad ng suhestiyon mo na itago ang mukha mo ay pumapayag ako don Astraea mabuti at naisipan mo ang bagay na iyon."sabi nito.
" Wag kang mag alala ama dahil di namin pababayaan si Sol kahit pa buhay namin ang maging kapalit mapanatili lang siyang ligtas." sabi ni Prinsipe Zadkiel.
BINABASA MO ANG
ASHPRA: THE MAFIA QUEEN'S REINCARNATION (On-going)
De TodoAthena Hymmors is a popular actress, singer, model, and a multi-billionaire CEO. People admire Athena for her goddess-like beauty and intelligence. However, little do they know Athena has a hidden secret-the existence of her demonic persona, known a...