Capitulum 26 - arcanus homo

901 58 4
                                    

' I missed you, my empress

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

' I missed you, my empress.  I can't wait to see you grow. Balang araw ay makakasama kitang muli at nangangako akong hinding hindi ka na mawawalay sakin. '

GUARDIAN ATHENA
Astraea Sol Hemera Psyche Riecka Alosia - Nethuns

Nang magmulat ng nga mata ay sumalubong sakin ang napakagandang mukha ng isang babae.

Kung hindi ako nagkakamali ay kamukhang kamukha niya si Samara ,ang aking auntie.

Habang pinagmamasdan siya ay don ko lang napagtanto na ang magandang babae pala ay ang aking tunay na ina. Si Amara.

Buhat buhat ako nito na para bang nasa katawan ako ng isang sanggol.

At siyang tunay ,nang mapagmasdan ang aking maliliit na kamay ay don ko lang nakumpirmang nasa katawan nga ako ng sanggol.

"Aking prinsesa, gising ka na pala. Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng gatas anak?" Malambing na tanong nito.

Sinubukan kong magsalita pero puro bulol na mga salita ang lumalabas ron.

"Yow ma-mam."

Ngumiti ito at pinisil ng mahina ang aking pisngi.

" Nakakatuwa ka talaga aking prinsesa, Isang buwan ka pa lang ay nagagawa mo ng makapaglakad at ngayon ay nakakapagsalita narin. Hindi na ako nagulat pa, inaasahan ko na ito lalo na at Ikaw ang sanggol na itinakda ng mga dios at diosa." nakangiting sabi nito pero agad ding nalusaw.

Natulala ako sa kaniya dahil bigla na lamang may pumatak na luha sa mga mata niya.

"P-ero hindi ko na masasaksihan pa ang iba mong kakayahan anak. Dahil hindi maaaring magtagal ang aking katawan sa mundong ito."malungkot nitong sabi habang mahinang pinipisil ang malambot kong pisngi.

"Baw... ki?" 'Bakit?' ang lumabas sa bibig ko.

Malungkot na ngumiti ang magagandang labi nito.

"Dahil hanggang dito lang ang buhay ko. Nakatadhanang mapunta ako sa mundong ito at isilang ka, aking munting prinsesa. Tapos na ang kwento ko. Ang bagong kabanatang ito ay para sayo. Ikaw ang magtatapos ng lahat."sabi nito na hindi ko lubusang maintindihan.

"A-nu ibhi meh savihim?" 'Ano ibig mong sabihin?'

" Dahil hindi ako taga dito at nilikha lang ako para isilang ka. Ang role ko sa mundong ito ay dalhin ka sa aking sinapupunan kahit pa hin-" hindi niya natapos ang sasabihin dahil sa biglaang pagsabog mula sa labas.

ASHPRA: THE MAFIA QUEEN'S REINCARNATION (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon